Mga Awit
Sa direktor. Awit ng mga anak ni Kora.+ Maskil.*
44 O Diyos, narinig ng sarili naming mga tainga,
Ikinuwento sa amin ng mga ninuno namin,+
Ang mga ginawa mo noong panahon nila,
Noong unang panahon.
2 Sa pamamagitan ng iyong kamay ay itinaboy mo ang mga bansa+
At pinatira mo roon ang mga ninuno namin.+
Dinurog mo ang mga bansa at itinaboy ang mga ito.+
3 Nakuha nila ang lupain hindi dahil sa sarili nilang espada,+
At nagtagumpay sila hindi dahil sa sarili nilang bisig,+
Kundi dahil sa iyong kanang kamay at sa iyong bisig+ at sa liwanag ng iyong mukha,
Dahil kinalugdan mo sila.+
5 Sa pamamagitan ng kapangyarihan mo ay pauurungin namin ang aming mga kalaban;+
Sa pangalan mo ay tatapakan namin ang mga lumalaban sa amin.+
8 Buong araw kaming maghahandog ng papuri sa Diyos,
At pasasalamatan namin ang pangalan mo magpakailanman. (Selah)
9 Pero ngayon ay itinakwil mo kami at hiniya,
At hindi ka sumasama sa aming mga hukbo.
10 Lagi mo kaming pinauurong mula sa kalaban namin;+
Kinukuha ng mga napopoot sa amin ang anumang gusto nila.
13 Hinayaan mo kaming dustain ng kalapít na mga bansa,
Tuyain at insultuhin ng mga nakapalibot sa amin.
14 Ginawa mo kaming tampulan ng panghahamak* ng mga bansa,+
At pailing-iling silang nangungutya sa amin.
15 Hiyang-hiya ako buong araw,
At wala na akong mukhang maiharap,
16 Dahil sa naririnig kong panunuya at pang-iinsulto nila,
Dahil sa kaaway naming naghihiganti.
17 Nangyari sa amin ang lahat ng ito, pero hindi ka namin kinalimutan,
At hindi namin sinira ang iyong tipan.+
18 Ang puso namin ay hindi lumihis;
Ang mga paa namin ay hindi umalis sa iyong landas.
19 Pero dinurog mo kami sa tinitirhan ng mga chakal;
Tinakpan mo kami ng matinding kadiliman.
20 Kung kinalimutan namin ang pangalan ng aming Diyos
O kung itinaas namin ang aming mga kamay para manalangin sa diyos ng mga banyaga,
21 Hindi ba ito malalaman ng Diyos?
Alam niya ang mga lihim ng puso.+
23 Bumangon ka. Bakit natutulog ka pa, O Jehova?+
Gumising ka! Huwag mo kaming itakwil magpakailanman.+
24 Bakit mo itinatago ang iyong mukha?
Bakit mo nililimot ang aming pagdurusa at ang pang-aapi sa amin?