Mga Panaghoy
א [Alep]
2 Sa galit ni Jehova ay tinakpan niya ng ulap ang anak na babae ng Sion!
Mula sa langit ay inihagis niya sa lupa ang kagandahan ng Israel.+
Hindi niya inalaala ang tuntungan niya+ sa araw ng kaniyang galit.
ב [Bet]
2 Walang awang winasak ni Jehova ang lahat ng tirahan ng Jacob.
Sa kaniyang poot ay giniba niya ang mga tanggulan ng anak na babae ng Juda.+
Ibinagsak niya sa lupa at nilapastangan ang kaharian+ at ang matataas na opisyal nito.+
ג [Gimel]
3 Sa galit ay tinanggal niya ang buong lakas* ng Israel.
Iniurong niya ang kanang kamay niya nang dumating ang kaaway,+
At sa Jacob ay patuloy siyang nagliliyab na gaya ng apoy na tumutupok sa lahat ng nasa palibot nito.+
ד [Dalet]
4 Binaluktot* niya ang búsog niya na gaya ng isang kaaway; ang kanang kamay niya ay naging gaya ng isang kalaban;+
Pinatay niya ang lahat ng kanais-nais sa paningin.+
At ibinuhos niya ang galit niya na gaya ng isang apoy+ sa tolda ng anak na babae ng Sion.+
ה [He]
Nilamon niya ang lahat ng tore nito;
Sinira niya ang mga tanggulan nito.
At ang anak na babae ng Juda ay pinuno niya ng pagdadalamhati at pagtaghoy.
ו [Waw]
6 Giniba niya ang kaniyang kubol,+ gaya ng isang kubo sa hardin.
Winakasan* niya ang kapistahan niya.+
Binura ni Jehova ang alaala ng kapistahan at ng sabbath sa Sion,
At sa tindi ng galit niya ay hindi siya nagpapakita ng konsiderasyon sa hari at sa saserdote.+
ז [Zayin]
Isinuko niya sa kaaway ang mga pader ng matitibay niyang tore.+
Naghihihiyaw sila sa bahay ni Jehova,+ gaya ng sa araw ng kapistahan.
ח [Het]
8 Ipinasiya ni Jehova na gibain ang pader ng anak na babae ng Sion.+
Iniunat niya ang pising panukat.+
Hindi niya pinigilan ang kamay niya sa pagwasak.*
At pinagdalamhati niya ang tanggulan at pader.
Pareho itong pinahina.
ט [Tet]
9 Ang mga pintuang-daan nito ay lumubog sa lupa.+
Winasak niya at sinira ang mga halang nito.
Ang hari at ang matataas na opisyal nito ay ipinatapon sa mga bansa.+
Walang kautusan;* kahit ang mga propeta nito ay walang nakitang pangitain mula kay Jehova.+
י [Yod]
10 Ang matatandang lalaki ng anak na babae ng Sion ay tahimik na nakaupo sa lupa.+
Naglalagay sila ng alabok sa ulo at nakasuot sila ng telang-sako.+
Ang mga dalaga ng Jerusalem ay sumubsob sa lupa.
כ [Kap]
11 Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak.+
Naghihirap ang kalooban* ko.
Nadurog ang puso ko,* dahil sa pagbagsak ng anak na babae ng bayan ko,*+
Dahil nanlulupaypay ang mga bata at mga sanggol sa mga liwasan* ng bayan.+
ל [Lamed]
12 Paulit-ulit nilang itinatanong sa kanilang ina: “Nasaan ang butil at alak?”+
Habang nanghihina silang gaya ng taong sugatán sa mga liwasan ng lunsod,
Habang unti-unti silang namamatay sa bisig ng kanilang ina.
מ [Mem]
13 Ano ang gagamitin kong saksi,
O sa ano kita maitutulad, O anak na babae ng Jerusalem?
Saan kita maikukumpara para maaliw kita, O anak na dalaga ng Sion?
Dahil ang iyong pagkawasak ay kasinlaki ng dagat.+ Sino ang makapagpapagaling sa iyo?+
נ [Nun]
14 Ang mga pangitaing nakita ng mga propeta mo ay di-totoo at walang kabuluhan.+
Hindi nila inilantad ang kasalanan mo para mahadlangan ang pagbihag sa iyo.+
Sa halip, patuloy silang nagsabi ng mga pangitaing di-totoo at nakaliligaw.+
ס [Samek]
15 Ang lahat ng dumadaan sa lansangan ay pumapalakpak sa iyo nang may panghahamak.+
Napapasipol sila+ at napapailing sa anak na babae ng Jerusalem, at sinasabi nila:
“Ito ba ang lunsod na sinasabi nilang ‘sukdulan sa ganda, ang kagalakan ng buong lupa’?”+
פ [Pe]
16 Ibinuka ng lahat ng kaaway mo ang kanilang bibig laban sa iyo.
Sumisipol sila at nagngangalit ang mga ngipin nila, at sinasabi nila: “Nalamon natin siya.+
Ito ang araw na hinihintay natin!+ Dumating na ito, at nakita natin ito!”+
ע [Ayin]
17 Ginawa ni Jehova ang ipinasiya niya;+ tinupad niya ang sinabi niya,+
Ang iniutos niya noon pa man.+
Walang awa siyang gumiba.+
Hinayaan niyang magtagumpay sa iyo ang kaaway at magsaya; pinalakas niya ang* mga kalaban mo.
צ [Tsade]
18 Humihiyaw ang puso nila kay Jehova, O pader ng anak na babae ng Sion.
Umagos nawa ang mga luha gaya ng ilog araw at gabi.
Huwag kang tumigil, huwag mong pagpahingahin ang mata mo.*
ק [Kop]
19 Bumangon ka! Umiyak ka buong magdamag.*
Ibuhos mo ang puso mo na parang tubig sa harap ni Jehova.
Itaas mo sa kaniya ang mga kamay mo alang-alang sa buhay ng mga anak mo,
ר [Res]
20 Tingnan mo, O Jehova, ang isa na pinagmalupitan mo.
Dapat bang kainin ng mga babae ang mga supling* nila, ang sarili nilang malulusog na anak,+
O dapat bang patayin sa santuwaryo ni Jehova ang mga saserdote at mga propeta?+
ש [Shin]
21 Ang batang lalaki at ang matandang lalaki ay patay at nakahandusay sa lansangan.+
Ang aking mga dalaga at mga binata ay namatay sa espada.+
Pumatay ka sa araw ng galit mo; pumatay ka ng marami at hindi ka naawa.+
ת [Taw]
22 Gaya ng sa araw ng kapistahan,+ nagtawag ka ng nakapangingilabot na mga bagay mula sa lahat ng panig.