Josue
18 At ang buong Israel ay nagtipon sa Shilo,+ at itinayo nila roon ang tolda ng pagpupulong,+ dahil nasakop na nila ang lupain.+ 2 Pero may pitong tribo sa Israel na hindi pa nabibigyan ng mana. 3 Kaya sinabi ni Josue sa mga Israelita: “Gaano katagal pa bago ninyo kunin ang lupain na ibinigay sa inyo ni Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno?+ 4 Magbigay kayo ng tatlong lalaki sa bawat tribo at isusugo ko sila; lilibutin nila ang buong lupain at gagawan ito ng mapa para mahati ito ayon sa kanilang mana. Pagkatapos, babalik sila sa akin. 5 Hahatiin nila iyon sa pitong bahagi.+ Ang Juda ay mananatili sa teritoryo niya sa timog,+ at ang sambahayan ni Jose ay mananatili sa teritoryo nila sa hilaga.+ 6 Gumawa kayo ng mapa ng lupain na hinati sa pitong bahagi, at dalhin ninyo iyon sa akin, at magpapapalabunutan+ ako rito para sa inyo sa harap ni Jehova na Diyos natin. 7 Pero ang mga Levita ay hindi bibigyan ng bahagi sa lupain ninyo,+ dahil ang paglilingkod kay Jehova bilang saserdote ang mana nila;+ at nakuha na ng Gad, Ruben, at ng kalahati ng tribo ni Manases+ ang mana nila sa silangan ng Jordan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ni Jehova.”
8 Naghanda sa pag-alis ang mga lalaking gagawa ng mapa ng lupain. Inutusan sila ni Josue: “Libutin ninyo ang buong lupain at gawan ito ng mapa at bumalik kayo sa akin, at magpapapalabunutan ako rito para sa inyo sa harap ni Jehova sa Shilo.”+ 9 Kaya ang mga lalaki ay umalis at lumibot sa buong lupain. Ginawan nila ito ng mapa ayon sa mga lunsod at hinati sa pitong bahagi, at inilagay nila ang mga detalyeng ito sa isang aklat. Pagkatapos, bumalik sila kay Josue sa kampo sa Shilo. 10 At nagpalabunutan si Josue para sa kanila sa Shilo sa harap ni Jehova.+ Hinati-hati roon ni Josue ang lupain para sa mga Israelita ayon sa kani-kanilang parte.+
11 Sa unang palabunutan, ang mana ay napunta sa mga pamilya sa tribo ni Benjamin, at ang lupain nila ay nasa pagitan ng teritoryo ni Juda+ at ng teritoryo ni Jose.+ 12 Sa hilaga, ang hangganan nila ay mula sa Jordan papunta sa dalisdis ng Jerico+ sa hilaga, aakyat sa bundok pakanluran, at aabot sa ilang ng Bet-aven.+ 13 Mula roon, ang hangganan ay magpapatuloy sa Luz, sa timugang dalisdis ng Luz, ang Bethel;+ ang hangganan ay bababa sa Atarot-addar+ sa bundok na nasa timog ng Mababang Bet-horon.+ 14 At ang hangganan sa kanluran ay mula sa bundok na nasa tapat ng Bet-horon, magpapatuloy patimog at magtatapos sa Kiriat-baal, na tinatawag ding Kiriat-jearim,+ isang lunsod ni Juda. Ito ang hangganan sa kanluran.
15 Ang hangganan sa timog ay mula sa dulo ng Kiriat-jearim pakanluran at magpapatuloy sa bukal ng tubig ng Neptoa.+ 16 Ang hangganan ay pababa sa dulo ng bundok na nakaharap sa Lambak ng Anak ni Hinom,+ na nasa Lambak* ng Repaim+ sa hilaga, at bababa sa Lambak ng Hinom, papunta sa dalisdis ng Jebusita+ sa timog, at bababa sa En-rogel.+ 17 Ang hangganan ay liliko pahilaga sa En-semes at sa Gelilot, na nasa tapat ng paakyat na daan ng Adumim,+ at bababa sa bato+ ni Bohan+ na anak ni Ruben. 18 At magpapatuloy ito sa hilagang dalisdis sa tapat ng Araba at bababa sa Araba. 19 At ang hangganan ay magpapatuloy sa hilagang dalisdis ng Bet-hogla+ at magtatapos sa hilagang look ng Dagat Asin*+ sa dulo ng Jordan sa timog. Ito ang hangganan sa timog. 20 Ang Jordan naman ang hangganan sa silangan. Ito ang mana ng mga pamilya ng tribo ni Benjamin at ang mga hangganan nito.
21 At ito ang mga lunsod ng tribo ni Benjamin na hinati sa kani-kanilang pamilya: Jerico, Bet-hogla, Emek-keziz, 22 Bet-araba,+ Zemaraim, Bethel,+ 23 Avim, Para, Opra, 24 Kepar-ammoni, Opni, at Geba+—12 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
25 Ang Gibeon,+ Rama, Beerot, 26 Mizpe, Kepira, Moza, 27 Rekem, Irpeel, Tarala, 28 Zelah,+ Ha-elep, Jebusi, na tinatawag ding Jerusalem,+ Gibeah,+ at Kiriat—14 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.
Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Benjamin.