Nehemias
9 Nang ika-24 na araw ng buwang ito, nagtipon ang mga Israelita; nag-ayuno sila, nagsuot ng telang-sako, at naglagay ng alabok sa kanilang ulo.+ 2 Ang likas na mga Israelita ay humiwalay sa lahat ng dayuhan,+ at tumayo sila at ipinagtapat ang mga kasalanan nila at ng mga ninuno nila.+ 3 Pagkatapos, nanatili sila sa kinatatayuan nila at tatlong oras* na binasa nang malakas ang aklat ng Kautusan+ ni Jehova na kanilang Diyos; tatlong oras* din silang nagtapat ng kasalanan at yumukod kay Jehova na kanilang Diyos.
4 Sina Jesua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Bunni, Serebias,+ Bani, at Kenani ay tumayo sa entablado+ ng mga Levita at nanalangin nang malakas kay Jehova na kanilang Diyos. 5 At ang mga Levitang sina Jesua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias, at Petahias ay nagsabi: “Tumayo kayo at purihin ninyo si Jehova na inyong Diyos magpakailanman.*+ O Diyos, purihin nawa nila ang iyong maluwalhating pangalan, na karapat-dapat sa lahat ng pagpapala at papuri.
6 “Walang Diyos na gaya mo, O Jehova;+ ginawa mo ang langit, oo, ang langit ng mga langit at lahat ng naroon,* ang lupa at lahat ng nasa ibabaw nito, at ang mga dagat at lahat ng naroon. Iniingatan mong buháy ang lahat ng iyon, at ang lahat ng nasa langit* ay yumuyukod sa iyo. 7 Ikaw si Jehova na tunay na Diyos, na pumili kay Abram+ at naglabas sa kaniya mula sa Ur+ ng mga Caldeo at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.+ 8 Nakita mong tapat sa iyo ang kaniyang puso,+ kaya nakipagtipan ka sa kaniya na ibibigay mo sa kaniya at sa mga supling* niya ang lupain ng mga Canaanita, Hiteo, Amorita, Perizita, Jebusita, at Girgasita;+ at tinupad mo ang iyong mga pangako dahil matuwid ka.
9 “Kaya nakita mo ang paghihirap ng mga ninuno namin sa Ehipto,+ at narinig mo ang kanilang pagdaing sa Dagat na Pula. 10 Pagkatapos, gumawa ka ng mga tanda at himala para parusahan ang Paraon, ang lahat ng lingkod niya, at ang lahat ng nasa lupain niya+ dahil alam mong pinahirapan nila ang iyong bayan.+ Ipinakilala mo ang iyong pangalan na nananatiling tanyag hanggang ngayon.+ 11 At hinati mo ang dagat sa harap nila kaya nakatawid sila sa tuyong sahig nito,+ at ang mga humahabol sa kanila ay inihagis mo sa kalaliman gaya ng batong itinapon sa maunos na dagat.+ 12 Ginabayan mo sila sa pamamagitan ng haliging ulap kung araw at ng haliging apoy kung gabi na nagsisilbing liwanag sa dapat nilang daanan.+ 13 At bumaba ka sa Bundok Sinai+ at nakipag-usap sa kanila mula sa langit+ at binigyan sila ng matuwid na mga kahatulan, mapananaligang kautusan,* at magagandang patakaran at batas.+ 14 Ipinaalám mo sa kanila ang iyong banal na Sabbath,+ at binigyan mo sila ng mga batas, patakaran, at isang kautusan sa pamamagitan ng iyong lingkod na si Moises. 15 Binigyan mo sila ng pagkain mula sa langit nang magutom sila,+ at nagpalabas ka ng tubig mula sa malaking bato nang mauhaw sila,+ at sinabi mo sa kanila na pasukin at kunin ang lupaing ipinangako mo sa kanila.
16 “Pero sila, ang mga ninuno namin, ay naging pangahas+ at matigas ang ulo,*+ at hindi nila pinakinggan ang mga utos mo. 17 Ayaw nilang makinig,+ at kinalimutan nila ang mga himala* na ginawa mo sa gitna nila; naging matigas ang ulo* nila at nag-atas sila ng mangunguna pabalik sa pagkaalipin sa Ehipto.+ Pero ikaw ay isang Diyos na handang magpatawad,* mapagmalasakit* at maawain, hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig,*+ at hindi mo sila iniwan.+ 18 Gumawa sila ng metal na estatuwa ng isang guya* at sinabi nila, ‘Ito ang ating Diyos na naglabas sa atin mula sa Ehipto,’+ at may iba pa silang ginawa na lumapastangan sa iyo, 19 pero ikaw, dahil napakamaawain mo, hindi mo pa rin sila iniwan sa ilang.+ Hindi mo inalis ang haliging ulap na gumagabay sa kanila kung araw at ang haliging apoy kung gabi na nagsisilbing liwanag sa dapat nilang daanan.+ 20 At ibinigay mo sa kanila ang iyong espiritu* para magbigay sa kanila ng unawa,+ hindi mo ipinagkait sa kanila ang iyong manna,+ at binigyan mo sila ng tubig nang mauhaw sila.+ 21 Sa loob ng 40 taon, pinaglaanan mo sila ng pagkain sa ilang.+ Hindi sila nagkulang ng anuman. Hindi naluma ang mga damit nila+ at hindi namaga ang mga paa nila.
22 “Binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, at hinati-hati mo ang mga iyon para sa kanila,+ kaya napasakanila ang lupain ni Sihon,+ na lupain ng hari ng Hesbon,+ pati na ang lupain ni Og+ na hari ng Basan. 23 At pinarami mo ang mga anak nila na gaya ng mga bituin sa langit.+ Pagkatapos, dinala mo sila sa lupaing ipinangako mong makukuha ng kanilang mga ninuno.+ 24 Kaya pumasok ang mga anak nila at kinuha ang lupain,+ at tinalo mo para sa kanila ang mga Canaanita+ na nakatira sa lupain. Ibinigay mo ang mga ito sa kanilang kamay, ang mga hari nito at ang mga bayan sa lupain, para gawin sa mga ito kung ano ang gusto nila. 25 At ang sinakop nila ay mga napapaderang* lunsod+ at isang matabang lupain,+ at napasakanila ang mga bahay na punô ng mamahaling gamit, mga imbakan ng tubig na hinukay, mga ubasan, mga taniman ng olibo,+ at napakaraming namumungang puno. Kaya kumain sila, nabusog, at tumaba, at nasiyahan sila sa iyong saganang kabutihan.
26 “Pero naging masuwayin sila at nagrebelde sa iyo+ at tinalikuran nila ang iyong Kautusan.* Pinatay nila ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila para magbalik-loob sa iyo, at nilapastangan ka nila.+ 27 Kaya ibinigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kalaban,+ na patuloy na nagpapahirap sa kanila.+ Pero dumaraing sila sa iyo kapag nahihirapan na sila, at dinirinig mo sila mula sa langit; at dahil napakamaawain mo, nagsusugo ka ng mga tagapagligtas para palayain sila sa kamay ng mga kalaban nila.+
28 “Pero kapag maayos na ulit ang kalagayan nila, gagawa na naman sila ng masama sa harap mo,+ at pababayaan mo silang matalo* ng mga kaaway nila.+ Pagkatapos, magbabalik-loob sila at hihingi ng tulong sa iyo,+ at diringgin mo sila mula sa langit at paulit-ulit mo silang ililigtas dahil napakamaawain mo.+ 29 Kahit nagbabala ka sa kanila para manumbalik sila sa iyong Kautusan, naging pangahas pa rin sila at hindi nakinig sa iyong mga utos;+ nagkasala sila dahil nilabag nila ang iyong mga batas, na kung susundin ng isang tao ay magdudulot ng buhay sa kaniya.+ Tinalikuran ka nila at nagrebelde sila,* at hindi sila nakinig. 30 Naging matiisin ka sa kanila+ sa loob ng maraming taon at paulit-ulit silang binigyan ng babala ng iyong mga propeta na ginabayan ng iyong espiritu, pero ayaw nilang makinig. Nang dakong huli, ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan* sa lupain.+ 31 At dahil napakamaawain mo, hindi mo sila pinabayaan o nilipol.+ Isa kang Diyos na mapagmalasakit* at maawain.+
32 “At ngayon, O aming Diyos, ang Diyos na dakila, makapangyarihan, at kahanga-hanga,* na tumutupad sa kaniyang tipan at nagpapakita ng tapat na pag-ibig,+ huwag mo nawang maliitin ang lahat ng paghihirap na naranasan namin, ng aming mga hari, pinuno,+ saserdote,+ propeta,+ ninuno, at ng iyong buong bayan mula nang mga araw ng mga hari ng Asirya+ hanggang sa araw na ito. 33 Hindi ka namin masisisi* sa lahat ng sinapit namin, dahil kumilos ka nang may katapatan; kami ang gumawa ng masama.+ 34 Ang aming mga hari, pinuno, saserdote, at mga ninuno ay hindi sumunod sa iyong Kautusan at hindi nagbigay-pansin sa iyong mga batas o mga paalaala na nagsilbing babala sa kanila. 35 Kahit noong may kaharian pa sila at nasisiyahan sa iyong pagkabukas-palad at kahit sila ay nasa malawak at matabang lupaing ibinigay mo sa kanila, hindi sila naglingkod sa iyo+ at hindi nila iniwan ang kanilang masasamang gawain. 36 Kaya heto kami ngayon, mga alipin+—oo, mga alipin sa lupaing ibinigay mo sa mga ninuno namin para masiyahan sa mga bunga nito at sa mabubuting bagay rito. 37 Dahil sa mga kasalanan namin, ang saganang ani ay napupunta sa mga haring pinamamahala mo sa amin.+ Namamahala sila sa amin* at sa mga alagang hayop namin sa paraang gusto nila, at talagang hirap na hirap kami.
38 “Kaya dahil sa lahat ng ito, gumagawa kami ng isang nasusulat na kasunduan,+ na pinagtitibay ng tatak ng aming mga pinuno, mga Levita, at mga saserdote.”+