Para sa direktor. Awit ng mga anak ni Kora.+
85 Kinaawaan mo, O Jehova, ang iyong lupain;+
Ibinalik mo ang mga binihag mula sa Jacob.+
2 Pinagpaumanhinan mo ang pagkakamali ng bayan mo;
Pinatawad mo ang lahat ng kasalanan nila.+ (Selah)
3 Pinigil mo ang iyong poot;
Pinawi mo ang iyong nag-iinit na galit.+
4 Tipunin mo kaming muli, O Diyos na aming tagapagligtas,
At huwag ka nang mayamot sa amin.+
5 Magagalit ka ba sa amin magpakailanman?+
Patatagalin mo ba ang iyong galit sa paglipas ng mga henerasyon?
6 Hindi mo ba kami palalakasing muli
Para magsaya ang bayan mo dahil sa iyo?+
7 O Jehova, ipakita mo sa amin ang iyong tapat na pag-ibig,+
At iligtas mo kami.
8 Makikinig ako sa sinasabi ng tunay na Diyos na si Jehova,
Dahil maghahayag siya ng kapayapaan sa kaniyang bayan,+ sa mga tapat sa kaniya,
Pero huwag mo silang hayaang bumalik sa labis na pagtitiwala sa sarili.+
9 Handa siyang iligtas ang mga may takot sa kaniya,+
Para ang kaluwalhatian niya ay manatili sa ating lupain.
10 Magkikita ang tapat na pag-ibig at ang katapatan;
Hahalik sa isa’t isa ang katuwiran at ang kapayapaan.+
11 Ang katapatan ay sisibol mula sa lupa,
At ang katuwiran ay dudungaw mula sa langit.+
12 Ibibigay ni Jehova ang mabuti,+
At magiging sagana ang ani sa ating lupain.+
13 Lalakad ang katuwiran sa harap niya+
At gagawa ng daan para sa mga hakbang niya.