Job
15 Sinabi ni Elipaz+ na Temanita:
2 “Walang-saysay na argumento* ba ang isasagot ng matalino,
O pupunuin ba niya ang puso niya ng nakasasakit na kaisipan?*
3 Kung puro salita ang pagsaway, wala itong silbi;
Wala ring pakinabang ang pagsasalita ng walang kabuluhan.
4 Dahil sa iyo, hindi na natatakot sa Diyos ang mga tao,
At nawawalan sila ng interes sa Diyos.
6 Sarili mong bibig ang humahatol sa iyo, hindi ako;
Sarili mong mga labi ang tumetestigo laban sa iyo.+
7 Ikaw ba ang kauna-unahang tao na ipinanganak,
O nauna ka pa ba sa mga burol?
8 Naririnig mo ba kapag sinasabi ng Diyos ang mga sekreto niya,
O ikaw lang ba ang matalino?
9 Ano ang alam mo na hindi namin alam?+
Ano ang nauunawaan mo na hindi namin nauunawaan?
11 Hindi pa ba sapat sa iyo ang pang-aaliw ng Diyos
O ang malumanay na pakikipag-usap sa iyo?
13 Dahil nagagalit ka sa Diyos,
At hinahayaan mong lumabas ang ganiyang pananalita sa bibig mo.
14 Puwede bang maging malinis ang taong mortal?
Puwede bang maging matuwid ang ipinanganak ng babae?+
15 Tingnan mo! Wala siyang tiwala sa mga anghel* niya,
At kahit ang langit ay hindi malinis sa paningin niya.+
16 Ano pa kaya kung ang tao ay kasuklam-suklam at masama,+
Isang taong umiinom ng kasamaan na gaya lang ng tubig!
17 May sasabihin ako sa iyo; makinig ka!
Sasabihin ko kung ano ang nakita ko,
18 Mga bagay na itinuro ng matatalino at hindi nila itinago,
Ang mga natutuhan nila sa kanilang ama.+
19 Sa kanila lang ibinigay ang lupain,
At walang dayuhang dumaan sa kanila.
20 Nagdurusa ang masamang tao sa lahat ng araw niya
At ang mapang-api sa buong buhay niya.
21 Lagi siyang nakaririnig ng nakakatakot na mga tunog;+
Kahit sa panahon ng kapayapaan, sinasalakay siya ng mga mandarambong.
23 Nagpapagala-gala siya sa paghahanap ng pagkain* at nagsasabi, ‘Nasaan iyon?’
Alam na alam niyang malapit na ang araw ng kadiliman.
24 Lagi siyang nababalot ng takot at pag-aalala;
Dinaraig siya ng mga iyon na gaya ng haring handang sumalakay.
25 Dahil itinataas niya ang kamay niya para hamunin ang Diyos
At nilalabanan* ang Makapangyarihan-sa-Lahat;
26 Hindi siya mapigil sa pagsugod sa Kaniya
Dala ang makapal at matibay niyang kalasag;*
27 Mataba ang mukha niya,
At malaki ang tiyan niya;*
28 Nakatira siya sa mga lunsod na gigibain,
Sa mga bahay na hindi na titirhan
At magiging bunton ng mga bato.
29 Hindi siya yayaman, at hindi na madaragdagan ang taglay niya;
Hindi rin lalaganap sa lupain ang mga pag-aari niya.
31 Huwag niyang dayain ang sarili niya at huwag siyang magtiwala sa mga bagay na walang kabuluhan,
Dahil wala siyang mapapala sa mga iyon;
32 Malapit na niyang maranasan iyan,
At hindi lalago ang mga sanga niya.+
33 Magiging gaya siya ng punong ubas na inilalaglag ang hilaw na mga bunga nito
At ng punong olibo na inilalaglag ang mga bulaklak nito.
35 Naglilihi sila ng problema at nagsisilang ng kasamaan,
At ang sinapupunan nila ay punô ng panlilinlang.”