Jeremias
5 Lumibot kayo sa mga lansangan ng Jerusalem.
Magmasid kayo at magbigay-pansin.
Suyurin ninyo ang kaniyang mga liwasan* at tingnan ninyo
Kung may makikita kayong taong makatarungan+
At nagsisikap maging tapat,
At patatawarin ko ang lunsod na ito.
2 Sinasabi nila: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova!”
Pero sumusumpa pa rin sila nang may kasinungalingan.+
3 O Jehova, hindi ba katapatan ang hinahanap mo?+
Sinaktan mo sila, pero wala itong epekto sa kanila.*
Nilipol mo sila, pero hindi pa rin sila natuto.+
4 Pero naisip ko: “Malamang na ito ang mga dukha.
Kumikilos sila nang may kamangmangan dahil hindi nila alam ang daan ni Jehova,
Ang hatol ng Diyos nila.
5 Pupuntahan ko ang mga pinuno at makikipag-usap ako sa kanila;
Tiyak na nagbibigay-pansin sila sa daan ni Jehova,
Sa hatol ng kanilang Diyos.+
Pero binali nilang lahat ang pamatok
At nilagot ang mga panali.”
6 Kaya isang leon mula sa kagubatan ang sumasalakay sa kanila,
Isang lobo* mula sa mga tigang na kapatagan ang patuloy na lumalapa sa kanila,
Isang leopardo ang laging nakaabang sa mga lunsod nila.
Ang sinumang lumalabas sa mga ito ay nagkakaluray-luray.
Dahil marami silang kasalanan;
Palagi silang nagtataksil.+
7 Paano kita mapatatawad sa ginawa mo?
Iniwan ako ng mga anak mo,
At nananata sila sa hindi naman Diyos.+
Ibinigay ko ang mga kailangan nila,
Pero patuloy silang nangangalunya,
At dumaragsa sila sa bahay ng babaeng bayaran.
8 Gaya sila ng mga kabayong sabik at punô ng pagnanasa,
Bawat isa ay humahalinghing sa asawa ng iba.+
9 “Hindi ba dapat silang managot sa lahat ng ito?” ang sabi ni Jehova.
“Hindi ba dapat kong ipaghiganti ang sarili ko sa ganiyang bansa?”+
Putulin mo ang kaniyang mga bagong-tubong sanga,
Dahil hindi kay Jehova ang mga iyon.
11 Dahil ang sambahayan ng Israel at ang sambahayan ng Juda
Ay labis na nagtaksil sa akin,” ang sabi ni Jehova.+
Walang darating na kapahamakan sa atin;
Hindi tayo makararanas ng digmaan o taggutom.’+
Sila rin nawa ay maging walang kabuluhan!”
14 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, na Diyos ng mga hukbo:
“Dahil ito ang sinasabi ng mga tao,
Gagawin kong apoy ang mga salita ko sa iyong bibig,+
At ang bayang ito ang kahoy,
At tutupukin sila nito.”+
15 “Dadalhin ko sa inyo ang isang bansa mula sa malayo, O sambahayan ng Israel,”+ ang sabi ni Jehova.
“Iyon ay isang matatag na bansa.
Iyon ay isang sinaunang bansa,
Isang bansa na ang wika ay hindi mo alam
At ang pagsasalita ay hindi mo naiintindihan.+
16 Ang lalagyan nila ng mga palaso ay gaya ng bukás na libingan;
Lahat sila ay mandirigma.
17 Lalamunin nila ang iyong ani at tinapay.+
Lalamunin nila ang mga anak mong lalaki at babae.
Lalamunin nila ang iyong mga kawan at bakahan.
Lalamunin nila ang iyong mga puno ng ubas at igos.
Wawasakin nila sa pamamagitan ng espada ang mga napapaderang* lunsod na pinagtitiwalaan mo.”
18 “Pero kahit sa mga araw na iyon,” ang sabi ni Jehova, “hindi ko kayo lubusang lilipulin.+ 19 At kapag nagtanong sila, ‘Bakit ginawa sa atin ni Jehova na ating Diyos ang lahat ng ito?’ sabihin mo sa kanila, ‘Iniwan ninyo ako para maglingkod sa diyos ng mga banyaga sa inyong lupain, kaya maglilingkod kayo sa mga banyaga sa isang lupaing hindi sa inyo.’”+
20 Sabihin ninyo ito sa sambahayan ni Jacob,
At ihayag ninyo ito sa Juda:
21 “Pakinggan ninyo ito, kayong mangmang at hangal na bayan:*+
22 ‘Hindi ba kayo natatakot sa akin,’ ang sabi ni Jehova,
‘Hindi ba dapat kayong manginig sa harap ko?
Ako ang naglagay ng buhanginan bilang hangganan ng dagat,
Isang permanenteng tuntunin para hindi ito lumampas doon.
Humampas man ang mga alon nito, hindi magtatagumpay ang mga ito;
Umugong man ang mga alon, ang mga ito ay hindi pa rin makakalampas doon.+
23 Pero ang puso ng bayang ito ay matigas at rebelyoso;
Lumihis sila at lumakad sa sarili nilang daan.+
24 At hindi nila sinasabi sa puso nila:
“Matakot tayo ngayon kay Jehova na ating Diyos,
Ang nagbibigay ng ulan sa tamang panahon,
Ng ulan sa taglagas at ng ulan sa tagsibol,
Ang tumitiyak na sasapit ang itinakdang mga sanlinggo ng pag-aani.”+
25 Ang sarili ninyong mga pagkakamali ang humadlang sa pagdating ng mga ito;
Ang sarili ninyong mga kasalanan ang nagkait sa inyo ng mabubuting bagay.+
26 Dahil may masasamang tao sa bayan ko.
Lagi silang nakaabang, nakaupo at nakayukong gaya ng manghuhuli ng ibon.
Nag-uumang sila ng nakamamatay na bitag.
Mga tao ang hinuhuli nila.
Kaya naging makapangyarihan sila at mayaman.
28 Tumaba sila at nabanat ang balat;
Nag-uumapaw sila sa kasamaan.
Hindi nila ipinaglalaban ang kaso ng mga walang ama+
Para mapayaman nila ang kanilang sarili;
At pinagkakaitan nila ng katarungan ang mahihirap.’”+
29 “Hindi ba dapat silang managot sa lahat ng ito?” ang sabi ni Jehova.
“Hindi ba dapat kong ipaghiganti ang sarili ko sa ganiyang bansa?
30 Nakagigimbal at kakila-kilabot ang nangyayari sa lupain:
At iyan ang gusto ng sarili kong bayan.+
Pero ano ang gagawin ninyo kapag dumating na ang wakas?”