Nehemias
3 Sinimulan ni Eliasib+ na mataas na saserdote at ng mga kapatid niyang saserdote na itayo ang Pintuang-Daan ng mga Tupa.+ Pinabanal* nila ito+ at inilagay ang mga pinto nito; nagpatuloy sila sa pagtatayo hanggang sa Tore ng Mea+ at hanggang sa Tore ni Hananel+ at pinabanal ito. 2 At ang mga lalaking taga-Jerico+ ang nagtayo ng kasunod na bahagi; at si Zacur na anak ni Imri ang nagtayo ng kasunod na bahagi.
3 Itinayo ng mga anak ni Hasenaa ang Pintuang-Daan ng mga Isda;+ nilagyan nila ito ng hamba,+ at saka nila ikinabit ang mga pinto, mga trangka, at mga halang nito. 4 Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ni Meremot+ na anak ni Urias na anak ni Hakoz, at ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ni Mesulam+ na anak ni Berekias na anak ni Mesezabel, at ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ni Zadok na anak ni Baana. 5 Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ng mga Tekoita,+ pero ang kanilang mga prominenteng tao ay hindi nagpakumbaba para makibahagi* sa gawain ng mga nangangasiwa sa kanila.
6 Kinumpuni ng anak ni Pasea na si Joiada at ng anak ni Besodeias na si Mesulam ang Pintuang-Daan ng Matandang Lunsod;+ nilagyan nila ito ng hamba, at saka nila ikinabit ang mga pinto, mga trangka, at mga halang nito. 7 Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ni Melatias na Gibeonita+ at ni Jadon na Meronotita, mga lalaking mula sa Gibeon at Mizpa+ na nasa ilalim ng awtoridad* ng gobernador sa rehiyon sa kabila ng Ilog.*+ 8 Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ng anak ni Harhaias na si Uziel, isa sa mga platero ng ginto; at ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ni Hananias, isa sa mga tagagawa ng pabango;* at nilatagan nila ng mga bato ang Jerusalem hanggang sa Malapad na Pader.+ 9 Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ng anak ni Hur na si Repaias, tagapamahala sa kalahati ng distrito ng Jerusalem. 10 At kinumpuni ni Jedaias na anak ni Harumap ang kasunod na bahagi, na nasa tapat ng bahay niya; at ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ni Hatus na anak ni Hasabneias.
11 Kinumpuni ng anak ni Harim+ na si Malkias at ng anak ni Pahat-moab+ na si Hasub ang isa pang bahagi, pati na ang Tore ng mga Pugon.+ 12 Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ng anak ni Halohes na si Salum, tagapamahala sa kalahati ng distrito ng Jerusalem. Kasama niya ang mga anak niyang babae.
13 Kinumpuni ni Hanun at ng mga taga-Zanoa+ ang Pintuang-Daan ng Lambak;+ inayos nila ito at saka nila ikinabit ang mga pinto, mga trangka, at mga halang nito, at 1,000 siko* ng pader ang kinumpuni nila hanggang sa Pintuang-Daan ng mga Bunton ng Abo.+ 14 Kinumpuni ng anak ni Recab na si Malkias, tagapamahala sa distrito ng Bet-hakerem,+ ang Pintuang-Daan ng mga Bunton ng Abo; inayos niya ito at saka niya ikinabit ang mga pinto, mga trangka, at mga halang nito.
15 Kinumpuni ng anak ni Colhoze na si Salun, tagapamahala sa distrito ng Mizpa,+ ang Pintuang-Daan ng Bukal;+ inayos niya ito pati ang bubong nito at ikinabit niya ang mga pinto, mga trangka, at mga halang nito. Kinumpuni rin niya ang pader ng Imbakan ng Tubig+ ng Batis, na malapit sa Hardin ng Hari,+ hanggang sa Hagdanan+ na pababa mula sa Lunsod ni David.+
16 Kinumpuni ng anak ni Azbuk na si Nehemias, tagapamahala sa kalahati ng distrito ng Bet-zur,+ ang kasunod na bahagi, mula sa tapat ng Libingan ni David*+ hanggang sa artipisyal na imbakan ng tubig+ at hanggang sa Bahay ng mga Makapangyarihan.*
17 Nagkumpuni rin ang mga Levita: Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ng mga Levitang nasa pangangasiwa ni Rehum na anak ni Bani; at si Hasabias, tagapamahala sa kalahati ng distrito ng Keila,+ ang nagkumpuni sa kasunod na bahagi bilang kinatawan ng kaniyang distrito. 18 Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ng ibang mga Levita na nasa pangangasiwa ng anak ni Henadad na si Bavai, tagapamahala sa kalahati ng distrito ng Keila.
19 Kinumpuni ng anak ni Jesua+ na si Ezer, tagapamahala sa Mizpa, ang kasunod na bahagi, mula sa tapat ng paakyat na bahagi hanggang sa Taguan ng mga Sandata na nasa Sumusuportang Haligi.+
20 Buong-sigasig na kinumpuni ni Baruc na anak ni Zabai+ ang kasunod na bahagi, mula sa Sumusuportang Haligi hanggang sa pasukan ng bahay ni Eliasib+ na mataas na saserdote.
21 Kinumpuni ni Meremot+ na anak ni Urias na anak ni Hakoz ang kasunod na bahagi, mula sa pasukan ng bahay ni Eliasib hanggang sa dulo ng bahay nito.
22 Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ng mga saserdote, mga lalaking mula sa distrito ng Jordan.*+ 23 Kinumpuni nina Benjamin at Hasub ang kasunod na bahagi, na nasa tapat ng bahay nila. Kinumpuni ni Azarias na anak ni Maaseias na anak ni Anania ang kasunod na bahagi, na malapit sa bahay niya. 24 Kinumpuni ni Binui na anak ni Henadad ang kasunod na bahagi, mula sa bahay ni Azarias hanggang sa Sumusuportang Haligi+ at hanggang sa kanto ng pader.
25 Kinumpuni ni Palal na anak ni Uzai ang kasunod na bahagi, sa may Sumusuportang Haligi at sa may tore sa Bahay* ng Hari,+ ang mataas na tore na malapit sa Looban ng Bantay.+ Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ni Pedaias na anak ni Paros.+
26 At ang mga lingkod sa templo*+ na nakatira sa Opel+ ay nagkumpuni hanggang sa may Pintuang-Daan ng Tubig+ sa silangan at sa toreng nakaungos sa pader.
27 Kinumpuni ng mga Tekoita+ ang kasunod na bahagi, mula sa may malaking toreng nakaungos sa pader hanggang sa pader ng Opel.
28 Nagkumpuni ang mga saserdote sa ibabaw ng Pintuang-Daan ng mga Kabayo,+ ang bawat isa sa tapat ng bahay niya.
29 Kinumpuni ni Zadok+ na anak ni Imer ang kasunod na bahagi, na nasa tapat ng bahay niya.
Ang kasunod na bahagi ay kinumpuni ng anak ni Secanias na si Semaias, tagapag-ingat ng Silangang Pintuang-Daan.+
30 Kinumpuni ng anak ni Selemias na si Hananias at ng ikaanim na anak ni Zalap na si Hanun ang kasunod na bahagi.
Kinumpuni ni Mesulam+ na anak ni Berekias ang kasunod na bahagi, na nasa tapat ng bahay* niya.
31 Kinumpuni ni Malkias, miyembro ng samahan ng mga platero ng ginto, ang kasunod na bahagi hanggang sa bahay ng mga lingkod sa templo*+ at ng mga negosyante, na malapit sa Pintuang-Daan ng Pagsisiyasat, at hanggang sa itaas na silid sa kanto ng pader.
32 At ang bahaging nasa pagitan ng itaas na silid sa kanto at ng Pintuang-Daan ng mga Tupa+ ay kinumpuni ng mga platero ng ginto at ng mga negosyante.