Ikalawang Samuel
1 Pagkamatay ni Saul, nang makabalik si David matapos talunin* ang mga Amalekita, si David ay nanatili sa Ziklag+ nang dalawang araw. 2 Sa ikatlong araw, isang lalaki ang dumating mula sa kampo ni Saul, at ang damit niya ay punít at may lupa sa kaniyang ulo. Paglapit niya kay David, lumuhod siya at sumubsob sa lupa.
3 Tinanong siya ni David: “Saan ka nanggaling?” Sumagot siya: “Tumakas ako mula sa kampo ng Israel.” 4 Tinanong siya ni David: “Ano ang nangyari? Pakisuyong sabihin mo sa akin.” Sumagot siya: “Tumakas ang mga sundalo mula sa digmaan at marami ang napabagsak at namatay. Pati si Saul at ang anak niyang si Jonatan ay namatay.”+ 5 Pagkatapos, tinanong ni David ang lalaking nagbalita sa kaniya: “Paano mo nalamang patay na si Saul at ang anak niyang si Jonatan?” 6 Sumagot ang lalaki: “Nagkataong nasa Bundok Gilboa ako,+ at naroon si Saul na nakasandig sa sibat niya; maaabutan na siya ng mga karwahe* at mangangabayo.+ 7 Nang lumingon siya at makita ako, tinawag niya ako, at sinabi ko, ‘Narito po ako!’ 8 Tinanong niya ako, ‘Sino ka?’ Sumagot ako, ‘Isa akong Amalekita.’+ 9 Pagkatapos, sinabi niya, ‘Pakisuyo, lumapit ka rito at patayin mo ako. Hirap na hirap na ako, pero hindi pa ako namamatay.’ 10 Kaya lumapit ako sa kaniya at pinatay ko siya;+ alam kong hindi na siya mabubuhay pa matapos siyang bumagsak na sugatán. Pagkatapos, kinuha ko ang korona* sa ulo niya at ang pulseras sa braso niya, at dinala ko iyon dito sa aking panginoon.”
11 Kaya pinunit ni David ang damit niya, at ganoon din ang ginawa ng lahat ng tauhan niya na kasama niya. 12 At hanggang gabi ay hinagulgulan at iniyakan at ipinag-ayuno*+ nila si Saul, ang anak nitong si Jonatan, ang bayan ni Jehova, at ang sambahayan ng Israel,+ dahil bumagsak sila sa pamamagitan ng espada.
13 Tinanong ni David ang lalaking nagdala ng balita sa kaniya: “Tagasaan ka?” Sinabi nito: “Anak ako ng isang Amalekita na naninirahan sa Israel.” 14 Pagkatapos, sinabi rito ni David: “Bakit hindi ka natakot na patayin ang pinili* ni Jehova?”+ 15 At tinawag ni David ang isa sa mga tauhan niya at sinabi: “Lumapit ka at patayin mo siya.” Kaya pinatay niya ito.+ 16 Sinabi rito ni David: “Ikaw ang may kasalanan sa sarili mong kamatayan, dahil ikaw na rin ang nagpatotoo laban sa sarili mo nang sabihin mo, ‘Ako mismo ang pumatay sa pinili* ni Jehova.’”+
17 At inawit ni David ang awit na ito ng pagdadalamhati para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan,+ 18 at sinabi niyang dapat ituro sa bayan ng Juda ang awit ng pagdadalamhati na pinamagatang “Ang Pana,” na nakasulat sa aklat na Jasar:+
19 “Ang kagandahan, O Israel, ay pinatay sa iyong matataas na lugar.+
Ang makapangyarihan ay bumagsak!
20 Huwag ninyo itong ipamalita sa Gat;+
Huwag ninyo itong isigaw sa mga lansangan ng Askelon,
Dahil magsasaya ang mga anak na babae ng mga Filisteo,
Dahil magdiriwang ang mga anak na babae ng mga lalaking di-tuli.
21 Kayong mga bundok ng Gilboa,+
Huwag na sanang humamog o umulan sa inyo,
At huwag sanang mamunga ang inyong mga bukid ng mga bagay na maiaalay sa Diyos,+
Dahil narumhan doon ang kalasag ng mga makapangyarihan,
Ang kalasag ni Saul ay wala nang pahid ng langis.
22 Mula sa dugo ng mga pinatay, mula sa taba ng mga makapangyarihan,
Ang pana ni Jonatan ay hindi umurong,+
At ang espada ni Saul ay hindi bumabalik nang hindi nagtatagumpay.+
23 Sina Saul at Jonatan,+ na minahal at kinagiliwan noong nabubuhay pa sila,
Kahit sa kamatayan ay hindi sila nagkahiwalay.+
24 O mga anak na babae ng Israel, iyakan ninyo si Saul,
Na nagdamit sa inyo ng matingkad na pula at ng magagandang kasuotan,
Na naglagay ng mga palamuting ginto sa inyong damit.
25 Ang mga makapangyarihan ay bumagsak sa digmaan!
Si Jonatan ay napatay sa iyong matataas na lugar!+
Nakahihigit ang pagmamahal mo sa akin kaysa sa pagmamahal ng mga babae.+
27 Ang mga makapangyarihan ay bumagsak
At ang mga sandatang pandigma ay naglaho!”