Eclesiastes
11 Ihagis mo sa tubig ang iyong tinapay,+ dahil makukuha mo itong muli pagkalipas ng maraming araw.+ 2 Mamahagi ka sa pito o kahit sa walo,+ dahil hindi mo alam kung anong sakuna* ang darating sa lupa.
3 Kapag ang ulap ay punô ng tubig, bubuhos ang ulan sa lupa; at kapag ang puno ay nabuwal patimog o pahilaga, mananatili ito kung saan ito nabuwal.
4 Hindi maghahasik ng binhi ang nakatingin sa hangin, at hindi mag-aani ang nakatingin sa ulap.+
5 Kung paanong hindi mo alam kung paano kumikilos ang espiritu* sa mga buto ng isang sanggol sa* sinapupunan ng nagdadalang-tao,+ hindi mo rin malalaman ang gawa ng tunay na Diyos, na gumagawa ng lahat ng bagay.+
6 Maghasik ka ng binhi sa umaga, at huwag kang magpahinga hanggang gabi;+ dahil hindi mo alam kung alin sa mga ito ang tutubo, kung ang isang ito o ang isa pa, o kung parehong tutubo ang mga ito.
7 Nakakatuwa ang liwanag, at mabuti para sa mga mata na makita ang araw. 8 Dahil kung mabuhay nang mahaba ang isang tao, dapat siyang masiyahan sa bawat araw.+ Pero dapat niyang tandaan na puwedeng maging marami ang mga araw ng paghihirap;* ang lahat ng darating ay walang kabuluhan.+
9 Magsaya ka, binata, habang kabataan ka pa, at masiyahan nawa ang puso mo sa panahon ng iyong kabataan. Sundin mo ang puso mo at pumunta ka kung saan ka akayin ng mga mata mo; pero tandaan mong hahatulan ka ng tunay na Diyos depende* sa mga gagawin mo.+ 10 Kaya alisin mo ang kapaha-pahamak na mga bagay sa puso mo, at ilayo mo sa iyong katawan* ang anumang nakapipinsala, dahil ang panahon ng kabataan at kalakasan ay walang kabuluhan.+