Isaias
9 Pero ang kadiliman ay hindi magiging gaya noong may pagdurusa sa lupain, gaya noong panahong hinahamak ang lupain ng Zebulon at ang lupain ng Neptali.+ Kundi sa kalaunan ay gagawin Niya itong lupain na pararangalan—ang daan sa tabi ng dagat, sa rehiyon ng Jordan, sa Galilea ng mga banyaga.
2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman
Ay nakakita ng matinding liwanag.
Sumikat ang liwanag
Sa mga nakatira sa lupain ng matinding dilim.+
3 Pinarami mo ang mga tao sa bansa;
Ginawa mo silang napakasaya.
Nagsasaya sila sa harap mo
Gaya ng pagsasaya ng mga tao sa panahon ng pag-aani,
Gaya ng masasayang naghahati-hati sa samsam.
4 Dahil pinagdurog-durog mo ang pamatok na pasan nila,
Ang pamalo sa mga balikat nila, ang panghampas ng nagpapatrabaho sa kanila,
Gaya noong panahon ng Midian.+
5 Ang bawat bota na nagpapayanig sa lupa sa pagmamartsa
At ang bawat damit na basa ng dugo
Ay magiging panggatong sa apoy.
Siya ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
7 Ang paglawak ng pamamahala* niya
At ang kapayapaan ay hindi magwawakas+
Sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian
Para itatag ito nang matibay+ at panatilihin
Sa pamamagitan ng katarungan+ at katuwiran,+
Ngayon at magpakailanman.
Mangyayari ito dahil sa sigasig ni Jehova ng mga hukbo.
9 At malalaman iyon ng lahat,
—Ng Efraim at ng mga nakatira sa Samaria—
Na dahil sa kayabangan at pagmamataas ng puso ay nagsasabi:
Mga puno ng sikomoro ang pinutol,
Pero papalitan namin iyon ng sedro.”
11 Ibabangon ni Jehova ang mga kaaway ni Rezin laban sa kaniya
At pakikilusin ang mga kalaban niya,
12 Ang Sirya mula sa silangan at ang mga Filisteo mula sa kanluran,*+
Ibubuka nila ang kanilang bibig at lalamunin ang Israel.+
Dahil sa lahat ng ito,* hindi pa nawawala ang galit niya,
At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.+
13 Dahil hindi nanumbalik ang bayan sa nananakit* sa kanila;
Hindi nila hinanap si Jehova ng mga hukbo.+
14 Puputulin ni Jehova mula sa Israel
Ang ulo at buntot, ang supang* at matataas na damo,* sa isang araw.+
15 Ang lubhang iginagalang na matandang lalaki ang ulo,
At ang propetang nagbibigay ng maling tagubilin ang buntot.+
16 Ang bayang ito ay inililigaw ng mga nangunguna sa kanila,
At ang mga pinangungunahan ng mga ito ay nalilito.
17 Kaya si Jehova ay hindi malulugod sa kanilang mga kabataang lalaki,
At hindi siya maaawa sa kanilang mga batang walang ama* at mga biyuda
Dahil lahat sila ay mga apostata at masasama+
At bawat isa ay nagsasalita ng walang kabuluhan.
Dahil sa lahat ng ito, hindi pa nawawala ang galit niya,
At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.+
18 Dahil ang kasamaan ay nagniningas na gaya ng apoy
At nilalamon ang matitinik na halaman* at mga panirang-damo.
Pagliliyabin nito ang mga sukal ng kagubatan,
At paiitaas ang makapal na usok nito.
19 Sa tindi ng galit ni Jehova ng mga hukbo,
Nagliyab ang lupain,
At ang mga tao ay magiging panggatong sa apoy.
Walang maaawa kahit sa sarili niyang kapatid.
20 Ang isa ay puputol sa kanan
Pero magugutom pa rin;
At ang isa pa ay kakain sa kaliwa
Pero hindi mabubusog.
Lalamunin ng bawat isa ang laman ng sarili niyang bisig,
21 Lalamunin ng Manases ang Efraim,
At ng Efraim ang Manases.
Magkasama silang lalaban sa Juda.+