Awit ng Pag-akyat. Awit ni David.
133 Napakabuti at napakaganda
Na ang magkakapatid ay magkakasama at nagkakaisa!+
2 Para itong mamahaling langis na ibinuhos sa ulo+
At tumulo sa balbas,
Sa balbas ni Aaron,+
Hanggang sa kuwelyo ng damit niya.
3 Gaya ito ng hamog sa Hermon+
Na pumapatak sa mga bundok ng Sion.+
Doon nangako si Jehova ng pagpapala
—Buhay na walang hanggan.