Levitico
16 Kinausap ni Jehova si Moises matapos mamatay ang dalawang anak ni Aaron dahil sa paglapit nila kay Jehova.+ 2 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag basta papasok nang anumang oras sa banal na lugar+ sa loob ng kurtina,+ sa harap ng pantakip na nasa ibabaw ng Kaban, para hindi siya mamatay,+ dahil magpapakita ako sa ibabaw ng pantakip+ sa pamamagitan ng isang ulap.+
3 “Ito ang dapat dalhin ni Aaron kapag pumapasok siya sa banal na lugar: isang batang toro* bilang handog para sa kasalanan+ at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.+ 4 Dapat niyang isuot ang banal na mahabang damit na lino,+ pati na ang panloob* na lino,+ at dapat niyang isuot ang pamigkis na lino+ at isuot sa ulo ang espesyal na turbanteng lino.+ Ang mga iyon ay banal na kasuotan.+ Maliligo siya+ bago niya isuot ang mga iyon.
5 “Dapat siyang kumuha mula sa bayan ng Israel+ ng dalawang batang kambing na lalaki bilang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.
6 “At ihaharap ni Aaron ang toro na handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili, at magbabayad-sala siya para sa kaniyang sarili+ at sa kaniyang sambahayan.
7 “Pagkatapos, kukunin niya ang dalawang kambing at dadalhin ang mga iyon sa harap ni Jehova sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 8 Magpapalabunutan si Aaron para sa dalawang kambing, ang isang mabubunot ay para kay Jehova at ang isa pa ay para kay Azazel.* 9 Ang kambing na nabunot+ para kay Jehova ay ihaharap ni Aaron bilang handog para sa kasalanan. 10 Pero ang nabunot na kambing para kay Azazel ay dapat dalhing buháy sa harap ni Jehova para maisagawa rito ang seremonya ng pagbabayad-sala at mapakawalan sa ilang para kay Azazel.+
11 “Ihaharap ni Aaron ang toro na handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili, at magbabayad-sala siya para sa kaniyang sarili at sa kaniyang sambahayan; pagkatapos, papatayin niya ang toro na handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili.+
12 “At kukunin niya ang lalagyan ng baga*+ na punô ng baga mula sa altar+ sa harap ni Jehova at ang dalawang dakot ng pinong mabangong insenso,+ at dadalhin niya ang mga iyon sa loob ng kurtina.+ 13 Ilalagay rin niya ang insenso sa ibabaw ng baga sa harap ni Jehova,+ at ang usok ng insenso ay babalot sa pantakip ng Kaban,+ na nasa ibabaw ng Patotoo,+ para hindi siya mamatay.
14 “Kukuha siya ng dugo ng toro+ at isasawsaw niya rito ang daliri niya at patutuluin ito sa harap ng pantakip sa silangang bahagi, at gamit ang daliri niya, patutuluin niya ang dugo nang pitong ulit sa harap ng pantakip.+
15 “Pagkatapos, papatayin niya ang kambing na handog para sa kasalanan, na para sa bayan,+ at dadalhin niya ang dugo nito sa loob ng kurtina+ at gagawin din sa dugo nito+ ang ginawa niya sa dugo ng toro; patutuluin niya iyon sa harap ng pantakip.
16 “Dapat siyang magbayad-sala para sa banal na lugar dahil sa karumihang ginagawa ng mga Israelita at dahil sa mga pagsuway at kasalanan nila,+ at iyan ang dapat niyang gawin para sa tolda ng pagpupulong, na nasa gitna nila na gumagawa ng karumihan.
17 “Dapat na walang ibang tao sa loob ng tolda ng pagpupulong mula sa pagpasok niya para magbayad-sala sa banal na lugar hanggang sa paglabas niya. Magbabayad-sala siya para sa kaniyang sarili at sa kaniyang sambahayan+ at para sa buong kongregasyon ng Israel.+
18 “At lalabas siya papunta sa altar,+ na nasa harap ni Jehova, at magbabayad-sala siya para doon, at kukuha siya ng dugo ng toro at dugo ng kambing at ipapahid iyon sa lahat ng sungay ng altar. 19 Isasawsaw niya ang daliri niya sa dugo at patutuluin iyon nang pitong ulit sa ibabaw nito at lilinisin ito at pababanalin mula sa mga karumihang ginawa ng mga Israelita.
20 “Kapag natapos na niya ang pagbabayad-sala+ para sa banal na lugar, sa tolda ng pagpupulong, at sa altar,+ ihaharap din niya ang buháy na kambing.+ 21 Ipapatong ni Aaron ang dalawang kamay niya sa ulo ng buháy na kambing at ipagtatapat sa ibabaw nito ang lahat ng pagkakamali ng mga Israelita at lahat ng pagsuway nila at lahat ng kasalanan nila, at ilalagay niya ang mga iyon sa ulo ng kambing+ at ibibigay ito sa taong naatasang* magdala nito sa ilang. 22 Pakakawalan niya ang kambing, at dadalhin ng kambing sa ilang+ ang lahat ng kasalanan nila.+
23 “Pagkatapos, papasok si Aaron sa tolda ng pagpupulong at huhubarin ang mga kasuotang lino na isinuot niya nang pumasok siya sa banal na lugar, at ilalapag niya roon ang mga iyon. 24 Maliligo siya+ sa isang banal na lugar at isusuot ang mga kasuotan niya;+ at lalabas siya at iaalay ang kaniyang handog na sinusunog+ at ang handog na sinusunog ng bayan+ at magbabayad-sala para sa kaniyang sarili at sa bayan.+ 25 Susunugin niya ang taba ng handog para sa kasalanan para pumailanlang mula sa altar ang usok.
26 “Ang taong nagpakawala sa kambing para kay Azazel+ ay dapat maglaba ng mga kasuotan at maligo, at pagkatapos ay makakapasok na siya sa kampo.
27 “At dadalhin sa labas ng kampo ang toro na handog para sa kasalanan at ang kambing na handog para sa kasalanan, mga handog na ang dugo ay ipinasok sa banal na lugar bilang pambayad-sala, at susunugin ang balat, laman, at dumi ng mga iyon.+ 28 Ang nagsunog ng mga iyon ay dapat maglaba ng mga kasuotan at maligo, at pagkatapos ay makakapasok na siya sa kampo.
29 “Ito ay magiging isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyo: Sa ika-10 araw ng ikapitong buwan, dapat ninyong pasakitan ang inyong sarili,* at huwag gagawa ng anumang trabaho ang sinuman,+ katutubo man o dayuhan na naninirahang kasama ninyo. 30 Sa araw na ito, gagawin ang pagbabayad-sala+ para sa inyo, para maipahayag kayong malinis. Magiging malinis kayo mula sa lahat ng kasalanan ninyo sa harap ni Jehova.+ 31 Ito ay isang sabbath, isang espesyal na araw ng pamamahinga para sa inyo, at dapat ninyong pasakitan ang inyong sarili.+ Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda.
32 “Ang saserdote na pinahiran ng langis+ at inatasan* para maglingkod bilang saserdote+ na kahalili ng ama niya+ ay magbabayad-sala, at isusuot niya ang mga kasuotang lino,+ ang banal na kasuotan.+ 33 Magbabayad-sala siya para sa banal na santuwaryo,+ sa tolda ng pagpupulong,+ at sa altar;+ at magbabayad-sala siya para sa mga saserdote at para sa buong kongregasyon ng Israel.+ 34 Ito ay magiging isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyo,+ ang pagbabayad-sala minsan sa isang taon para sa mga Israelita may kinalaman sa lahat ng kasalanan nila.”+
Kaya ginawa niya ang iniutos ni Jehova kay Moises.