Mga Kawikaan
24 Huwag kang mainggit sa masasamang tao,
At huwag mong hangaring makasama sila,+
2 Dahil karahasan ang laman* ng puso nila,
At kapahamakan ang lumalabas sa mga labi nila.
4 Dahil sa kaalaman, napupuno ang mga silid nito
Ng lahat ng klase ng magaganda at mahahalagang kayamanan.+
7 Hindi maaabot ng mangmang ang tunay na karunungan;+
Wala siyang nasasabi sa pintuang-daan ng lunsod.
11 Iligtas mo ang mga dinadala sa kamatayan,
At pigilan mo ang mga sumusuray-suray papunta sa katayan.+
12 Kung sasabihin mo, “Pero hindi namin alam iyon,”
Hindi ba alam ng Tagasuri ng puso* kung ano ang totoo?+
Oo, malalaman iyon ng Isa na nagbabantay sa iyo
At gagantihan niya ang bawat tao ayon sa ginagawa nito.+
13 Anak ko, kumain ka ng pulot-pukyutan dahil mabuti ito sa iyo;
Ang purong pulot-pukyutan ay matamis.
14 Gayundin, tandaan mo na mabuti ang karunungan para sa iyo.+
Kapag nakita mo ito, magiging maganda ang kinabukasan mo
At hindi mawawala ang iyong pag-asa.+
15 Huwag kang mag-abang malapit sa bahay ng matuwid para gawan siya ng masama;
Huwag mong wasakin ang tirahan niya.
16 Dahil kahit mabuwal ang matuwid nang pitong ulit, babangon pa rin siya,+
Pero ang masasama ay matitisod at lubusang mapapahamak.+
17 Kapag nabuwal ang kaaway mo, huwag kang matuwa,
At kapag natisod siya, huwag magsaya ang puso mo;+
18 Dahil makikita iyon ni Jehova at hindi Siya matutuwa,
At mawawala ang galit Niya sa kaaway mo.+
19 Huwag kang magalit* dahil sa masasama;
Huwag kang mainggit sa kanila,
20 Dahil walang kinabukasan para sa sinumang masama;+
Ang lampara ng masasama ay papatayin.+
21 Anak ko, matakot ka kay Jehova at sa hari.+
Sino ang nakaaalam kung paano nila* sila lilipulin?+
23 Ang mga pananalitang ito ay para din sa marurunong:
Hindi mabuti ang di-patas na paghatol.+
24 Ang sinumang nagsasabi sa masama, “Matuwid ka,”+
Ay susumpain ng mga bayan at tutuligsain ng mga bansa.
26 Hahalikan ng bayan ang mga labi ng nagsasalita nang tapat.*+
27 Planuhin mo ang gagawin mo sa labas at ihanda mo ang iyong bukid;
At saka ka magtayo ng iyong bahay.*
28 Huwag kang tumestigo laban sa iyong kapuwa nang walang basehan.+
Huwag mong gamitin ang mga labi mo para manlinlang.+
29 Huwag mong sabihin: “Gagawin ko sa kaniya ang ginawa niya sa akin;