Genesis
36 Ito ang kasaysayan ni Esau, na tinatawag ding Edom.+
2 Si Esau ay kumuha ng mga asawa mula sa mga babae sa Canaan: si Ada+ na anak ni Elon na Hiteo,+ at si Oholibama+ na anak ni Anah at apo ni Zibeon na Hivita; 3 at si Basemat,+ na anak ni Ismael at kapatid na babae ni Nebaiot.+
4 At naging anak ni Ada si Elipaz kay Esau, at naging anak ni Basemat si Reuel,
Ito ang mga anak ni Esau na ipinanganak sa lupain ng Canaan. 6 Pagkatapos, tinipon ni Esau ang kaniyang mga asawa, mga anak na lalaki at babae, lahat ng miyembro ng sambahayan niya, ang kawan niya at lahat ng iba pang hayop, at ang lahat ng naging kayamanan niya+ sa lupain ng Canaan. At lumipat siya sa lupain na malayo sa kapatid niyang si Jacob,+ 7 dahil napakarami na ng mga pag-aari nila para manirahan silang magkasama at hindi na sila kayang tustusan ng lupaing tinitirhan nila* dahil sa mga kawan nila. 8 Kaya nanirahan si Esau sa mabundok na rehiyon ng Seir.+ Si Esau ay si Edom.+
9 At ito ang kasaysayan ni Esau, ang ama ng Edom, sa mabundok na rehiyon ng Seir.+
10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Elipaz na anak ni Ada, na asawa ni Esau; si Reuel na anak ni Basemat, na asawa ni Esau.+
11 Ang mga anak ni Elipaz ay sina Teman,+ Omar, Zepo, Gatam, at Kenaz.+ 12 Si Timna ay naging pangalawahing asawa ni Elipaz, na anak ni Esau. Nang maglaon, naging anak niya si Amalek+ kay Elipaz. Ito ang mga apo ni Ada, na asawa ni Esau.
13 Ito ang mga anak ni Reuel: sina Nahat, Zera, Shamah, at Miza. Ito ang mga apo ni Basemat,+ na asawa ni Esau.
14 Ito ang mga anak ni Esau sa asawa niyang si Oholibama na anak ni Anah at apo ni Zibeon: sina Jeus, Jalam, at Kora.
15 Ito ang mga shik* na nagmula kay Esau:+ Ang mga anak ni Elipaz, na panganay ni Esau: sina Shik Teman, Shik Omar, Shik Zepo, Shik Kenaz,+ 16 Shik Kora, Shik Gatam, at Shik Amalek. Ito ang mga shik ni Elipaz+ sa lupain ng Edom. Ito ang mga apo ni Ada.
17 Ito ang mga anak ni Reuel, na anak ni Esau: sina Shik Nahat, Shik Zera, Shik Shamah, at Shik Miza. Ito ang mga shik ni Reuel sa lupain ng Edom.+ Ito ang mga apo ni Basemat, na asawa ni Esau.
18 Ito ang mga anak ni Oholibama, na asawa ni Esau: sina Shik Jeus, Shik Jalam, at Shik Kora. Ito ang mga shik ni Oholibama na anak ni Anah at asawa ni Esau.
19 Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga shik. Siya ay si Edom.+
20 Ito ang mga anak ni Seir na Horita, na nakatira sa lupain:+ sina Lotan, Sobal, Zibeon, Anah,+ 21 Dison, Ezer, at Disan.+ Ito ang mga shik ng mga Horita, na mga anak ni Seir, sa lupain ng Edom.
22 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Hemam, at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.+
23 Ito ang mga anak ni Sobal: sina Alvan, Manahat, Ebal, Sepo, at Onam.
24 Ito ang mga anak ni Zibeon:+ sina Aias at Anah. Siya ang Anah na nakakita ng maiinit na bukal sa ilang habang binabantayan ang mga asno ng ama niyang si Zibeon.
25 Ito ang mga anak ni Anah: si Dison at ang anak na babae ni Anah na si Oholibama.
26 Ito ang mga anak ni Dison: sina Hemdan, Esban, Itran, at Keran.+
27 Ito ang mga anak ni Ezer: sina Bilhan, Zaavan, at Akan.
28 Ito ang mga anak ni Disan: sina Uz at Aran.+
29 Ito ang mga shik ng mga Horita: sina Shik Lotan, Shik Sobal, Shik Zibeon, Shik Anah, 30 Shik Dison, Shik Ezer, at Shik Disan.+ Ito ang mga shik ng mga Horita sa lupain ng Seir.
31 Ito ang mga haring namahala sa lupain ng Edom+ bago nagkaroon ng hari ang mga Israelita.+ 32 Si Bela na anak ni Beor ay namahala sa Edom, at ang pangalan ng lunsod niya ay Dinhaba. 33 Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak ni Zera na mula sa Bozra ang namahala kapalit niya. 34 Nang mamatay si Jobab, si Husam na mula sa lupain ng mga Temanita ang namahala kapalit niya. 35 Nang mamatay si Husam, ang anak ni Bedad na si Hadad, na tumalo sa mga Midianita+ sa teritoryo ng Moab, ang namahala kapalit niya, at ang pangalan ng lunsod niya ay Avit. 36 Nang mamatay si Hadad, si Samla na mula sa Masreka ang namahala kapalit niya. 37 Nang mamatay si Samla, si Shaul na mula sa Rehobot na nasa tabi ng Ilog ang namahala kapalit niya. 38 Nang mamatay si Shaul, si Baal-hanan na anak ni Acbor ang namahala kapalit niya. 39 Nang mamatay si Baal-hanan na anak ni Acbor, si Hadar ang namahala kapalit niya. Ang pangalan ng lunsod niya ay Pau, at ang asawa niya ay si Mehetabel na anak na babae ni Matred na anak na babae ni Mezahab.
40 Kaya ito ang pangalan ng mga shik ni Esau ayon sa pangalan ng kani-kanilang pamilya at lugar: Shik Timna, Shik Alva, Shik Jetet,+ 41 Shik Oholibama, Shik Elah, Shik Pinon, 42 Shik Kenaz, Shik Teman, Shik Mibzar, 43 Shik Magdiel, at Shik Iram. Ito ang mga shik ng Edom ayon sa kani-kanilang pamayanan sa lupain na pag-aari nila.+ Ito si Esau, ang ama ng Edom.+