Oseas
10 “Ang Israel ay nabubulok* na punong ubas na namumunga.+
Habang dumarami ang bunga niya, pinararami niya rin ang altar niya;+
Habang gumaganda ang ani sa lupain niya, gumaganda rin ang mga sagradong haligi niya.+
2 Mapagpanggap ang puso nila;
Ngayon ay mapatutunayan silang may-sala.
May sisira sa mga altar nila at wawasak sa mga haligi nila.
3 At sasabihin nila, ‘Wala kaming hari+ dahil hindi kami natakot kay Jehova.
At ano ang magagawa ng hari para sa amin?’
4 Nagsasalita sila ng walang kabuluhan, sumusumpa ng kasinungalingan,+ at nakikipagtipan;
Kaya ang paghatol nila ay gaya ng nakalalasong panirang-damo sa mga tudling* sa bukid.+
5 Matatakot ang mga nakatira sa Samaria para sa idolong guya* ng Bet-aven.+
Magdadalamhati ang mga mananamba nito,
Pati ang mga saserdote ng huwad na diyos na ito na dating nagsasaya dahil dito at sa kaluwalhatian nito,
Dahil magiging tapon ito at malalayo sa kanila.
6 Dadalhin ito sa Asirya bilang regalo sa isang dakilang hari.+
Mapapahiya ang Efraim,
At mahihiya ang Israel dahil sa payong sinunod nito.+
8 Wawasakin ang matataas na lugar ng Bet-aven,+ ang kasalanan ng Israel.+
Tutubuan ng damo at matitinik na halaman ang mga altar nila.+
Sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Takpan ninyo kami!’
At sa mga burol, ‘Itago ninyo kami!’+
9 Nagkasala ka, O Israel, mula pa noong panahon ng Gibeah.+
Hindi sila nagbago.
Ang mga anak ng kalikuan ay hindi lubusang nalipol ng digmaan sa Gibeah.
10 Didisiplinahin ko sila kung kailan ko gusto.
At titipunin ang mga bayan laban sa kanila
Kapag ikinabit sa kanila ang dalawa nilang kasalanan.*
11 Ang Efraim noon ay isang sinanay na dumalagang baka na gustong-gustong maggiik,
Kaya hindi ko nilagyan ng pamatok ang maganda niyang leeg.
Pero ngayon ay may pasasakayin ako sa Efraim.+
Mag-aararo ang Juda; magsusuyod ng lupa ang Jacob para sa isang iyon.
12 Maghasik kayo ng binhi ng katuwiran* at umani ng tapat na pag-ibig.
Mag-araro kayo sa mabungang lupain para sa inyong sarili+
Habang may panahon pa para hanapin si Jehova,+
Hanggang sa dumating siya at turuan kayo ayon sa katuwiran.+
13 Pero nag-araro kayo ng kasamaan,
Umani ng kalikuan,+
At kumain ng bunga ng panlilinlang;
Dahil nagtiwala ka sa sarili mo,
Sa marami mong mandirigma.
14 Maririnig ang ingay ng pakikipagdigma laban sa iyong bayan,
At wawasakin ang lahat ng iyong napapaderang* lunsod,+
Gaya ng pagwasak ni Salman sa bahay ni Arbel,
Nang pagluray-lurayin ang mga ina kasama ang mga anak noong araw ng labanan.
15 Ganiyan ang gagawin sa iyo, O Bethel,+ dahil sa sobrang kasamaan ninyo.