Job
6 Sumagot si Job:
2 “Kung matitimbang lang sana ang paghihirap ko+
At mailalagay sa timbangan kasama ng mga trahedyang dinaranas ko!
3 Dahil ngayon ay mas mabigat pa ito kaysa sa mga buhangin sa dagat.
Kaya naman naging padalos-dalos ako sa pagsasalita.+
4 Dahil pinana ako ng Makapangyarihan-sa-Lahat,
At kumakalat sa katawan ko ang lason ng mga palaso;+
Nakahanay laban sa akin ang nakakatakot na mga pagsalakay ng Diyos.
6 Kinakain ba nang walang asin ang matabang na pagkain,
O may lasa ba ang katas ng halamang malvavisco?
7 Ayokong hipuin ang mga iyon.
Gaya iyon ng sirang pagkain.
8 Mangyari sana ang kahilingan ko
At ibigay sana ng Diyos ang kagustuhan ko!
10 Magpapaginhawa pa iyon sa akin;
Tatalon ako sa tuwa sa kabila ng napakatinding* kirot,
Dahil hindi ko itinakwil ang mga pananalita ng Banal na Diyos.+
11 May lakas pa ba ako para patuloy na maghintay?+
At ano pa ba ang inaasahan ko para patuloy na mabuhay?
12 Kasintibay ba ako ng bato?
O gawa ba sa tanso ang laman ko?
13 May magagawa ba ako para tulungan ang sarili ko
Ngayong wala nang sumusuporta sa akin?
14 Ang taong ayaw magpakita ng tapat na pag-ibig sa kapuwa niya+
Ay mawawalan ng takot sa Makapangyarihan-sa-Lahat.+
15 Ang sarili kong mga kapatid* ay mapandayang+ gaya ng sapa sa taglamig,
Gaya ng sapa sa taglamig na natutuyo.
16 Maitim ito dahil sa yelo,
At nakatago rito ang natutunaw na niyebe.
17 Pero sa tag-init, nawawala ang tubig nito at naglalaho;
Natutuyo ito kapag uminit.
18 Nalilihis ang daloy nito;
Dumadaloy ito sa disyerto at naglalaho.
20 Napahiya sila dahil umasa sila sa wala;
Nabigo lang sila pagdating doon.
21 Naging ganiyan kayo sa akin;+
Nakita ninyo ang kakila-kilabot na trahedyang sinapit ko, at natakot kayo.+
22 Nanghingi ba ako sa inyo
O humiling na bigyan ninyo ako ng regalo mula sa kayamanan ninyo?
25 Hindi masakit ang tapat na pananalita!+
Pero ano ang pakinabang sa saway ninyo?+
26 Gusto ba ninyong ituwid ang mga sinabi ko,
Ang pananalita ng isang desperado,+ na tinatangay ng hangin?
28 Kaya ngayon ay humarap kayo at tumingin sa akin,
Dahil hindi ako magsisinungaling sa inyo.
29 Pakisuyo, pag-isipan ninyo itong muli—huwag ninyo akong hatulan agad—
Oo, pag-isipan ninyo itong muli, dahil nananatili pa rin akong tapat.*
30 Iniisip ba ninyong wala sa katuwiran ang dila ko?
Hindi ba malalaman ng ngalangala ko kung may mali?