Mga Kawikaan
21 Ang puso ng hari ay gaya ng dumadaloy na tubig sa kamay ni Jehova.+
Ibinabaling Niya iyon saanman Niya gustuhin.+
4 Ang mapagmataas na mga mata at mayabang na puso
Ang lampara ng masasama, at ang mga ito ay kasalanan.+
5 Ang mga plano ng masipag ay tiyak na magtatagumpay,*+
Pero ang lahat ng padalos-dalos ay tiyak na maghihirap.+
6 Ang kayamanang nakuha gamit ang sinungaling na dila
Ay gaya ng singaw na naglalaho, isang nakamamatay na bitag.*+
9 Mas mabuti pang tumira sa bubong*
Kaysa makasama sa bahay ang asawang babae na mahilig makipagtalo.*+
11 Kapag pinarusahan ang manunuya, natututo ang walang karanasan,
At kapag nagkaroon ng kaunawaan ang taong marunong, nadaragdagan ang kaalaman niya.*+
13 Ang nagtatakip ng tainga kapag dumaraing ang mahirap
Ay hindi pakikinggan kapag siya naman ang tumawag.+
14 Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit,+
At ang palihim na panunuhol* ay nagpapahupa ng matinding galit.
15 Ikinatutuwa ng matuwid ang pagkilos nang may katarungan,+
Pero ayaw na ayaw ito ng mga gumagawa ng masama.
19 Mas mabuti pang tumira sa ilang
Kaysa makasama ang asawang babae na mahilig makipagtalo* at madaling mainis.+
21 Ang nagtataguyod ng katuwiran* at tapat na pag-ibig
Ay magkakamit ng buhay, katuwiran, at karangalan.+
26 Puro kasakiman ang nasa isip niya buong araw,
Pero ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait ng anuman.+
27 Kasuklam-suklam ang hain ng masama,+
Lalo na kung inihandog niya ito nang may masamang motibo!*
28 Ang sinungaling na testigo ay mamamatay,+
Pero magiging matagumpay na testigo* ang taong nakikinig na mabuti.
30 Walang karunungan, kaunawaan, o payo na makalalaban kay Jehova.+