Job
35 Patuloy na sumagot si Elihu:
3 Sinasabi mo, ‘Ano ang silbi nito sa iyo?*
Mas napabuti pa ba ako dahil hindi ako nagkasala?’+
6 Kapag nagkakasala ka, napipinsala mo ba siya?+
Kapag dumarami ang pagsuway mo, ano ang nagagawa mo sa kaniya?+
8 Ang kasamaan mo ay nakaaapekto lang sa taong gaya mo,
At ang pagiging matuwid mo ay nakaaapekto lang sa isang anak ng tao.
9 Dumaraing ang mga tao kapag inaapi sila;
Humihingi sila ng tulong dahil sa panggigipit* ng mga makapangyarihan.+
10 Pero walang nagsasabi, ‘Nasaan ang Diyos, na aking Dakilang Maylikha,+
Ang dahilan kung bakit umaawit ang mga tao sa gabi?’+
11 Mas tinuturuan niya tayo+ kaysa sa mga hayop sa lupa,+
At ginagawa niya tayong mas marunong kaysa sa mga ibon sa langit.
13 Tiyak na hindi pinakikinggan ng Diyos ang walang-saysay na pag-iyak;*+
Hindi iyon pinapansin ng Makapangyarihan-sa-Lahat.
14 Gaano pa kaya kung nagrereklamo kang hindi ka niya pinapansin!+
Naiharap na sa kaniya ang kaso mo, kaya dapat mo siyang hintayin.+