Obadias
Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova tungkol sa Edom:+
“May narinig kaming ulat mula kay Jehova,
Isang mensahero ang ipinadala sa mga bansa:
‘Maghanda tayo para makipaglaban sa kaniya.’”+
3 Dinaya ka ng kayabangan ng puso mo,+
Ikaw na protektado ng malalaking bato,
Ikaw na nakatira sa mataas na lugar at nagsasabi,*
‘Sino ang magpapabagsak sa akin sa lupa?’
4 Kahit tumira ka pa sa napakataas na lugar* gaya ng agila,
O ilagay mo ang iyong pugad sa mga bituin,
Mula roon ay ibabagsak kita,” ang sabi ni Jehova.
5 “Kung pupuntahan ka ng mga magnanakaw sa gabi,
Hindi ba ang gusto lang nila ang kukunin nila?
(Talagang mawawasak ka!)*
O kung mga tagapitas ng ubas ang magpupunta sa iyo,
Hindi ba magtitira sila?+
6 Tinugis nila ang Esau!
Ninakaw nila ang nakatago niyang mga kayamanan!
7 Itinaboy ka nila sa hangganan.
Nilinlang ka ng lahat ng kaalyado mo.*
Pinabagsak ka ng mga kaibigan mo.*
Ang mga kasalo mo sa pagkain ay naglagay ng lambat na pambitag sa iyo,
Pero hindi mo iyon namalayan.
8 Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova,
“Pupuksain ko ang marurunong sa Edom+
At ang mga may unawa mula sa mabundok na rehiyon ng Esau.
9 At ang mga mandirigma mo ay matatakot,+ O Teman,+
Dahil ang bawat isa sa kanila na nasa mabundok na rehiyon ng Esau ay papatayin.+
10 Dahil sa karahasang ginawa sa kapatid mong si Jacob,+
Mababalot ka ng kahihiyan,+
At maglalaho ka magpakailanman.+
11 Nang araw na tumayo ka lang at nanood,
Nang araw na bihagin ng mga estranghero ang hukbo niya,+
Nang pasukin ng mga dayuhan ang kaniyang pintuang-daan at pagpalabunutan+ ang Jerusalem,
Naging gaya ka nila.
12 Hindi ka dapat nagsaya nang may masamang nangyari sa kapatid mo,+
Hindi ka dapat nagdiwang nang mapahamak ang bayan ng Juda,+
At hindi ka dapat nagyabang nang magdusa sila.
13 Hindi ka dapat pumasok sa pintuang-daan ng aking bayan sa araw ng kanilang kapahamakan,+
Hindi ka dapat nagsaya nang magdusa siya sa araw ng kaniyang kapahamakan,
At hindi ka dapat kumuha ng kaniyang yaman sa araw ng kaniyang kapahamakan.+
14 Hindi ka dapat nag-abang sa sangandaan para patayin ang mga tumatakas,+
At hindi mo dapat ibinigay sa kaaway ang mga natirang buháy sa araw ng pagdurusa nila.+
15 Dahil ang araw ni Jehova laban sa lahat ng bansa ay malapit na.+
Kung ano ang ginawa mo, iyon din ang gagawin sa iyo.+
Kung paano mo pinakitunguhan ang iba, ganoon ka rin pakikitunguhan.
Iinom sila at lalagok,
At maglalaho sila na parang hindi sila kailanman umiral.
At mababawi ng sambahayan ni Jacob ang mga pag-aari nila.+
18 Ang sambahayan ni Jacob ay magiging apoy,
Ang sambahayan ni Jose ay magiging liyab,
Ang sambahayan ni Esau ay magiging gaya ng dayami;
Sisilaban nila ito at tutupukin,
At walang matitirang buháy sa sambahayan ni Esau,+
Dahil si Jehova mismo ang nagsabi.
19 Makukuha nila ang Negeb at ang mabundok na rehiyon ng Esau,+
Ang Sepela at ang lupain ng mga Filisteo.+
Makukuha nila ang lupain ng Efraim at ang lupain ng Samaria,+
At makukuha ng Benjamin ang Gilead.
20 Sa bayan ng Israel na binihag mula sa matibay na pader* na ito,+
Sa kanila mapupunta ang lupain ng mga Canaanita hanggang sa Zarepat.+
At makukuha ng mga taga-Jerusalem, na naging tapon sa Separad, ang mga lunsod ng Negeb.+