Mga Kawikaan
2 Sundin mo ang mga utos ko, at patuloy kang mabubuhay;+
Ingatan mo ang tagubilin* ko na gaya ng itim ng iyong mata.
4 Sabihin mo sa karunungan, “Kapatid kitang babae,”
At tawagin mong kamag-anak ang unawa,
5 Para maingatan ka mula sa masamang* babae,+
Mula sa imoral na* babae at sa mapang-akit* niyang pananalita.+
6 Mula sa bintana ng bahay ko,
Mula sa sala-sala ay dumungaw ako;
7 At habang pinagmamasdan ko ang mga walang karanasan,*
Nakita ko sa isang grupo ng kabataan ang isang lalaki na kulang sa unawa.*+
8 Dumaan siya malapit sa kanto ng bahay ng babae
At naglakad sa direksiyon ng tirahan nito
9 Sa takipsilim, bago gumabi,+
Habang nag-aagaw ang liwanag at dilim.
10 At nakita kong sinalubong siya ng isang babae;
11 Ang babae ay maingay at palaban.+
Lagi siyang wala* sa bahay.
12 Nasa lansangan siya at mayamaya lang ay nasa liwasan* na;
Nag-aabang siya nang palihim sa bawat kanto.+
13 Sinunggaban niya ang lalaki at hinalikan;
Hindi siya nahiyang sabihin:
14 “Kinailangan kong maghandog ng mga haing pansalo-salo.+
Tinupad ko ngayon ang mga panata ko.
15 Kaya naman lumabas ako para salubungin ka,
Para hanapin ka, at nakita nga kita!
17 Nilagyan ko ang kama ko ng mira, aloe, at kanela.*+
18 Halika, magpakalango tayo sa ating pag-ibig hanggang umaga;
Masiyahan tayo sa init ng ating pagmamahalan,
19 Dahil wala sa bahay ang asawa ko,
At malayo ang pinuntahan niya.
20 May dala siyang pera,
At hindi siya uuwi hanggang sa kabilugan ng buwan.”
21 Nailigaw niya ito sa husay niyang manghikayat.+
Tinukso niya ito ng kaniyang mapang-akit* na pananalita.
22 Sumunod ito agad sa kaniya, gaya ng toro na papunta sa katayan,
Gaya ng mangmang na paparusahan sa pangawan,+
23 Hanggang sa matuhog ng pana ang atay nito;
Gaya ng ibong nagmamadali sa pagpasok sa bitag, hindi alam ng lalaki na ang kapalit nito ay buhay niya.+
24 Kaya ngayon, mga anak ko, makinig kayo sa akin;
Bigyang-pansin ninyo ang sinasabi ko.
25 Huwag mong hayaang maakit ang puso mo sa mga daan niya.