Job
4 At sinabi ni Elipaz+ na Temanita:
2 “Kung may makipag-usap sa iyo, mauubos ba ang pasensiya mo?
Dahil sino ang makakatiis na hindi magsalita?
4 Naibabangon ng iyong salita ang sinumang natisod,
At pinalalakas mo ang mga tuhod na nanlalambot.
5 Pero ngayong nangyari ito sa iyo, halos hindi mo ito makayanan;*
Nararanasan mo ito ngayon, at nasisiraan ka ng loob.
6 Hindi ka ba nabibigyan ng kumpiyansa ng takot mo sa Diyos?
Hindi ka ba nabibigyan ng pag-asa ng pananatili mong tapat?+
7 Isipin mo, pakisuyo: Sinong inosente ang namatay?
Kailan ba nalipol ang mga matuwid?
8 Sa nakikita ko, kapag ang isa ay nagtanim* ng nakasasakit
At naghasik ng problema, iyon din ang aanihin niya.
9 Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos ay namamatay sila,
At sa silakbo ng galit niya ay nalilipol sila.
10 Umuungal ang leon, at umuungol ang batang leon,
Pero kahit ang mga ngipin ng malalakas na leon ay nababali rin.
11 Namamatay ang leon kapag walang mabiktima,
At ang mga anak ng leon ay nagkakahiwa-hiwalay.
12 May salitang nakarating sa akin nang palihim,
At may narinig akong isang bulong.
13 Sa gabi, habang mahimbing na natutulog ang mga tao,
May nakita akong mga pangitain na gumulo sa isip ko.
14 Nanginig ako sa takot;
Nanuot sa mga buto ko ang panghihilakbot.
15 Isang espiritu ang dumaan sa mukha ko;
Tumindig ang mga balahibo ko.
16 At huminto ito sa harap ko,
Pero hindi ko ito nakilala.
Isang anyo ang nakita ko.
Nagkaroon ng katahimikan, at isang tinig ang narinig ko:
17 ‘Puwede bang maging mas matuwid ang taong mortal kaysa sa Diyos?
Puwede bang maging mas malinis ang isang tao kaysa sa kaniyang Maylikha?’
19 Gaano pa kaya ang mga nakatira sa bahay na gawa sa putik,
Na ang pundasyon ay galing sa alabok,+
Na madaling pisain na gaya ng insekto!*
20 Sa pagitan ng umaga at gabi, nadurog sila nang lubusan;
Naglaho na sila magpakailanman at wala man lang nakapansin.
21 Hindi ba gaya sila ng toldang bumagsak dahil hinila ang tali nito?
Namamatay sila nang walang karunungan.