Job
3 Pagkatapos nito, nagsalita si Job at isinumpa niya ang araw na ipinanganak siya.*+ 2 Sinabi ni Job:
3 “Maglaho nawa ang araw na ipinanganak ako,+
At ang gabi nang may nagsabi: ‘Isang lalaki ang ipinaglihi!’
4 Maging kadiliman nawa ang araw na iyon.
Bale-walain sana iyon ng Diyos sa itaas;
Huwag nawang sinagan iyon ng liwanag.
5 Bawiin nawa iyon ng matinding kadiliman.*
Mabalot sana iyon ng maitim na ulap.
Takutin nawa iyon ng anumang nagpapadilim sa umaga.
6 Ang gabing iyon—balutin sana iyon ng kadiliman;+
Huwag sanang magsaya iyon kasama ng mga araw ng taon,
At huwag sanang mapabilang iyon sa anumang buwan.
7 Maging baog nawa ang gabing iyon,
At wala sanang marinig na hiyaw ng kagalakan.
9 Magdilim nawa ang mga bituin ng takipsilim nito;
Hindi sana dumating ang hinihintay nitong umaga,
At huwag nawa nitong makita ang mga sinag ng bukang-liwayway.
10 Dahil hindi nito isinara ang sinapupunan ng aking ina;+
Hindi nito itinago sa paningin ko ang paghihirap.
11 Bakit hindi pa ako namatay nang ipanganak ako?
Bakit hindi ako namatay paglabas ko sa sinapupunan?+
12 Bakit pa may kandungan na kumalong sa akin
At dibdib na nagpasuso sa akin?
13 Payapa na sana akong nakahiga ngayon,+
Natutulog at nagpapahinga+
14 Kasama ng mga hari sa lupa at ng mga tagapayo nila,
Na nagtayo para sa sarili nila ng mga gusaling gumuho na ngayon,
15 O ng mga prinsipeng may ginto,
Na ang mga bahay ay punô ng pilak.
16 O bakit hindi na lang ako namatay sa sinapupunan,
Tulad ng mga batang hindi nakakita ng liwanag?
18 Doon, ang mga bilanggo ay magkakasama at payapa;
Hindi nila naririnig ang boses ng nagpapatrabaho sa kanila.
21 Bakit ang mga gustong mamatay ay hindi namamatay?+
Mas inaasam pa nila iyon kaysa sa nakatagong kayamanan.
22 Magsasaya sila nang husto
At matutuwa kapag nahanap na nila ang libingan.
24 Dahil nagbubuntonghininga ako sa halip na kumain,+
At bumubuhos na gaya ng tubig ang pagdaing ko.+
25 Dahil dumating sa akin ang pinangangambahan ko,
At nangyari sa akin ang kinatatakutan ko.
26 Wala akong kapayapaan, katahimikan, at kapahingahan,
At tuloy-tuloy ang pagdating ng problema.”