Mga Awit
Sa direktor; sa himig ng “Mga Liryo.” Isang paalaala. Awit ni Asap.+
2 Sa harap ng Efraim at ng Benjamin at ng Manases,
Ipakita mo ang iyong lakas;+
Pumarito ka at iligtas mo kami.+
4 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, hanggang kailan ka magagalit sa panalangin ng bayan mo?+
5 Pinakakain mo sila ng luha bilang kanilang tinapay,
At pinaiinom mo sila ng napakaraming luha.
6 Hinahayaan mong pag-awayan kami ng kalapít na mga bansa;
Inaalipusta kami ng mga kaaway namin kapag gusto nila.+
7 O Diyos ng mga hukbo, tanggapin mo kaming muli;
Pasinagin mo ang iyong mukha sa amin, para maligtas kami.+
8 Pinaalis mo sa Ehipto ang isang punong ubas.+
Pinalayas mo ang mga bansa at itinanim ito.+
10 Natakpan ng lilim nito ang mga bundok,
At ng mga sanga nito ang mga sedro ng Diyos.
12 Bakit mo giniba ang mga batong pader ng ubasan,+
Kaya ang lahat ng dumadaan ay pumipitas ng bunga nito?+
14 O Diyos ng mga hukbo, pakisuyong bumalik ka.
Tingnan mo kami mula sa langit!
Alagaan mo ang punong ubas na ito,+
15 Ang sanga* na itinanim ng kanang kamay mo,+
At tingnan mo ang anak* na pinalakas mo para sa iyong sarili.+
Naglalaho sila dahil sa pagsaway mo.*
17 Alalayan nawa ng kamay mo ang taong nasa kanan mo,
Ang anak ng tao na pinalakas mo para sa iyong sarili.+
18 At hindi ka namin tatalikuran.
Panatilihin mo kaming buháy, para makatawag kami sa pangalan mo.