Isaias
27 Sa araw na iyon, si Jehova, na may matalas at nakakatakot na espada,+
Ay magtutuon ng pansin sa Leviatan,* ang ahas na mabilis gumapang,
Sa Leviatan, ang paliko-likong ahas,
At papatayin niya ang malaking hayop na nasa dagat.
2 Sa araw na iyon ay umawit kayo sa kaniya:*
“Isang ubasan ng alak na bumubula!+
3 Ako, si Jehova, ang nag-iingat sa kaniya.+
Dinidiligan ko siya sa bawat sandali.+
Iniingatan ko siya gabi at araw,
Para walang puminsala sa kaniya.+
Kung may maglalagay sa harap ko ng matitinik na halaman at panirang-damo,
Tatapakan ko ang mga iyon at sama-samang susunugin, at makikipagdigma ako sa kaniya.
5 Kung ayaw niyang mangyari iyon, manganlong siya sa tanggulan ko.
Makipagpayapaan siya sa akin;
Sa akin ay makipagpayapaan siya.”
6 Sa mga araw na dumarating ay mag-uugat ang Jacob,
Ang Israel ay mamumulaklak at magsisibol,+
At pupunuin nila ng bunga ang lupain.+
7 Dapat ba siyang hampasin nang napakalakas?
O dapat ba siyang patayin na gaya ng mga napatay sa kaniya?
8 Pasigaw kang makikipagtalo sa kaniya, at palalayasin mo siya.
Sa araw na humihip ang hanging silangan, patatalsikin niya siya sa pamamagitan ng malakas na bugso.+
9 Kaya sa ganitong paraan ay mababayaran ang pagkakamali ng Jacob,+
At kapag inalis ang kasalanan niya, mangyayari ang lahat ng ito:
Ang lahat ng bato ng altar
Ay gagawin niyang parang yeso* na pinulbos,
At walang matitirang sagradong poste* o patungan ng insenso.+
10 Dahil ang napapaderang* lunsod ay iiwan;
Ang mga pastulan ay pababayaan at aabandonahin na gaya ng ilang.+
11 Kapag tuyot na ang maliliit na sanga niya,
Darating ang mga babae at babaliin ang mga iyon
At gagamiting panggatong.
Dahil ang bayang ito ay walang kaunawaan.+
Kaya hindi maaawa sa kanila ang kanilang Maylikha,
At hindi sila kahahabagan ng gumawa sa kanila.+
12 Sa araw na iyon ay kukunin ni Jehova ang mga bunga mula sa umaagos na Ilog* hanggang sa Wadi* ng Ehipto,+ at isa-isa niya kayong titipunin, O bayang Israel.+ 13 Sa araw na iyon, hihipan ang isang malaking tambuli,+ at ang mga halos mamatay na sa lupain ng Asirya+ at ang mga nakapangalat sa lupain ng Ehipto+ ay darating at yuyukod kay Jehova sa banal na bundok sa Jerusalem.+