Zefanias
2 Bago ipatupad ang batas,
Bago lumipas ang araw na gaya ng ipa na tinangay ng hangin,
Bago dumating sa inyo ang nag-aapoy na galit ni Jehova,+
Bago dumating sa inyo ang araw ng galit ni Jehova,
3 Hanapin ninyo si Jehova,+ kayong lahat na maaamo* sa lupa,
Na sumusunod sa matuwid na mga batas* niya.
Hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan.*
Baka sakaling makubli kayo sa araw ng galit ni Jehova.+
5 “Kaawa-awa ang mga nakatira sa tabing-dagat, ang bansa ng mga Kereteo!+
Ang salita ni Jehova ay laban sa inyo.
O Canaan, na lupain ng mga Filisteo, wawasakin kita,
Para walang matira sa mga mamamayan mo.
6 At ang tabing-dagat ay magiging mga pastulan,
Na may mga balon para sa mga pastol at mga batong kulungan para sa mga tupa.
Sa mga bahay sa Askelon ay hihiga sila sa gabi.
Dahil bibigyang-pansin* sila ni Jehova na kanilang Diyos,
At titipunin niyang muli ang mga nabihag sa kanila.”+
8 “Narinig ko ang panghahamak ng Moab+ at ang pang-iinsulto ng mga Ammonita,+
Na nangungutya sa bayan ko at mayabang na pinagbabantaan ang kanilang teritoryo.+
9 Kaya isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel,
“Ang Moab ay magiging kagayang-kagaya ng Sodoma,+
At ang mga Ammonita, gaya ng Gomorra,+
Na tutubuan ng mga halamang kulitis at magiging hukay ng asin at permanenteng ilang.+
Darambungin sila ng mga natira sa bayan ko,
At itataboy sila ng nalabi sa bayan ko.
10 Ito ang mapapala nila dahil sa kayabangan nila,+
Dahil tinuya nila ang bayan ni Jehova ng mga hukbo at nagmataas sila rito.
11 Mamamangha* sila kay Jehova;
Dahil gagawin niyang walang kabuluhan* ang lahat ng diyos sa lupa,
At ang lahat ng isla ng mga bansa ay yuyukod* sa kaniya,+
Bawat isa mula sa kinaroroonan nito.
12 Kayong mga Etiope ay papatayin din sa pamamagitan ng aking espada.+
13 Iuunat niya ang kamay niya sa hilaga at pupuksain ang Asirya,
At ang Nineve ay gagawin niyang tiwangwang,+ tuyot na gaya ng disyerto.
14 Ang mga kawan ay hihiga roon, ang lahat ng uri ng maiilap na hayop.*
Ang pelikano at ang porcupino ay magpapalipas ng gabi sa bumagsak na mga haligi nito.
Isang tinig ang aawit sa may bintana.
Matatambak sa may pasukan ang mga guho;
At ihahantad niya ang mga dingding na sedro.
15 Ito ang mayabang na lunsod na dating nakaupong panatag,
Na nagsasabi sa sarili, ‘Ako ang pinakamagaling, at wala nang iba.’
Siya ay naging kakila-kilabot,
Naging higaan ng maiilap na hayop!
Lahat ng dadaan sa tapat niya ay mapapasipol at mapapailing.”*+