Mga Kawikaan
28 Ang masasama ay tumatakas kahit walang humahabol sa kanila,
2 Kapag may paghihimagsik* sa lupain, papalit-palit ang pinuno,*+
Pero sa tulong ng taong may kaunawaan at kaalaman, magtatagal ang namamahala.*+
4 Ang mga bumabale-wala sa kautusan ay pumupuri sa masama,
Pero ang mga sumusunod sa kautusan ay galit sa kanila.+
5 Hindi naiintindihan ng masasama kung ano ang katarungan,
Pero nauunawaan ng mga humahanap kay Jehova ang lahat ng bagay.+
7 Ang anak na may unawa ay sumusunod sa kautusan,
Pero ang nakikisama sa matatakaw ay humihiya sa kaniyang ama.+
8 Ang nagpapayaman sa pamamagitan ng interes at labis na patubo+
Ay nag-iipon ng yaman para sa taong tumutulong sa mahihirap.+
10 Ang nagliligaw sa mga matuwid patungo sa masamang daan ay mahuhulog sa sarili niyang hukay,+
Pero ang mga walang kapintasan ay aani ng mabuti.+
11 Matalino ang tingin ng mayaman sa sarili niya,+
Pero nakikita ng dukhang may kaunawaan kung sino talaga siya.*+
12 Napakaganda nga kapag nagtatagumpay ang mga matuwid,
Pero kapag masasama ang namahala, nagtatago ang mga tao.+
13 Ang nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi magtatagumpay,+
Pero ang nagtatapat at tumatalikod sa mga iyon ay kaaawaan.+
14 Maligaya ang taong laging nagbabantay,*
Pero ang taong nagpapatigas ng kaniyang puso ay mapapahamak.+
15 Gaya ng umuungal na leon at umaatakeng oso
Ang masamang taong namamahala sa isang bayang walang kalaban-laban.+
16 Ang lider na walang kaunawaan ay umaabuso sa kapangyarihan,+
Pero ang napopoot sa bagay na nakuha sa pandaraya ay magpapahaba ng buhay niya.+
17 Ang taong nababagabag dahil nagkasala siya ng pagpatay ay tatakas hanggang sa kamatayan niya.*+
Huwag siyang tulungan ng sinuman.
18 Ang lumalakad nang may katapatan ay maliligtas,+
Pero ang taong liko ang landasin ay biglang babagsak.+
19 Ang nagsasaka ng lupa niya ay magkakaroon ng saganang pagkain,
Pero ang nagpapakaabala sa walang-kabuluhang mga bagay ay maghihirap.+
20 Ang taong tapat ay tatanggap ng maraming pagpapala,+
Pero ang nagmamadaling yumaman ay hindi mananatiling walang-sala.+
Pero posibleng makagawa ng masama ang isang tao para sa isang piraso ng tinapay.
23 Ang sumasaway sa kapuwa niya+ ay magiging mas kalugod-lugod sa bandang huli+
Kaysa sa taong nambobola.*
24 Ang nagnanakaw sa kaniyang ama at ina at nagsasabi, “Walang masama rito,”+
Ay kasamahan ng taong nagdudulot ng pinsala.+
26 Ang nagtitiwala sa sarili niyang puso ay mangmang,+
Pero ang lumalakad nang may karunungan ay makatatakas.+