HALAK, BUNDOK
[Makinis na Bundok].
Isang bundok na nagsilbing palatandaan ng timugang hangganan ng pananakop ng Israel sa Lupang Pangako sa ilalim ng pangunguna ni Josue. (Jos 11:16, 17; 12:7) Karaniwang ipinapalagay na ang Halak ay ang Jebel Halaq (Har He-Halaq), ang huling mataas na dakong Palestino sa gawing K sa daang nagmumula sa Beer-sheba patungong Araba. Pinaghihiwalay ng kabundukang nagsisimula sa Jebel Halaq ang pastulan sa dakong S at ang mabuhanging disyerto sa dakong K. Kung tama ang pagkakakilanlang ito, ang paglalarawan ng Bibliya sa Halak bilang ‘paahon,’ o ‘pataas,’ sa Seir ay mangangahulugang nakaharap sa Seir ang malapad na panig ng bundok na ito, anupat iyon ay bumabagtas mula TK patungong HS.