Job
16 Sumagot si Job:
2 “Marami na akong narinig na ganiyan.
Imbes na aliwin ako, lalo pa ninyo akong pinahihirapan!+
3 Hindi ba matatapos ang walang-saysay na* pagsasalita?
Bakit ganiyan ka* sumagot?
4 Kaya ko ring magsalitang gaya ninyo.
5 Pero sa halip na gawin iyon, papatibayin ko kayo ng aking mga salita,
6 Kapag nagsasalita ako, hindi naiibsan ang nararamdaman kong kirot;+
Kapag nananahimik naman ako, hindi rin nawawala ang kirot.
7 Pero ngayon ay pinanlupaypay ako ng Diyos;+
Nagpasapit siya ng kapahamakan sa buong sambahayan ko.*
8 Sinusunggaban mo* rin ako, at nakikita iyon ng iba;
Ang sobrang kapayatan ko ay parang testigo laban sa akin.
9 Ang galit niya ang lumuluray sa akin, at nagkikimkim siya ng matinding galit sa akin.+
Pinagngangalit niya ang mga ngipin niya dahil sa akin.
Pinanlilisikan ako ng mga mata ng kalaban ko.+
10 Ibinuka nila ang bibig nila para lamunin ako.+
Tinuya nila ako at sinampal;
Marami silang nagtitipon laban sa akin.+
12 Panatag ako noon, pero sinira niya ang buhay ko;+
Hinawakan niya ako sa batok at isinubsob sa lupa;
At pinuntirya niya ako.
13 Pinapalibutan ako ng kaniyang mga mamamanà;+
Walang awa niyang pinapana ang mga bato ko;+
Ibinubuhos niya sa lupa ang apdo ko.
14 Para akong pader na paulit-ulit niyang binubutas;
Sumusugod siya sa akin na gaya ng mandirigma.
16 Namumula ang mukha ko dahil sa pag-iyak+
At nangingitim ang* paligid ng mga mata ko
17 Kahit wala naman akong sinaktan
At taimtim ang panalangin ko.
18 O lupa, huwag mong takpan ang dugo ko!+
At hayaan mo itong dumaing para sa akin!
19 Pero ngayon pa lang, may testigo na ako sa langit;
Ang makapagpapatotoo tungkol sa akin ay nasa kaitaasan.