Job
27 Ipinagpatuloy ni Job ang pagsasalita:*
2 “Isinusumpa ko, kung paanong buháy ang Diyos, na nagkait sa akin ng hustisya,+
Kung paanong buháy ang Makapangyarihan-sa-Lahat, na nagpapait sa buhay ko,+
3 Hangga’t humihinga ako,
At nasa butas ng ilong ko ang hininga* mula sa Diyos,+
4 Hindi bibigkas ng kasamaan ang bibig ko,
At hindi magsasalita ng panlilinlang ang dila ko!
5 Hindi ko maaatim na sabihing matuwid kayo!
Mananatili akong tapat* hanggang kamatayan!+
7 Matulad sana sa masasama ang kaaway ko
At sa di-matuwid ang kumakalaban sa akin.
8 Dahil ano ang pag-asa ng di-makadiyos* kapag pinuksa siya,+
Kapag tinapos na ng Diyos ang buhay niya?
10 O magiging maligaya ba siya dahil sa Makapangyarihan-sa-Lahat?
Tatawag ba siya sa Diyos sa lahat ng panahon?
11 Ituturo ko sa inyo ang tungkol sa kapangyarihan ng Diyos;*
Wala akong itatago tungkol sa Makapangyarihan-sa-Lahat.
12 Kung talagang nakakita kayong lahat ng mga pangitain,
Bakit walang kabuluhan ang mga sinasabi ninyo?
13 Ito ang gantimpala ng Diyos sa masama,+
Ang mana ng mga mapang-api mula sa Makapangyarihan-sa-Lahat.
14 Dumami man ang mga anak niya, mamamatay sila sa pamamagitan ng espada,+
At kakapusin sa pagkain ang mga inapo niya.
15 Ang mga natira sa sambahayan niya ay ililibing dahil sa salot,
At hindi sila iiyakan ng mga biyuda nila.
16 Makapag-imbak man siya ng pilak na parang nag-iimbak lang ng alabok,
At makaipon man siya ng magagandang damit na parang nag-iipon lang ng putik,
17 Siya man ang magtipon ng mga iyon,
Ang matuwid ang magsusuot ng mga iyon,+
At ang mga walang-sala ang maghahati-hati sa pilak niya.
18 Ang bahay na itinayo niya ay kasinrupok ng bahay ng insekto*
At gaya lang ng silungan+ na ginawa ng isang bantay.
19 Mayaman siya nang humiga, pero wala siyang aanihin;
Pagmulat niya, wala nang anumang naroon.