Job
Pinupuntahan niya maging ang pinakamadilim na lugar
Para maghanap ng mina.*
4 Humuhukay siya ng madadaanan, malayo sa tinitirhan ng tao,
Sa mga lugar na nalimutan na, malayo sa nilalakaran ng tao;
May mga bumababa gamit ang lubid at nagtatrabaho nang nakabitin.
5 Sa ibabaw ng lupa tumutubo ang pinagmumulan ng pagkain;
Pero ang ilalim ay wasak, na para bang dinaanan ng apoy.*
6 Sa mga bato ay may safiro,
At sa alabok ay may ginto.
7 Hindi alam ng mga ibong maninila ang daang papunta rito;
Hindi pa ito nakikita ng mata ng itim na lawin.
8 Hindi pa ito nalalakaran ng mababangis na hayop;
Hindi pa ito napupuntahan ng malakas na leon.
11 Hinaharangan niya ang mga pinagmumulan ng ilog
At dinadala sa liwanag ang nakatagong mga bagay.
14 Sinasabi ng malalim na katubigan, ‘Wala iyon sa akin!’
At sinasabi ng dagat, ‘Wala iyon sa akin!’+
17 Hindi maikukumpara dito ang ginto at salamin,
At hindi ito kayang palitan ng lalagyang yari sa purong* ginto.+
18 Wala sa kalingkingan nito ang korales at kristal,+
Dahil ang isang supot ng karunungan ay nakahihigit sa isang supot ng perlas.
22 Sinasabi ng pagkapuksa at kamatayan,
‘Bali-balita lang tungkol doon ang narinig namin.’
23 Alam ng Diyos kung paano ito hanapin;
Siya lang ang nakaaalam kung nasaan ito,+
24 Dahil tumitingin siya hanggang sa pinakadulo ng lupa,
At nakikita niya ang lahat ng nasa ilalim ng langit.+
25 Nang bigyan niya ng lakas* ang hangin+
At timbangin ang lahat ng tubig,+
26 Nang magtakda siya ng tuntunin para sa ulan+
At ng dadaanan ng ulap na may dalang bagyo at kulog,+
27 Nakita niya ang karunungan at ipinaliwanag ito;
Siya ang nagpasimula ng karunungan, at sinubok niya ito.
28 At sinabi niya sa tao: