Isaias
16 Magpadala kayo ng isang lalaking tupa sa tagapamahala ng lupain,
Mula sa Sela papunta sa ilang,
Hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.
2 Gaya ng ibong binugaw mula sa pugad nito,+
Gayon ang mangyayari sa mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon.+
3 “Magbigay kayo ng payo, isagawa ninyo ang pasiya.
Gawin mong tulad ng gabi ang anino mo sa katanghaliang-tapat.
Itago mo ang mga nangalat at huwag mong traidurin ang mga tumatakas.
4 O Moab, manirahan nawa sa iyo ang mga nangalat mula sa bayan ko.
Maging kublihan ka nawa nila mula sa tagapuksa.+
Sasapit sa kawakasan ang nagmamalupit,
Matatapos na ang pagpuksa,
At ang mga yumuyurak sa iba ay mawawala na sa lupa.
5 At isang trono ang matibay na matatatag sa tapat na pag-ibig.
Ang uupo roon mula sa tolda ni David ay magiging tapat;+
Hahatol siya nang patas at agad niyang ipatutupad kung ano ang tama.”+
6 Narinig namin ang tungkol sa pagmamataas ng Moab—napakayabang niya+—
Ang kaniyang kahambugan at pagmamataas at poot;+
Pero ang walang katuturan niyang sinasabi ay mauuwi sa wala.
Iiyakan ng mga natalo ang mga kakaning pasas ng Kir-hareset.+
8 Dahil ang hagdan-hagdang taniman ng Hesbon+ ay natuyot.
Niyurakan ng mga tagapamahala ng mga bansa
Ang matingkad-na-pulang mga sanga ng punong ubas ng Sibma;*+
Nakarating ang mga ito sa Jazer;+
Umabot ang mga ito sa ilang.
Ang maliliit na sanga nito ay gumapang at nakarating sa dagat.
9 Kaya iiyakan ko ang punong ubas ng Sibma gaya ng pag-iyak ko para sa Jazer.
Babasain ko kayo ng luha ko, O Hesbon at Eleale,+
Dahil ang hiyawan para sa iyong prutas na pantag-araw at sa iyong ani ay nagwakas na.*
10 Inalis na ang pagsasaya at kagalakan sa taniman;
At wala nang masasayang awit o hiyawan sa mga ubasan.+
Sa mga pisaan ay wala nang pumipisa ng ubas para gawing alak.
Dahil pinatigil ko na ang hiyawan.+
11 Kaya ang puso ko ay naliligalig dahil sa Moab,+
Gaya ng panginginig ng mga kuwerdas ng alpa,
At nababagabag ang loob ko dahil sa Kir-hareset.+
12 Kahit pinapagod ng Moab ang sarili niya sa mataas na lugar at pumupunta siya sa kaniyang santuwaryo para manalangin, wala ring mangyayari.+
13 Ito ang sinabi ni Jehova noon tungkol sa Moab. 14 At sinasabi ngayon ni Jehova: “Sa loob ng tatlong taon, gaya ng mga taon ng isang upahang trabahador,* babagsak ang kaluwalhatian ng Moab dahil sa iba’t ibang uri ng kaguluhan, at ang mga matitira sa kaniya ay kaunting-kaunti at mahihina.”+