Josue
12 Ito ang mga haring natalo ng mga Israelita sa sinakop nilang lupain sa silangan ng Jordan, mula sa Lambak* ng Arnon+ hanggang sa Bundok Hermon+ at sa buong silangan ng Araba:+ 2 si Haring Sihon+ ng mga Amorita, na nakatira sa Hesbon at namahala mula sa Aroer,+ na nasa pampang ng Lambak* ng Arnon,+ at mula sa gitna ng lambak, at sa kalahati ng Gilead hanggang sa Lambak* ng Jabok, na hangganan ng mga Ammonita. 3 Namahala rin siya sa silangang bahagi ng Araba hanggang sa Lawa ng Kineret*+ at hanggang sa silangan ng Dagat ng Araba, ang Dagat Asin,* papunta sa direksiyon ng Bet-jesimot, at patimog sa ibaba ng mga dalisdis ng Pisga.+
4 Sinakop din ng mga Israelita ang teritoryo ni Haring Og+ ng Basan, na isa sa mga huling Repaim,+ na tumira sa Astarot at sa Edrei, 5 at namahala sa Bundok Hermon, sa Saleca, at sa buong Basan,+ hanggang sa hangganan ng mga Gesurita at ng mga Maacateo,+ at sa kalahati ng Gilead, sa hangganan ng teritoryo ni Haring Sihon ng Hesbon.+
6 Tinalo sila ng lingkod ni Jehova na si Moises at ng mga Israelita;+ pagkatapos, ang lupain nila ay ibinigay ni Moises na lingkod ni Jehova sa mga Rubenita, mga Gadita, at sa kalahati ng tribo ni Manases bilang mana.+
7 Ito ang mga hari sa lupain na tinalo ni Josue at ng mga Israelita sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal-gad+ sa Lambak ng Lebanon+ at hanggang sa Bundok Halak,+ na katapat ng Seir,+ na ang lupain ay ibinigay ni Josue sa mga tribo ng Israel bilang pag-aari ayon sa kani-kanilang parte,+ 8 sa mabundok na rehiyon, sa Sepela, sa Araba, sa mga dalisdis, sa ilang, at sa Negeb+—ang lupain ng mga Hiteo, mga Amorita,+ mga Canaanita, mga Perizita, mga Hivita, at mga Jebusita:+
9 Ang hari ng Jerico,+ isa; ang hari ng Ai,+ na nasa tabi ng Bethel, isa;
10 ang hari ng Jerusalem, isa; ang hari ng Hebron,+ isa;
11 ang hari ng Jarmut, isa; ang hari ng Lakis, isa;
12 ang hari ng Eglon, isa; ang hari ng Gezer,+ isa;
13 ang hari ng Debir,+ isa; ang hari ng Geder, isa;
14 ang hari ng Horma, isa; ang hari ng Arad, isa;
15 ang hari ng Libna,+ isa; ang hari ng Adulam, isa;
16 ang hari ng Makeda,+ isa; ang hari ng Bethel,+ isa;
17 ang hari ng Tapua, isa; ang hari ng Heper, isa;
18 ang hari ng Apek, isa; ang hari ng Lasaron, isa;
19 ang hari ng Madon, isa; ang hari ng Hazor,+ isa;
20 ang hari ng Simron-meron, isa; ang hari ng Acsap, isa;
21 ang hari ng Taanac, isa; ang hari ng Megido, isa;
22 ang hari ng Kedes, isa; ang hari ng Jokneam+ sa Carmel, isa;
23 ang hari ng Dor+ sa mga dalisdis ng Dor, isa; ang hari ng Goiim sa Gilgal, isa;
24 ang hari ng Tirza, isa; lahat-lahat, 31 hari.