Amos
5 “Pakinggan ninyo ang sinasabi kong ito laban sa inyo bilang awit ng pagdadalamhati, O sambahayan ng Israel:
2 ‘Ang birhen, ang Israel, ay bumagsak;
Hindi na siya makababangon.
Pinabayaan siya sa sarili niyang lupain;
Walang sinumang magbabangon sa kaniya.’
3 “Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
‘Sa lunsod na magsusugo ng 1,000 sundalo sa digmaan ay 100 ang matitira;
At sa isa na magsusugo ng 100 ay 10 ang matitira, para sa sambahayan ng Israel.’+
4 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa sambahayan ng Israel:
‘Hanapin ninyo ako at patuloy kayong mabubuhay.+
5 Huwag ninyong hanapin ang Bethel,+
Huwag kayong magpunta sa Gilgal+ o dumaan sa Beer-sheba,+
Dahil ang Gilgal ay tiyak na ipatatapon,+
At ang Bethel ay mawawala na.*
6 Hanapin ninyo si Jehova, at patuloy kayong mabubuhay,+
Para hindi siya sumiklab na parang apoy sa sambahayan ni Jose
At ang Bethel ay matupok ng apoy na hindi mapapatay ninuman.
8 Ang lumikha ng konstelasyong Kima* at ng konstelasyong Kesil,*+
Ginagawa niyang umaga ang matinding kadiliman,
Ginagawa niyang kasindilim ng gabi ang araw,+
Tinatawag niya ang tubig sa dagat
Para ibuhos iyon sa ibabaw ng lupa+
—Jehova ang pangalan niya.
9 Bigla siyang magpapasapit ng pagkapuksa sa malalakas,
At mawawasak ang mga tanggulan.
10 Napopoot sila sa mga sumasaway sa pintuang-daan ng lunsod,
At kinasusuklaman nila ang mga nagsasalita ng katotohanan.+
11 Dahil naniningil kayo ng upa* sa bukid mula sa mahihirap
At kinukuha ninyo ang ani* nila bilang tributo,*+
Hindi kayo patuloy na titira sa itinayo ninyong mga bahay na gawa sa tinabas na bato+
At hindi kayo iinom ng alak mula sa magagandang ubasan na inalagaan ninyo.+
12 Dahil alam ko kung gaano karaming ulit kayong naghimagsik*
At kung gaano kalaki ang mga kasalanan ninyo
—Pinahihirapan ninyo ang mga matuwid,
Tumatanggap kayo ng suhol,
At pinagkakaitan ninyo ng karapatan ang mahihirap sa pintuang-daan.+
13 Kaya ang mga may unawa ay mananahimik sa panahong iyon,
Dahil magiging panahon iyon ng kapahamakan.+
At si Jehova na Diyos ng mga hukbo ay sasainyo,
Gaya ng sinasabi ninyo.+
15 Kapootan ninyo ang kasamaan, at ibigin ang kabutihan,+
Hayaang mamayani ang katarungan sa pintuang-daan.+
Baka si Jehova na Diyos ng mga hukbo
Ay mahabag sa mga natitira sa Jose.’+
16 “Kaya si Jehova na Diyos ng mga hukbo, si Jehova, ay nagsabi:
‘Sa lahat ng liwasan* ay maririnig ang paghagulgol,
At sa lahat ng lansangan ay hihiyaw sila sa pagdadalamhati.
Tatawagin nila ang mga magsasaka para magdalamhati
At ang mga bayarang tagaiyak para humagulgol.’
17 ‘Sa lahat ng ubasan ay maririnig ang paghagulgol;+
Dahil dadaan ako sa gitna ninyo,’ ang sabi ni Jehova.
18 ‘Kaawa-awa ang mga nananabik sa araw ni Jehova!+
Ano ang aasahan ninyo sa araw ni Jehova?+
Iyon ay magiging dilim, at hindi liwanag.+
19 Iyon ay magiging gaya ng taong tumakas sa leon pero nakasalubong ng oso,
At nang pumasok siya sa bahay at itinukod sa dingding ang kamay niya, tinuklaw siya ng ahas.
20 Hindi ba’t ang araw ni Jehova ay magiging dilim, at hindi liwanag;
Hindi ba’t magkakaroon iyon ng karimlan, at hindi ng kaliwanagan?
21 Napopoot ako, nasusuklam ako sa mga kapistahan ninyo,+
At hindi ako nasisiyahan sa amoy ng inyong mga banal na pagtitipon.
22 Kahit na maghain kayo sa akin ng mga buong handog na sinusunog at ng mga handog na kaloob,
Hindi ako masisiyahan sa mga iyon;+
At hindi ako matutuwang tingnan ang inyong mga haing pansalo-salo na mga pinatabang hayop.+
23 Ayokong marinig ang maiingay mong awit;
At huwag mong iparinig sa akin ang tunog ng iyong mga instrumentong de-kuwerdas.+
24 Hayaang ang katarungan ay umagos gaya ng tubig,+
At ang katuwiran gaya ng ilog na patuloy na dumadaloy.