Jeremias
15 At sinabi ni Jehova sa akin: “Kahit pa nakatayo sina Moises at Samuel sa harap ko,+ hindi ako maaawa sa bayang ito. Palalayasin ko sila sa harap ko. Hayaan mo silang umalis. 2 At kapag sinabi nila sa iyo, ‘Saan kami pupunta?’ sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:
“Ang sinumang para sa nakamamatay na salot, sa nakamamatay na salot!
Ang sinumang para sa espada, sa espada!+
Ang sinumang para sa taggutom, sa taggutom!
At ang sinumang para sa pagkabihag, sa pagkabihag!”’+
3 “‘At mag-aatas ako sa kanila ng apat na kapahamakan,’*+ ang sabi ni Jehova, ‘ang espada para pumatay, ang mga aso para kumaladkad, at ang mga ibon sa langit at ang mga hayop sa lupa para lumamon at lumipol.+ 4 At gagawin ko silang nakapangingilabot sa paningin ng lahat ng kaharian sa lupa+ dahil sa ginawa sa Jerusalem ng hari ng Juda na si Manases, na anak ni Hezekias.+
5 Sino ang mahahabag sa iyo, O Jerusalem,
Sino ang makikiramay sa iyo,
At sino ang titigil para magtanong tungkol sa kalagayan mo?’
6 ‘Iniwan mo ako,’ ang sabi ni Jehova.+
‘Paulit-ulit mo akong tinatalikuran.*+
Kaya iuunat ko ang kamay ko laban sa iyo at pupuksain kita.+
Pagod na akong maawa sa iyo.*
7 At tatahipin ko sila sa pamamagitan ng tinidor sa mga pintuang-daan ng lupain.
Mamamatay ang mga anak nila.+
Pupuksain ko ang bayan ko,
Dahil ayaw nilang talikuran ang landasin nila.+
8 Ang mga biyuda nila ay magiging mas marami pa kaysa sa buhangin sa dagat.
Magpapadala ako sa kanila ng tagapuksa sa katanghaliang-tapat, laban sa mga ina at sa mga lalaki.
Biglang darating sa kanila ang takot at kaligaligan.
Lumubog na ang araw niya kahit na maaga pa,
At labis siyang napahiya.’*
‘At ang iilang natira sa kanila
Ay ibibigay ko sa espada ng mga kaaway nila,’ ang sabi ni Jehova.”+
10 Kaawa-awa ako, O aking ina, dahil isinilang mo ako,+
Isang lalaking laging may kaaway at kalaban sa buong lupain.
Hindi ako nagpapautang o nangungutang;
Pero isinusumpa nila akong lahat.
11 Sinabi ni Jehova: “Tutulungan kita;
Mamamagitan ako para sa iyo sa panahon ng kapahamakan,
Sa panahon ng paghihirap dahil sa kaaway.
12 Mapagpuputol-putol ba ng sinuman ang bakal,
Ang bakal mula sa hilaga, at ang tanso?
13 Ang mga pag-aari at kayamanan mo ay ipasasamsam ko+ nang walang kapalit,
Dahil sa lahat ng kasalanan mo sa lahat ng iyong teritoryo.
Isang apoy ang nagliyab dahil sa galit ko.
At nagniningas ito laban sa inyo.”+
15 Ikaw ang nakaaalam, O Jehova,
Alalahanin mo ako at bigyang-pansin.
Ipaghiganti mo ako sa mga umuusig sa akin.+
Huwag mo akong hayaang mamatay* dahil hindi ka madaling magalit.
Tinitiis ko ang panghahamak na ito alang-alang sa iyo.+
16 Nang matanggap ko ang mga salita mo, kinain ko ang mga iyon;+
At ang iyong salita ay naging kagalakan at kaluguran ng puso ko,
Dahil tinatawag ako sa pangalan mo, O Jehova na Diyos ng mga hukbo.
17 Hindi ako sumasama sa mga nagkakatuwaan at hindi ako nagsasaya.+
18 Bakit hindi nawawala ang kirot ko at hindi naghihilom ang sugat ko?
Ayaw nitong gumaling.
Magiging gaya ka ba ng mapandayang bukal ng tubig
Na hindi maaasahan?
19 Kaya ito ang sinabi ni Jehova:
“Kung manunumbalik ka, ibabalik kita sa dati mong kalagayan,
At tatayo ka sa harap ko.
Kung ihihiwalay mo ang mahalaga sa walang kabuluhan,
Ikaw ang magsisilbing bibig ko.*
Maaaring bumaling sila sa iyo,
Pero hindi ka babaling sa kanila.”
20 “Gagawin kitang isang matibay na tansong pader sa bayang ito.+
Tiyak na makikipaglaban sila sa iyo,
Pero hindi sila mananalo,+
Dahil kasama mo ako, at ililigtas kita,” ang sabi ni Jehova.
21 “At ililigtas kita mula sa kamay ng masasama,
At tutubusin kita mula sa palad ng malulupit.”