Amos
3 “Pakinggan ninyo ang mensaheng ito ni Jehova may kinalaman sa inyo, O bayan ng Israel, may kinalaman sa buong pamilya na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto:
2 ‘Kayo lamang ang kinilala ko sa lahat ng pamilya sa lupa.+
Kaya pananagutin ko kayo sa lahat ng inyong kamalian.+
3 Magkasama bang maglalakad ang dalawa kung hindi sila nagkasundong magkita?
4 Uungal ba ang leon sa kagubatan kung wala itong masisila?
Uungal ba ang leon sa lungga nito kung wala itong nahuli?
5 Mabibitag ba ang ibon sa lupa kung wala namang nakaumang na bitag para dito?*
Iigkas ba ang bitag mula sa lupa kung wala naman itong nahuli?
6 Kapag ang tambuli ay hinihipan sa isang lunsod, hindi ba’t nanginginig ang bayan?
Kapag may kapahamakang nangyari sa lunsod, hindi ba’t si Jehova ang gumawa nito?
7 Dahil ang Kataas-taasang* Panginoong Jehova ay hindi gagawa ng anuman
Malibang naipaalám na niya ang kaniyang lihim sa mga lingkod niyang propeta.+
8 Umungal ang leon!+ Sino ang hindi matatakot?
Nagsalita ang Kataas-taasang Panginoong Jehova! Sino ang hindi manghuhula?’+
9 ‘Ipahayag ninyo iyon sa matitibay na tore ng Asdod
At sa matitibay na tore sa lupain ng Ehipto.
Sabihin ninyo: “Magtipon kayo laban sa kabundukan ng Samaria;+
Tingnan ninyo ang kaguluhan sa gitna niya
At ang pandaraya sa loob niya.+
10 Dahil hindi nila alam kung paano gumawa ng tama,” ang sabi ni Jehova,
“Silang mga nag-iimbak ng karahasan at pagwasak* sa kanilang matitibay na tore.”’
11 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova,
‘Isang kalaban ang papalibot sa lupain,+
Aalisin niya ang iyong kapangyarihan,
At ang iyong matitibay na tore ay sasamsaman.’+
12 Ito ang sinabi ni Jehova,
‘Kung paanong inaagaw ng pastol mula sa bibig ng leon ang dalawang binti o isang piraso ng tainga,
Ganoon aagawin ang bayang Israel,
Ang mga taga-Samaria na nakaupo sa magagarang kama at magagandang higaan.’*+
13 ‘Makinig kayo at babalaan ninyo ang* sambahayan ni Jacob,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, na Diyos ng mga hukbo.