Isaias
Palapitin sila at hayaang magsalita.+
Magtipon tayo para sa paghatol.
2 Sino ang nagsugo ng mananakop mula sa sikatan ng araw*+
At tumawag sa kaniya sa Kaniyang paanan* para maglapat ng katarungan,
Para ibigay sa kaniya ang mga bansa
At ipasailalim sa kaniya ang mga hari?+
Sino ang pumulbos sa kanila sa harap ng espada niya,
Gaya ng ipa na tinangay ng hangin sa harap ng kaniyang pana?
3 Tinutugis niya sila, at walang nakahahadlang sa kaniya
Sa mga landas na hindi pa niya napuntahan.
4 Sino ang kumilos at gumawa nito
At tumawag sa mga henerasyon mula sa pasimula?
5 Nakita ito ng mga isla at natakot sila.
Ang mga dulo ng lupa ay nanginig.
Nagtipon sila at lumapit.
6 Tinutulungan ng bawat isa ang kaniyang kasama
At sinasabi sa kaniyang kapatid: “Magpakatatag ka.”
7 Kaya pinapatibay ng bihasang manggagawa ang platero;+
Pinapatibay ng nagpipitpit ng metal*
Ang nagpupukpok sa palihan.
Sinasabi niya: “Maganda ang pagkakahinang.”
Pagkatapos, pinapakuan iyon para hindi matumba.
8 “Pero ikaw, O Israel, ay lingkod ko,+
Ikaw, O Jacob, na aking pinili,+
Ang supling* ni Abraham na kaibigan ko,+
9 Ikaw, na kinuha ko mula sa mga dulo ng lupa,+
At ikaw, na tinawag ko mula sa pinakamalalayong bahagi nito.
10 Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako.+
Huwag kang mag-alala, dahil ako ang Diyos mo.+
Papatibayin kita, oo, tutulungan kita,+
Talagang aalalayan kita sa pamamagitan ng matuwid kong kanang kamay.’
11 Lahat ng nag-iinit sa galit laban sa iyo ay mapapahiya.+
Ang mga nakikipaglaban sa iyo ay malilipol at maglalaho.+
12 Hahanapin mo ang mga nakikipaglaban sa iyo, pero hindi mo sila makikita;
Ang mga nakikipagdigma sa iyo ay mawawala na parang hindi umiral.+
13 Dahil ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa kanang kamay mo,
Ang nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Tutulungan kita.’+
14 Huwag kang matakot, Jacob na uod,*+
O bayang Israel, tutulungan kita,” ang sabi ni Jehova, ang iyong Manunubos,+ ang Banal ng Israel.
15 “Ginawa kitang panggiik na kareta,+
Isang bagong kasangkapang panggiik na may mga ngiping doble ang talim.
Yuyurakan mo ang mga bundok at dudurugin ang mga iyon,
At ang mga burol ay gagawin mong gaya ng ipa.
17 “Ang nagigipit at ang mahihirap ay naghahanap ng tubig, pero wala silang makita.
Tuyo na ang dila nila dahil sa uhaw.+
Ako, si Jehova, ang sasagot sa kanila.+
Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi magpapabaya sa kanila.+
Ang ilang ay gagawin kong lawa na may mga halaman,
At ang tigang na lupain ay gagawin kong bukal ng tubig.+
Sa tigang na kapatagan ay magtatanim ako ng puno ng enebro,
Pati ng puno ng fresno at ng sipres,+
20 Para makita at malaman
At bigyang-pansin at maunawaan ng lahat ng tao
Na ang kamay ni Jehova ang gumawa nito,
At ang Banal ng Israel ang nasa likod nito.”+
21 “Iharap ninyo ang inyong kaso,” ang sabi ni Jehova.
“Ilabas ninyo ang inyong mga argumento,” ang sabi ng Hari ng Jacob.
22 “Maglabas kayo ng katibayan at sabihin ninyo sa amin ang mga bagay na mangyayari.
Sabihin ninyo sa amin ang mga nangyari noon,*
Para mabulay-bulay namin ang mga iyon* at malaman ang kahihinatnan ng mga iyon.
O ihayag ninyo sa amin ang mga bagay na darating.+
Gumawa kayo ng kahit ano, mabuti o masama,
Para mamangha kami kapag nakita namin iyon.+
Kasuklam-suklam ang sinumang pumipili sa inyo.+
25 May isusugo ako mula sa hilaga, at darating siya.+
Mula siya sa sikatan ng araw*+ at tatawag siya sa pangalan ko.
Tatapak-tapakan niyang parang luwad ang mga tagapamahala,*+
Gaya ng magpapalayok na yumuyurak sa putik.
26 Sino ang nagsabi ng tungkol dito mula sa pasimula, para malaman namin,
O mula sa panahong nakalipas, para masabi namin, ‘Tama siya’?+
Walang nagsabi nito!
Walang naghayag nito!
Walang sinumang nakarinig ng kahit ano mula sa inyo!”+
27 Ako ang unang nagsabi sa Sion: “Narito na sila!”+
At magsusugo ako sa Jerusalem ng tagapagdala ng magandang balita.+
28 Pero patuloy akong tumingin, at wala akong nakitang sinuman;
Walang sinuman sa kanila ang makapagpayo.
At patuloy ko silang tinanong, pero walang sumagot.
Walang silbi ang mga gawa nila.
Ang kanilang mga metal na imahen ay hangin at walang saysay.+