HA-ELEP
[Ang Barakong Baka; Ang Baka].
Isang lunsod ng Benjamin. Hindi alam kung saan ang lokasyon nito sa ngayon. (Jos 18:21, 28) Ipinapalagay ng ilang iskolar na ang Ha-elep ay maaaring bahagi ng pangalan ng naunang lunsod, ang “Zelah.” Gayunman, kung pagsasamahin ang “Zelah” at “Ha-elep,” magiging 13 na lamang ang bilang ng mga lunsod, at hindi ito tutugma sa binabanggit ng Bibliya na 14 na lunsod.