Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwt Kawikaan 1:1-31:31
  • Kawikaan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kawikaan
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Kawikaan

MGA KAWIKAAN

1 Ang mga kawikaan ni Solomon+ na anak ni David,+ na hari ng Israel:+

 2 Para magkaroon ng karunungan+ at disiplina;

Para maunawaan ang mga kasabihang nagpaparunong;

 3 Para tumanggap ng pagsasanay*+ na nagbibigay ng kaunawaan

At nagtuturo ng katuwiran,*+ katarungan,*+ at paninindigan sa tama;*

 4 Para magbigay ng talino+ sa walang karanasan;

Para magbigay sa kabataan ng kaalaman at kakayahang mag-isip.+

 5 Ang taong marunong ay nakikinig at kumukuha ng higit pang instruksiyon;+

Ang taong may unawa ay tumatanggap ng mahusay na patnubay+

 6 Para maintindihan ang isang kawikaan at malalim na kasabihan,*

Ang mga salita ng marurunong at ang kanilang mga bugtong.+

 7 Ang pagkatakot* kay Jehova ang pasimula ng kaalaman.+

Mga mangmang lang ang humahamak sa disiplina at karunungan.+

 8 Makinig ka, anak ko, sa disiplina ng iyong ama,+

At huwag mong kalimutan ang tagubilin* ng iyong ina.+

 9 Ang mga iyon ay magandang putong* sa iyong ulo+

At magandang kuwintas sa iyong leeg.+

10 Anak ko, kung hikayatin ka ng mga makasalanan, tanggihan mo sila.+

11 Kung sabihin nila: “Sumama ka sa amin.

Mag-abang tayo ng papatayin.

Magtago tayo habang naghihintay ng mga mabibiktima para lang sa katuwaan.

12 Lamunin natin sila nang buháy gaya ng ginagawa ng Libingan,*

Nang buo, tulad ng mga bumababa sa hukay.

13 Kunin natin ang lahat ng kayamanan nila;

Punuin natin ng mga nakaw ang ating bahay.

14 Sumama ka sa amin,*

At paghati-hatian natin ang mananakaw natin.”*

15 Anak ko, huwag kang sumama sa kanila.

Huwag kang lumakad* sa landas nila,+

16 Dahil tumatakbo sila* para gumawa ng masama;

Nagmamadali silang pumatay.+

17 Walang saysay ang paghahagis ng lambat kung kitang-kita ito ng ibon.

18 Kaya palihim silang nag-aabang ng mga mabibiktima;

Nagtatago sila para patayin ang mga ito.

19 Ganiyan ang ginagawa ng mga nandaraya para sa pakinabang,

At iyon ang papatay sa kanila.+

20 Ang tunay na karunungan+ ay sumisigaw sa lansangan.+

Inilalakas nito ang kaniyang tinig sa mga liwasan.*+

21 Sa kanto ng mataong mga lansangan ay nananawagan ito.

Sa mga pasukan ng lunsod ay sinasabi nito:+

22 “Kayong mga walang karanasan, hanggang kailan ninyo gustong manatiling walang karanasan?

Kayong mga manunuya, hanggang kailan kayo masisiyahan sa panunuya?

At kayong mga mangmang, hanggang kailan ninyo aayawan ang kaalaman?+

23 Makinig kayo sa pagsaway ko,*+

At ibubuhos ko sa inyo ang aking espiritu;*

Ipaaalam ko sa inyo ang aking mga salita.+

24 Dahil tumatawag ako pero lagi kayong tumatanggi,

Iniuunat ko ang aking kamay pero walang nagbibigay-pansin,+

25 Binabale-wala ninyo ang lahat ng payo ko

At tinatanggihan ang aking saway,

26 Kaya pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo;

Tutuyain ko kayo kapag dumating ang kinatatakutan ninyo,+

27 Kapag ang kinatatakutan ninyo ay dumating na gaya ng bagyo,

At ang kapahamakan ninyo na gaya ng hangin ng bagyo,

Kapag dumating sa inyo ang paghihirap at problema.

28 Sa panahong iyon ay paulit-ulit nila akong tatawagin, pero hindi ako sasagot;

Patuloy nila akong hahanapin, pero hindi nila ako makikita,+

29 Dahil kinamuhian nila ang kaalaman,+

At hindi nila pinili ang pagkatakot kay Jehova.+

30 Tinanggihan nila ang aking payo;

Binale-wala nila ang lahat ng aking saway.

31 Kaya aanihin* nila ang bunga ng mga ginagawa nila,+

At mapapahamak* sila sa sarili nilang mga payo.*

32 Dahil katigasan ng ulo ang papatay sa mga walang karanasan,

At pagwawalang-bahala ang pupuksa sa mga mangmang.

33 Pero ang nakikinig sa akin ay mamumuhay nang panatag+

At hindi matatakot sa anumang kapahamakan.”+

2 Anak ko, kung tatanggapin mo ang pananalita ko

At pahahalagahan* ang mga utos ko+

 2 —Kung makikinig kang mabuti sa karunungan+

At bubuksan mo ang puso mo para sa kaunawaan+—

 3 At kung tatawag ka para humingi ng unawa+

At hihiyaw para humiling ng kaunawaan;+

 4 Kung patuloy mong hahanapin ang mga ito na gaya ng pilak+

At huhukayin na gaya ng nakatagong kayamanan;+

 5 Kung gayon, mauunawaan mo ang ibig sabihin ng pagkatakot kay Jehova+

At matatagpuan mo ang kaalaman tungkol sa Diyos.+

 6 Dahil si Jehova mismo ang nagbibigay ng karunungan;+

Sa bibig niya nagmumula ang kaalaman at kaunawaan.

 7 Nag-iimbak siya ng karunungan* para sa mga matuwid;

Siya ay sanggalang* para sa mga lumalakad nang tapat.+

 8 Sinusubaybayan niya ang mga daan ng katarungan,

At babantayan niya ang lakad ng mga tapat sa kaniya.+

 9 Sa gayon, maiintindihan mo kung ano ang matuwid, makatarungan, at patas,

Ang landas ng kabutihan.+

10 Kapag ang karunungan ay pumasok sa puso mo+

At ang kaalaman ay naging kasiya-siya para sa iyo,+

11 Babantayan ka ng iyong kakayahang mag-isip,+

At iingatan ka ng kaunawaan;

12 Maililigtas ka mula sa masamang landas,

Mula sa nagsasalita ng pilipit na mga bagay,+

13 Mula sa mga lumilihis sa matuwid na daan

Para lumakad sa landas ng kadiliman,+

14 Mula sa mga nagsasaya sa paggawa ng masama

At natutuwa sa masama at pilipit na mga bagay,

15 Mula sa mga liko ang daan

At nanlilinlang sa buong buhay nila.

16 Ililigtas ka nito mula sa masamang* babae,

Mula sa mapang-akit* na pananalita ng imoral na* babae,+

17 Na humiwalay sa matalik niyang kaibigan* noong kabataan niya+

At lumimot sa pakikipagtipan niya sa Diyos;

18 Dahil palubog* sa kamatayan ang bahay niya

At patungo sa libingan ang mga landas* niya.+

19 Hindi na makababalik ang lahat ng sumisiping* sa kaniya;

Hindi na sila muling makalalakad sa landas ng buhay.+

20 Kaya lumakad ka sa daan ng mabubuting tao

At manatili sa landas ng mga matuwid,+

21 Dahil ang mga matuwid lang ang maninirahan sa lupa,

At ang mga walang kapintasan* ang mananatili rito.+

22 Pero ang masasama ay lilipulin mula sa lupa,+

At ang mga mapandaya ay bubunutin mula rito.+

3 Anak ko, huwag mong kalimutan ang itinuturo* ko,

At sundin mo sana nang buong puso ang mga utos ko,

 2 Dahil ang mga ito ay magbibigay sa iyo

Ng mahaba at payapang buhay.+

 3 Huwag mong iwan ang tapat na pag-ibig at katapatan.*+

Itali mo ang mga iyon sa leeg mo;

Isulat mo ang mga iyon sa puso* mo;+

 4 Sa gayon, ikaw ay magiging kalugod-lugod at may unawa

Sa mata ng Diyos at ng tao.+

 5 Magtiwala ka kay Jehova+ nang buong puso,

At huwag kang umasa* sa sarili mong unawa.+

 6 Isaisip mo siya sa lahat ng tatahakin mong landas,+

At itutuwid niya ang mga daan mo.+

 7 Huwag kang magtiwala sa sarili mong karunungan.+

Matakot ka kay Jehova at lumayo sa kasamaan.

 8 Mapagagaling nito ang katawan* mo

At mapagiginhawa ang iyong mga buto.

 9 Parangalan mo si Jehova sa pamamagitan ng iyong mahahalagang pag-aari,+

Ng mga unang bunga ng* lahat ng iyong ani;*+

10 At mapupuno nang husto ang mga imbakan mo,+

At aapaw ang bagong alak sa iyong mga pisaan ng ubas.

11 Anak ko, huwag mong itakwil ang disiplina ni Jehova,+

At huwag mong kamuhian ang saway niya,+

12 Dahil sinasaway ni Jehova ang mga mahal niya,+

Gaya ng ginagawa ng ama sa kinalulugdan niyang anak.+

13 Maligaya ang nakatagpo sa karunungan+

At ang taong nagkaroon ng kaunawaan;

14 Mas mabuti ito kaysa sa pagkakaroon ng pilak

At mas kapaki-pakinabang kaysa sa pagkakaroon ng ginto.+

15 Mas mahalaga ito kaysa sa mga korales;*

Anumang bagay na gustuhin mo ay hindi maipapantay rito.

16 Nasa kanang kamay nito ang mahabang buhay

At nasa kaliwang kamay ang kayamanan at kaluwalhatian.

17 Kasiya-siya ang mga daan nito,

At may kapayapaan sa lahat ng landas nito.+

18 Ito ay punongkahoy ng buhay para sa mga nagtataglay nito,

At magiging maligaya ang mga nanghahawakan dito.+

19 Inilagay ni Jehova ang pundasyon ng lupa sa pamamagitan ng karunungan.+

Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.+

20 Dahil sa kaniyang kaalaman, nahati ang malalim na katubigan

At bumabagsak ang hamog mula sa maulap na kalangitan.+

21 Anak ko, lagi mong isaisip ang mga ito.*

Ingatan mo ang karunungan* at ang kakayahang mag-isip;

22 Ang mga ito ay magbibigay sa iyo ng buhay

At magiging isang magandang kuwintas sa iyong leeg;

23 At panatag kang lalakad sa iyong mga daan,

At hindi ka matatalisod.*+

24 Kapag humiga ka, hindi ka matatakot;+

Hihiga ka at makakatulog nang mahimbing.+

25 Hindi ka matatakot sa biglaang sakuna+

O sa bagyong pumipinsala sa masasama.+

26 Dahil talagang makapagtitiwala ka kay Jehova;+

Hindi niya hahayaang mabitag ang iyong paa.+

27 Huwag mong ipagkait ang mabuti sa mga nangangailangan ng tulong*+

Kung kaya mo namang* gawin ito.+

28 Huwag mong sabihin sa kapuwa mo: “Umuwi ka na, bumalik ka bukas at bibigyan kita,”

Kung maibibigay mo naman ito ngayon.

29 Huwag kang magplano ng masama sa kapitbahay mo+

Na nagtitiwala sa iyo.

30 Huwag kang makipag-away sa isang tao nang walang dahilan+

Kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.+

31 Huwag kang mainggit sa taong marahas+

At huwag mong piliin ang alinman sa mga landas niya,

32 Dahil nasusuklam si Jehova sa mga mapanlinlang,+

Pero ang matuwid ay matalik niyang kaibigan.+

33 Isinusumpa ni Jehova ang bahay ng masasama,+

Pero pinagpapala niya ang tahanan ng mga matuwid.+

34 Hinahamak niya ang mga manlalait+

Pero pinapaboran ang maaamo.+

35 Karangalan ang tatanggapin ng marurunong,

Pero kasiraang-puri ang itinataguyod ng mga mangmang.+

4 Makinig kayo, mga anak ko, sa disiplina ng isang ama;+

Magbigay-pansin kayo para magkaroon ng unawa,

 2 Dahil bibigyan ko kayo ng mahuhusay na tagubilin;

Huwag ninyong itakwil ang turo* ko.+

 3 Naging mabuting anak ako sa aking ama,+

At pinakamamahal ako ng aking ina.+

 4 Tinuruan niya* ako at sinabi: “Buong puso mo sanang sundin ang mga salita ko.+

Tuparin mo ang mga utos ko, at patuloy kang mabubuhay.+

 5 Kumuha ka ng karunungan, kumuha ka ng unawa.+

Huwag mong kalimutan ang pananalita ko, at huwag kang lumihis mula rito.

 6 Huwag mo itong itakwil, at ipagsasanggalang ka nito.

Ibigin mo ito, at iingatan ka nito.

 7 Karunungan ang pinakamahalagang* bagay,+ kaya kumuha ka ng karunungan,

At sa lahat ng dapat mong kunin, tiyakin mong makuha ang unawa.+

 8 Lubos mo itong pahalagahan, at itataas ka nito.+

Pararangalan ka nito dahil niyakap mo ito.+

 9 Lalagyan ka nito ng magandang putong* sa ulo;

Ipapatong nito sa iyong ulo ang korona ng kagandahan.”

10 Makinig ka, anak ko, at tanggapin mo ang pananalita ko,

At darami ang mga taon ng buhay mo.+

11 Tuturuan kitang lumakad nang may karunungan;+

Aakayin kita sa landas ng katuwiran.+

12 Kapag lumalakad ka, ang iyong hakbang ay hindi mapipigilan;

At kung tatakbo ka, hindi ka matitisod.

13 Manghawakan ka sa disiplina; huwag mo itong bitiwan.+

Ingatan mo ito, dahil nakadepende rito ang iyong buhay.+

14 Huwag mong tahakin ang landas ng kasamaan,

At huwag kang lumakad sa daan ng masasama.+

15 Iwasan mo iyon at huwag piliin;+

Lumayo ka roon, at lampasan mo iyon.+

16 Dahil hindi sila makatulog hangga’t hindi sila nakagagawa ng masama.

Hindi sila makatulog hangga’t wala silang naipapahamak.

17 Kinakain nila ang tinapay ng kasamaan

At iniinom ang alak ng karahasan.

18 Pero ang landas ng mga matuwid ay gaya ng maningning na liwanag sa umaga,

Na patuloy na lumiliwanag hanggang sa katanghaliang-tapat.+

19 Ang daan ng masasama ay gaya ng kadiliman;

Hindi nila alam kung ano ang nakatisod sa kanila.

20 Anak ko, magbigay-pansin ka sa mga salita ko;

Makinig kang mabuti* sa sinasabi ko.

21 Lagi mong isaisip iyon;

Isapuso mo iyon,+

22 Dahil iyon ay buhay para sa mga nakakahanap nito+

At kalusugan para sa buong katawan* nila.

23 Sa lahat ng dapat mong ingatan, ingatan mo ang iyong puso,+

Dahil dito nagmumula ang bukal ng buhay.

24 Iwasan mo ang di-tapat na pananalita,+

At alisin mo ang panlilinlang sa iyong bibig.

25 Itutok mo ang iyong paningin sa harapan,

Oo, tumitig ka* sa unahan.+

26 Patagin mo* ang landas ng mga paa mo,+

At magiging tuwid ang lahat ng iyong lakad.

27 Huwag kang liliko sa kanan o kaliwa.+

Ilayo mo sa kasamaan ang iyong mga paa.

5 Anak ko, bigyang-pansin mo ang karunungan ko.

Makinig kang mabuti* sa kaunawaan ko,+

 2 Para mabantayan mo ang kakayahan mong mag-isip

At katotohanan* ang laging lumabas sa iyong bibig.+

 3 Dahil ang pananalita* ng masamang* babae ay matamis na gaya ng pulot-pukyutan+

At mas madulas kaysa sa langis.+

 4 Pero sa huli, siya pala ay kasimpait ng halamang ahenho+

At kasintalas ng espada na may dalawang talim.+

 5 Ang mga paa niya ay papunta sa kamatayan.

Ang mga hakbang niya ay umaakay sa Libingan.*

 6 Hindi niya inaalam ang daan patungo sa buhay.

Pagala-gala siya at hindi niya alam kung saan siya papunta.

 7 Kaya mga anak, makinig kayo sa akin,

At huwag kayong lumihis sa sinasabi ko.

 8 Lumayo ka sa kaniya;

Huwag kang lumapit sa pasukan ng bahay niya,+

 9 Para hindi mo maiwala ang iyong dangal+

At hindi ka magdusa habambuhay;+

10 Para hindi maubos ng mga estranghero ang mga tinataglay* mo+

At hindi mapunta sa bahay ng banyaga ang mga pinaghirapan mo.

11 Kung hindi, daraing ka sa huling bahagi ng buhay mo

Kapag nanghihina na ang iyong laman at katawan+

12 At sasabihin mo: “Bakit ko ba tinanggihan* ang disiplina?

Bakit hinamak ng puso ko ang pagsaway?

13 Hindi ako nakinig sa tinig ng mga tagapagturo ko,

At hindi ako nagbigay-pansin sa aking mga guro.

14 Umabot ako sa bingit ng kapahamakan

Sa harapan ng buong kongregasyon.”*+

15 Uminom ka ng tubig mula sa sarili mong imbakan

At ng sariwang* tubig mula sa sarili mong balon.+

16 Dapat bang kumalat sa labas ang iyong mga bukal

At umabot sa liwasan* ang mga daloy ng iyong tubig?+

17 Para sa iyo lang iyon

At hindi para sa ibang tao.+

18 Pagpalain nawa ang iyong bukal ng tubig,

At masiyahan ka nawa sa iyong asawa mula pa noong kabataan mo,+

19 Isang mapagmahal na babaeng usa, isang mapanghalinang kambing-bundok.*+

Masiyahan* ka sa kaniyang dibdib sa lahat ng panahon.

Lagi ka nawang mabihag ng pag-ibig niya.+

20 Kaya anak ko, bakit ka magpapabihag sa isang masamang* babae

O yayakap sa imoral na* babae?+

21 Dahil nakikita ni Jehova ang lakad ng tao;

Sinusuri niya ang lahat ng landas nito.+

22 Ang masama ay nabibitag ng sarili niyang mga pagkakamali,

At mahuhuli siya sa silo* ng sarili niyang kasalanan.+

23 Mamamatay siya dahil sa kawalan ng disiplina

At maliligaw dahil sa sobrang kamangmangan.

6 Anak ko, kung ginarantiyahan mo ang kapuwa mo,*+

Kung nakipagkamay* ka sa isang estranghero,+

 2 Kung nabitag ka ng sarili mong pangako

At nasilo ng pananalita ng iyong bibig,+

 3 Gawin mo ito, anak ko, para makalaya ka,

Dahil nahulog ka sa kamay ng iyong kapuwa:

Magpakumbaba ka at magmakaawa agad sa iyong kapuwa.+

 4 Huwag mong ipikit ang mga mata mo para matulog,

At huwag mong hayaang sumara ang mga talukap nito.

 5 Iligtas mo ang sarili mo na gaya ng gasela* sa kamay ng mangangaso

At gaya ng isang ibon sa kamay ng manghuhuli ng ibon.

 6 Matuto ka sa langgam, ikaw na tamad;+

Tingnan mong mabuti ang ginagawa nito at magiging marunong ka.

 7 Kahit wala itong kumandante, opisyal, o tagapamahala,

 8 Nag-iimbak ito ng pagkain kapag tag-araw,+

At nagtitipon ito ng pagkain sa panahon ng pag-aani.

 9 Ikaw na tamad, hanggang kailan ka hihiga riyan?

Kailan ka babangon mula sa pagtulog?

10 Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,

Kaunti pang paghahalukipkip para magpahinga,+

11 At biglang darating sa iyo ang kahirapan na parang magnanakaw,

At ang kakapusan na parang armadong lalaki.+

12 Di-tapat ang pananalita ng isang taong walang kabuluhan at masama;+

13 Kumikindat siya,+ sumesenyas gamit ang paa, at ipinantuturo ang mga daliri niya.

14 Masama ang puso niya,

Kaya lagi siyang nagpapakana ng masama+ at naghahasik ng pagtatalo.+

15 Kaya bigla na lang siyang mapapahamak;

Sa isang iglap, mapipinsala siya at hindi na gagaling.+

16 May anim na bagay na kinapopootan si Jehova;

Oo, pitong bagay na kasuklam-suklam sa kaniya:

17 Mapagmataas na mga mata,+ sinungaling na dila,+ at mga kamay na pumapatay ng inosente,+

18 Pusong nagpapakana ng nakapipinsala,+ at mga paang nagmamadali sa paggawa ng masama,

19 Isang testigo na laging nagsisinungaling,+

At sinumang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.+

20 Anak ko, sundin mo ang utos ng iyong ama,

At huwag mong kalimutan ang tagubilin* ng iyong ina.+

21 Lagi mong isapuso ang mga iyon;

Itali mo ang mga iyon sa leeg mo.

22 Kapag lumalakad ka, papatnubayan ka nito;

Kapag nakahiga ka, babantayan ka nito;

At kapag gisíng ka na, tuturuan* ka nito.

23 Dahil ang utos ay isang lampara,+

At ang kautusan ay liwanag,+

At ang pagsaway at disiplina ay daan ng buhay.+

24 Iingatan ka ng mga ito mula sa masamang babae,+

Mula sa mapang-akit na pananalita ng imoral na* babae.+

25 Huwag mong nasain sa iyong puso ang kagandahan niya,+

At huwag kang magpabihag sa mapang-akit niyang mata,

26 Dahil tinapay lang ang natitira sa isang lalaki kapag sumiping siya sa isang babaeng bayaran,+

Pero mahalagang buhay ang nawawala kapag sumiping siya sa asawa ng ibang lalaki.

27 Makapaglalagay ba ng apoy ang isang tao sa dibdib niya nang hindi nasusunog ang damit niya?+

28 O makalalakad ba ang isang tao sa ibabaw ng mga baga nang hindi napapaso ang mga paa niya?

29 Ganiyan din ang sinumang nakikipagtalik sa asawa ng kapuwa niya;

Tiyak na mapaparusahan ang sinumang sumisiping dito.*+

30 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw

Kapag nagnakaw siya para masapatan ang gutom niya.

31 Pero kapag nahuli siya, ibabalik niya ito nang pitong ulit;

Ibibigay niya ang lahat ng mahahalagang gamit sa bahay niya.+

32 Ang nangangalunya sa isang babae ay kulang sa unawa;*

Ang gumagawa nito ay nagpapahamak sa sarili niya.+

33 Kirot* at kasiraang-puri lang ang mapapala niya,+

At hindi mabubura ang kahihiyan niya.+

34 Dahil nagpapagalit sa asawang lalaki ang selos;

Hindi siya magpapakita ng awa kapag naghiganti siya.+

35 Hindi siya tatanggap ng bayad;*

Hindi mapahuhupa ang galit niya gaano man kalaki ang regalo mo.

7 Anak ko, sundin mo ang mga sinasabi ko,

At pahalagahan* mo ang mga utos ko.+

 2 Sundin mo ang mga utos ko, at patuloy kang mabubuhay;+

Ingatan mo ang tagubilin* ko na gaya ng itim ng iyong mata.

 3 Itali mo ang mga iyon sa mga daliri mo

At isulat sa puso* mo.+

 4 Sabihin mo sa karunungan, “Kapatid kitang babae,”

At tawagin mong kamag-anak ang unawa,

 5 Para maingatan ka mula sa masamang* babae,+

Mula sa imoral na* babae at sa mapang-akit* niyang pananalita.+

 6 Mula sa bintana ng bahay ko,

Mula sa sala-sala ay dumungaw ako;

 7 At habang pinagmamasdan ko ang mga walang karanasan,*

Nakita ko sa isang grupo ng kabataan ang isang lalaki na kulang sa unawa.*+

 8 Dumaan siya malapit sa kanto ng bahay ng babae

At naglakad sa direksiyon ng tirahan nito

 9 Sa takipsilim, bago gumabi,+

Habang nag-aagaw ang liwanag at dilim.

10 At nakita kong sinalubong siya ng isang babae;

Tuso ito* at nakabihis na gaya* ng babaeng bayaran.+

11 Ang babae ay maingay at palaban.+

Lagi siyang wala* sa bahay.

12 Nasa lansangan siya at mayamaya lang ay nasa liwasan* na;

Nag-aabang siya nang palihim sa bawat kanto.+

13 Sinunggaban niya ang lalaki at hinalikan;

Hindi siya nahiyang sabihin:

14 “Kinailangan kong maghandog ng mga haing pansalo-salo.+

Tinupad ko ngayon ang mga panata ko.

15 Kaya naman lumabas ako para salubungin ka,

Para hanapin ka, at nakita nga kita!

16 Magagandang tela ang inilatag ko sa aking kama,

Makukulay na lino mula sa Ehipto.+

17 Nilagyan ko ang kama ko ng mira, aloe, at kanela.*+

18 Halika, magpakalango tayo sa ating pag-ibig hanggang umaga;

Masiyahan tayo sa init ng ating pagmamahalan,

19 Dahil wala sa bahay ang asawa ko,

At malayo ang pinuntahan niya.

20 May dala siyang pera,

At hindi siya uuwi hanggang sa kabilugan ng buwan.”

21 Nailigaw niya ito sa husay niyang manghikayat.+

Tinukso niya ito ng kaniyang mapang-akit* na pananalita.

22 Sumunod ito agad sa kaniya, gaya ng toro na papunta sa katayan,

Gaya ng mangmang na paparusahan sa pangawan,+

23 Hanggang sa matuhog ng pana ang atay nito;

Gaya ng ibong nagmamadali sa pagpasok sa bitag, hindi alam ng lalaki na ang kapalit nito ay buhay niya.+

24 Kaya ngayon, mga anak ko, makinig kayo sa akin;

Bigyang-pansin ninyo ang sinasabi ko.

25 Huwag mong hayaang maakit ang puso mo sa mga daan niya.

Huwag kang gumala-gala sa kaniyang mga landas,+

26 Dahil marami na siyang naipahamak,+

At marami na siyang napatay.+

27 Ang bahay niya ay umaakay sa Libingan;*

Pababa ito sa madidilim na silid ng kamatayan.

8 Hindi ba’t tumatawag ang karunungan?

Hindi ba’t humihiyaw ang kaunawaan?+

 2 Nakapuwesto ito sa sangandaan,

Sa mataas na bahagi+ ng kalsada.

 3 Sa tabi ng mga pintuang-daan ng lunsod,

Sa mga pasukan,

Patuloy itong sumisigaw:+

 4 “O mga tao, tinatawag ko kayo;

Ang panawagan ko ay para sa lahat.*

 5 Kayong mga walang karanasan, sikapin ninyong maging matalino;+

Kayong mga mangmang, sikapin ninyong magkaroon ng pusong may unawa.*

 6 Makinig kayo dahil mahalaga ang sasabihin ko,

Sinasabi ng mga labi ko kung ano ang tama;

 7 Dahil mahinahong binibigkas ng bibig ko ang katotohanan,

At kinasusuklaman ng mga labi ko ang kasamaan.

 8 Ang lahat ng lumalabas sa bibig ko ay matuwid,

Walang anumang pilipit o liko.

 9 Ang lahat ng iyon ay tuwid para sa mga may unawa

At tama para sa mga nakatagpo ng kaalaman.

10 Piliin mo ang disiplina ko sa halip na pilak

At ang kaalaman sa halip na pinakamagandang klase ng ginto,+

11 Dahil ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa mga korales;*

Hindi maipapantay rito ang anumang kanais-nais na bagay.

12 Ako, ang karunungan, ay naninirahang kasama ng katalinuhan;

Natagpuan ko ang kaalaman at kakayahang mag-isip.+

13 Ang pagkatakot kay Jehova ay pagkapoot sa masama.+

Napopoot ako sa pagtataas ng sarili, pagmamapuri,+ masamang paggawi, at di-tapat na pananalita.+

14 Mayroon akong magagandang payo at karunungan;*+

Nasa akin ang unawa+ at kapangyarihan.+

15 Dahil sa akin, patuloy na namamahala ang mga hari

At gumagawa ng makatarungang mga batas ang matataas na opisyal.+

16 Dahil sa akin, patuloy na namamahala ang mga prinsipe

At humahatol nang matuwid ang mga prominenteng tao.

17 Mahal ko ang mga nagmamahal sa akin,

At makikita ako ng mga humahanap sa akin.+

18 Nasa akin ang kayamanan at kaluwalhatian,

Kayamanang nagtatagal* at katuwiran.

19 Ang bunga ko ay mas mabuti kaysa sa ginto, kahit sa dinalisay na ginto,

At ang naibibigay ko ay mas mabuti kaysa sa pinakamagandang klase ng pilak.+

20 Lumalakad ako sa landas ng katuwiran,

Sa gitna ng mga daan ng katarungan;

21 Binibigyan ko ng malaking mana ang mga nagmamahal sa akin,

At pinupuno ko ang mga imbakan nila.

22 Si Jehova ang gumawa sa akin bilang pasimula ng paglikha niya,+

Ang pinakauna sa lahat ng nagawa niya noong sinaunang panahon.+

23 Itinalaga na ako mula pa noong unang panahon,*+

Mula nang pasimula, mula nang mga panahong nauna pa sa lupa.+

24 Noong wala pang malalim na katubigan,+ ipinanganak na ako,*

Noong wala pang mga bukal na nag-uumapaw sa tubig.

25 Bago pa maitatag ang mga bundok,

Bago pa magkaroon ng mga burol, ipinanganak na ako,

26 Noong hindi pa niya ginagawa ang lupa at mga parang nito

O ang unang mga limpak ng lupa.

27 Nang ihanda niya ang langit,+ naroon ako;

Nang markahan niya ang hangganan sa pagitan ng langit at tubig,*+

28 Nang ilatag* niya ang mga ulap sa itaas,

Nang punuin niya ang mga bukal ng malalim na katubigan,

29 Nang bigyan niya ng batas ang dagat,

Na hindi dapat lumampas ang tubig nito sa itinakda niyang hangganan,*+

Nang ilagay niya ang mga pundasyon ng lupa,

30 Nasa tabi niya ako noon bilang isang dalubhasang manggagawa.+

Gustong-gusto niya akong kasama+ sa araw-araw;

Masayang-masaya ako sa piling niya sa lahat ng panahon;+

31 Masayang-masaya ako nang makita ko ang lupang titirhan ng tao,

At espesyal para sa akin ang* mga anak ng tao.*

32 Kaya ngayon, mga anak ko, makinig kayo sa akin;

Oo, maligaya ang mga lumalakad sa mga daan ko.

33 Makinig kayo sa disiplina+ at magiging marunong kayo,

At huwag ninyo itong babale-walain.

34 Maligaya ang taong nakikinig sa akin,

Ang pumupunta nang maaga* sa pintuan ko araw-araw,

Ang naghihintay sa tabi ng poste ng aking pinto;

35 Dahil magkakaroon siya ng buhay kapag natagpuan niya ako,+

At sasang-ayunan siya ni Jehova.

36 Pero ang nagwawalang-bahala sa akin ay nagpapahamak sa sarili niya,

At ang mga napopoot sa akin ay umiibig sa kamatayan.”+

9 Ang tunay na karunungan ay nagtayo ng kaniyang bahay;

Gumawa* siya ng pitong haligi para dito.

 2 Naihanda na niya ang kaniyang karne;*

Natimplahan na niya ang kaniyang alak;

Naayos na rin niya ang kaniyang mesa.

 3 Inutusan niya ang mga lingkod niyang babae

Na pumunta sa mataas na lugar ng lunsod para magtawag:+

 4 “Pumunta rito ang sinumang walang karanasan.”

Sinasabi niya sa kulang sa unawa:*

 5 “Halika, kumain ka ng tinapay ko

At uminom ka ng tinimplahan kong alak.

 6 Iwanan mo ang pagiging walang karanasan* at patuloy kang mabubuhay;+

Lumakad ka nang may unawa.”+

 7 Kahihiyan ang naghihintay sa nagtutuwid sa manunuya,+

At masasaktan lang ang sumasaway sa masamang tao.

 8 Huwag mong sawayin ang manunuya dahil magagalit lang siya sa iyo.+

Sawayin mo ang marunong, at mamahalin ka niya.+

 9 Turuan mo ang marunong, at magiging mas marunong pa siya.+

Turuan mo ang matuwid, at lalago ang kaalaman niya.

10 Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng karunungan,+

At ang kaalaman tungkol sa Kabanal-banalan+ ay nagbibigay ng unawa.

11 Dahil sa akin, darami ang mga araw mo+

At madaragdagan ang mga taon ng buhay mo.

12 Kung magiging marunong ka, ikaw rin ang makikinabang,

Pero kung manunuya ka, ikaw lang ang magdurusa.

13 Ang babaeng mangmang ay maingay.+

Ignorante siya at walang kaalam-alam.

14 Umuupo siya sa pasukan ng bahay niya,

Na nasa mataas na lugar ng lunsod;+

15 Tinatawag niya ang mga dumadaan,

Ang mga may kani-kaniyang pupuntahan:

16 “Pumunta rito ang sinumang walang karanasan.”

Sinasabi niya sa mga kulang sa unawa:*+

17 “Matamis ang nakaw na tubig,

At masarap ang pagkaing palihim na kinain.”+

18 Pero hindi nila alam na mga patay ang nasa bahay niya,

Na ang mga bisita niya ay nasa kailaliman na ng Libingan.*+

10 Mga kawikaan ni Solomon.+

Ang marunong na anak ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+

Pero ang mangmang na anak ay nagpapahirap sa kaniyang ina.

 2 Walang silbi ang kayamanang nakuha sa masamang paraan,

Pero katuwiran* ang nagliligtas mula sa kamatayan.+

 3 Hindi hahayaan ni Jehova na magutom ang mga matuwid,+

Pero ipagkakait niya sa masasama ang mga gusto nila.

 4 Kahirapan ang dulot ng kamay na tamad,+

Pero yaman ang dala ng kamay na masipag.+

 5 Ang anak na may kaunawaan ay nagtitipon ng ani sa tag-araw,

Pero ang anak na kahiya-hiya ay natutulog nang mahimbing sa panahon ng pag-aani.+

 6 Mga pagpapala ang nasa ulo ng matuwid,+

Pero itinatago ng bibig ng masama ang karahasan.

 7 Ang reputasyon ng* matuwid ay magdudulot ng pagpapala,+

Pero ang pangalan ng masama ay mabubulok.+

 8 Ang marunong* ay tatanggap ng tagubilin,*+

Pero ang nagsasalita nang may kamangmangan ay aapak-apakan.+

 9 Ang mga lumalakad nang tapat ay panatag,+

Pero ang mga liko ang daan ay malalantad.+

10 Ang kumikindat para manlinlang ay magdudulot ng kirot,+

At ang nagsasalita nang may kamangmangan ay aapak-apakan.+

11 Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay,+

Pero itinatago ng bibig ng masama ang karahasan.+

12 Poot ang pinagmumulan ng mga pagtatalo,

Pero pag-ibig ang nagtatakip sa lahat ng kasalanan.+

13 Karunungan ang nasa mga labi ng may kaunawaan,+

Pero ang pamalo ay para sa kulang sa unawa.*+

14 Ang marunong ay nagpapahalaga* sa kaalaman,+

Pero ang bibig ng mangmang ay nagdadala ng kapahamakan.+

15 Ang kayamanan* ng mayaman ang proteksiyon* niya.

Kahirapan ang nagpapahamak sa dukha.+

16 Ang ginagawa ng matuwid ay umaakay sa buhay,

Pero ang bunga ng masama ay umaakay sa kasalanan.+

17 Ang nakikinig sa disiplina ay umaakay sa mga tao sa daan ng buhay,*

Pero ang nagwawalang-bahala sa saway ay nagiging dahilan para maligaw ang iba.

18 Ang taong may itinatagong poot ay nagsisinungaling,+

At ang nagkakalat ng paninira* ay mangmang.

19 Kapag maraming sinasabi, hindi maiiwasang magkamali,+

Pero ang nagpipigil ng kaniyang dila* ay matalino.+

20 Gaya ng pinakamagandang klase ng pilak ang dila ng matuwid,+

Pero maliit ang halaga ng puso ng masama.

21 Ang salita ng matuwid ay nagpapalusog* sa marami,+

Pero ang mangmang ay namamatay dahil sa kakulangan ng unawa.+

22 Ang pagpapala ni Jehova ang nagpapayaman,+

At hindi niya iyon dinaragdagan ng kirot.*

23 Para sa mangmang, ang paggawi nang kahiya-hiya ay parang laro lang,

Pero ang karunungan ay taglay ng taong may kaunawaan.+

24 Ang kinatatakutan ng masama ay mangyayari sa kaniya,

Pero ang ninanais ng matuwid ay ipagkakaloob sa kaniya.+

25 Pagdaan ng bagyo, mawawala na ang masama,+

Pero ang matuwid ay gaya ng pundasyon na hindi magigiba kailanman.+

26 Gaya ng sukà sa mga ngipin at usok sa mga mata,

Ganiyan ang taong tamad para sa amo niya.*

27 Ang pagkatakot kay Jehova ay nagpapahaba ng buhay,+

Pero ang mga taon ng masasama ay paiikliin.+

28 Ang inaasam* ng mga matuwid ay nagpapasaya sa kanila,+

Pero ang pag-asa ng masasama ay maglalaho.+

29 Ang daan ni Jehova ay kanlungan para sa walang kapintasan,+

Pero kapahamakan ito para sa mga gumagawa ng masama.+

30 Ang matuwid ay hindi kailanman babagsak,+

Pero ang masama ay hindi na maninirahan sa lupa.+

31 Ang bibig ng matuwid ay pinagmumulan* ng karunungan,

Pero ang di-tapat na* dila ay puputulin.

32 Alam ng mga labi ng matuwid kung ano ang kanais-nais,

Pero ang bibig ng masama ay di-tapat.*

11 Ang madayang timbangan ay kasuklam-suklam kay Jehova,

Pero ang wastong panimbang* ay kalugod-lugod sa kaniya.+

 2 Kapag may kapangahasan, susunod ang kahihiyan,+

Pero ang karunungan ay nasa mga mapagpakumbaba.*+

 3 Ang katapatan ng mga matuwid ang gumagabay sa kanila,+

Pero ang katusuhan ng mga mapanlinlang ang sisira sa kanila.+

 4 Ang yaman* ay walang silbi sa araw ng poot,+

Pero ang pagiging matuwid ang magliligtas mula sa kamatayan.+

 5 Ang pagiging matuwid ng taong walang kapintasan ay magtutuwid sa kaniyang landas,

Pero ang masama ay matitisod dahil sa sarili niyang kasamaan.+

 6 Ang pagiging matuwid ng mga tapat ay magliligtas sa kanila,+

Pero ang mga mapanlinlang ay mabibitag ng sarili nilang pagnanasa.+

 7 Kapag namatay ang masama, maglalaho ang pag-asa niya;

At ang pagtitiwala niya sa sarili niyang lakas ay mawawalan din ng kabuluhan.+

 8 Ang matuwid ay inililigtas mula sa kapahamakan,

At ang masama ang pumapalit sa kaniya.+

 9 Sa pamamagitan ng bibig, ipinapahamak ng apostata* ang kapuwa niya,

Pero naililigtas ng kaalaman ang matuwid.+

10 Ang kabutihan ng mga matuwid ay nagpapasaya sa lunsod,

At kapag namatay ang masasama, may maririnig na hiyaw ng kagalakan.+

11 Dahil sa pagpapala ng mga matuwid, nagiging dakila* ang isang lunsod;+

Pero dahil sa bibig ng masasama, nagigiba ito.+

12 Ang kulang sa unawa* ay humahamak* sa kapuwa niya,

Pero ang taong may malawak* na kaunawaan ay nananatiling tahimik.+

13 Ang maninirang-puri ay gumagala para magbunyag ng mga sekreto,+

Pero ang mapagkakatiwalaan* ay marunong mag-ingat ng kompidensiyal na mga bagay.*

14 Kung walang mahusay na patnubay, ang bayan ay bumabagsak,

Pero may tagumpay* kapag marami ang tagapayo.+

15 Ang gumagarantiya sa utang ng* estranghero ay siguradong mapapasamâ,+

Pero ang hindi nakikipagkamay para sa isang kasunduan* ay panatag.

16 Ang babaeng may magandang-loob* ay umaani ng karangalan,+

Pero ang malulupit* ay nang-aagaw ng yaman.

17 Kapag mabait* ang isang tao, siya mismo ang nakikinabang;+

Pero kapag malupit ang isa, siya mismo ang napapahamak.*+

18 Walang halaga ang kabayarang nakukuha ng masama,+

Pero tunay na gantimpala ang natatanggap ng naghahasik ng kabutihan.*+

19 Ang naninindigan sa tama ay nakahanay sa buhay,+

Pero ang gumagawa ng masama ay patungo sa kamatayan.

20 Ang mga masama ang puso ay kasuklam-suklam kay Jehova,+

Pero ang mga walang kapintasan ang lakad ay kalugod-lugod sa kaniya.+

21 Ang masama ay siguradong mapaparusahan,+

Pero ang mga anak ng matuwid ay tiyak na makatatakas.

22 Ang magandang babae na hindi maingat sa pagdedesisyon*

Ay gaya ng gintong singsing sa nguso ng baboy.

23 Ang hinahangad ng matuwid ay nagbubunga ng mabuti,+

Pero ang inaasam ng masama ay umaakay sa poot.

24 Ang saganang nagbibigay ay lalong nagiging sagana,+

Pero ang nagkakait ng dapat niyang ibigay ay naghihirap.+

25 Ang taong* bukas-palad ay sasagana,*+

At ang nagpapaginhawa* sa iba ay magiginhawahan din.+

26 Susumpain ng bayan ang nagkakait ng butil,

Pero pagpapalain nila ang nagbebenta nito.

27 Ang nagsisikap gumawa ng mabuti ay tatanggap ng kabutihan,*+

Pero ang naghahanap ng kasamaan—ito mismo ang aanihin niya.+

28 Ang nagtitiwala sa yaman niya ay mabubuwal,+

Pero ang matuwid ay lalago na gaya ng mga dahon.+

29 Ang nagdadala ng problema* sa sambahayan niya ay walang mamanahin,*+

At ang mangmang ay magiging lingkod ng marunong.*

30 Ang bunga ng matuwid ay gaya ng punongkahoy ng buhay,+

At ang nakahihikayat sa iba na gumawa ng mabuti ay marunong.+

31 Oo, kung ang matuwid sa lupa ay gagantihan,

Lalo na ang masama at ang makasalanan!+

12 Ang umiibig sa disiplina ay umiibig sa kaalaman,+

Pero ang napopoot sa saway ay walang unawa.+

 2 Ang mabuting tao ay sinasang-ayunan ni Jehova,

Pero hinahatulan Niya ang nagpapakana ng masama.+

 3 Walang tao ang nagiging panatag dahil sa kasamaan,+

Pero ang matuwid ay hindi kailanman mabubuwal.*

 4 Ang mahusay na* asawang babae ay korona sa asawa niya,+

Pero ang asawang babaeng gumagawi nang kahiya-hiya ay parang kabulukan sa mga buto nito.+

 5 Ang kaisipan ng mga matuwid ay makatarungan,

Pero ang payo ng masasama ay mapandaya.

 6 Ang mga salita ng masasama ay gaya ng taong nag-aabang para pumatay,*+

Pero ang bibig ng mga matuwid ay nagliligtas.+

 7 Kapag pinabagsak ang masasama, lubusan na silang mawawala,

Pero ang bahay ng mga matuwid ay mananatiling nakatayo.+

 8 Pinupuri ang isang tao dahil maingat siyang magsalita,+

Pero hinahamak ang may pilipit na puso.+

 9 Mas mabuti pang maging di-kilala pero may tagapaglingkod

Kaysa maging mayabang pero wala namang makain.*+

10 Inaalagaan ng matuwid ang alaga niyang hayop,*+

Pero kahit ang awa ng masama ay malupit pa rin.

11 Ang nagsasaka ng lupa niya ay mabubusog,+

Pero ang naghahabol sa walang-kabuluhang mga bagay ay kulang sa unawa.*

12 Kinaiinggitan ng masama ang nahuli ng ibang masasama,

Pero ang matuwid ay gaya ng puno na malalim ang ugat at nagbubunga.

13 Ang masama ay nabibitag ng makasalanan niyang pananalita,+

Pero ang matuwid ay nakatatakas sa pagdurusa.

14 Napapabuti ang isang tao dahil sa pananalita* niya,+

At pinagpapala siya dahil sa mga gawa ng kamay niya.

15 Ang lakad ng mangmang ay tama sa paningin niya,+

Pero ang marunong ay tumatanggap ng payo.+

16 Ang mangmang ay nagpapakita agad ng pagkainis,*+

Pero hindi pinapansin* ng marunong ang insulto.

17 Ang tapat na testigo ay magsasabi ng katotohanan,*

Pero ang sinungaling na testigo ay nanlilinlang.

18 Ang mga salitang hindi pinag-isipan ay gaya ng mga saksak ng espada,

Pero ang dila ng marurunong ay nagpapagaling.+

19 Ang mga labi na nagsasabi ng katotohanan ay mananatili magpakailanman,+

Pero ang dilang nagsisinungaling ay hindi magtatagal.+

20 Ang panlilinlang ay nasa puso ng mga nagpaplano ng masama,

Pero may kagalakan ang mga nagtataguyod* ng kapayapaan.+

21 Walang mangyayaring masama sa matuwid,+

Pero ang buhay ng masasama ay mapupuno ng kapahamakan.+

22 Ang sinungaling na mga labi ay kasuklam-suklam kay Jehova,+

Pero ang mga tapat ay kalugod-lugod sa kaniya.

23 Hindi sinasabi ng marunong ang nalalaman niya,

Pero inilalabas ng mangmang* ang sarili niyang kamangmangan.+

24 Ang kamay ng masisipag ay mamamahala,+

Pero ang kamay ng mga tamad ay magiging alipin.+

25 Ang sobrang pag-aalala ay nagpapabigat sa puso ng* tao,+

Pero ang positibong salita ay nagpapasaya rito.+

26 Sinusuri ng matuwid ang mga pastulan niya,

Pero ang landas ng masasama ang nagliligaw sa kanila.

27 Hindi hinahabol ng tamad ang huhulihin niyang hayop,+

Pero ang kasipagan ay mahalagang yaman ng isang tao.

28 Ang landas ng katuwiran ay umaakay sa buhay;+

Walang kamatayan sa daang ito.

13 Tinatanggap ng marunong na anak ang disiplina ng kaniyang ama,+

Pero ang mapagmataas* ay hindi nakikinig sa saway.*+

 2 Kakainin ng isang tao ang mabubuting bunga ng kaniyang pananalita,*+

Pero ang hinahangad* ng mapanlinlang ay umaakay sa karahasan.

 3 Ang taong nagbabantay sa kaniyang bibig* ay nag-iingat ng buhay niya,+

Pero ang taong hindi kumokontrol sa mga labi niya ay mapapahamak.+

 4 Naghahangad ang tamad pero wala siyang nakukuha,+

Pero ang masipag ay talagang masisiyahan.*+

 5 Ang matuwid ay napopoot sa kasinungalingan,+

Pero ang ginagawa ng masama ay nagdudulot ng kahihiyan at kadustaan.

 6 Ang katuwiran ay nag-iingat sa walang-sala,+

Pero ang kasamaan ay nagpapabagsak sa makasalanan.

 7 May nagkukunwaring mayaman pero walang-wala naman;+

May nagkukunwaring mahirap pero napakayaman pala.

 8 Ang kayamanan ng isang tao ang pantubos niya sa kaniyang buhay,+

Pero ang mahirap ay hindi man lang nalalagay sa panganib.*+

 9 Ang liwanag ng mga matuwid ay nagniningning,*+

Pero ang lampara ng masasama ay papatayin.+

10 Ang mga pangahas ay lumilikha lang ng away,+

Pero ang marurunong ay humihingi ng payo.*+

11 Ang yaman na madaling nakuha* ay mauubos,+

Pero ang yaman na unti-unting tinipon* ay darami.

12 Ang inaasahan* na hindi nangyayari ay nagpapalungkot sa* puso,+

Pero ang hangaring natupad ay gaya ng punong nagbibigay-buhay.+

13 Ang humahamak sa tagubilin* ay mananagot,+

Pero ang nagpapahalaga sa utos ay pagpapalain.+

14 Ang turo* ng marunong ay bukal ng buhay;+

Ilalayo nito ang tao sa mga bitag ng kamatayan.

15 Kalugod-lugod ang may malalim na kaunawaan,

Pero punô ng problema ang landas ng mapandaya.

16 Ang marunong ay kumikilos nang may kaalaman,+

Pero ipinapakita ng mangmang ang sarili niyang kamangmangan.+

17 Ang masamang mensahero ay nagdudulot ng problema,+

Pero ang mensahe ng tapat na sugo ay nagpapagaling.+

18 Ang nagwawalang-bahala sa disiplina ay maghihirap at mapapahiya,

Pero ang tumatanggap sa pagtutuwid* ay pararangalan.+

19 Ang hangaring natupad ay nagpapasaya sa tao,+

Pero ayaw ng mangmang na lumayo sa kasamaan.+

20 Ang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong,+

Pero ang sumasama* sa mga mangmang ay mapapahamak.+

21 Ang mga makasalanan ay hinahabol ng kapahamakan,+

Pero ang mga matuwid ay pinagpapala ng kasaganaan.+

22 Ang mabuting tao ay may naipamamana sa mga apo niya,

Pero ang yaman ng makasalanan ay nakaimbak para sa matuwid.+

23 Ang bukid ng dukha ay namumunga ng saganang pagkain,

Pero puwede itong* maagaw dahil sa kawalan ng hustisya.

24 Ang hindi dumidisiplina* sa anak niya ay napopoot dito,+

Pero kung mahal ng magulang ang anak niya, tinitiyak niyang madisiplina ito.*+

25 Ang matuwid ay kumakain at nabubusog,+

Pero walang laman ang tiyan ng masama.+

14 Ang babae na talagang marunong ay nagpapatibay sa bahay* niya,+

Pero sinisira ito ng sariling mga kamay ng mangmang.

 2 Ang lumalakad nang tapat ay natatakot kay Jehova,

Pero ang taong liko ang landas* ay humahamak sa Kaniya.

 3 Ang mayabang na pananalita ng mga mangmang ay gaya ng pamalo,

Pero ang mga labi ng marurunong ay poprotekta sa kanila.

 4 Kapag walang baka, malinis ang sabsaban,

Pero nagiging sagana ang ani dahil sa lakas ng toro.

 5 Ang tapat na testigo ay hindi magsisinungaling,

Pero puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ng sinungaling na testigo.+

 6 Ang mayabang* ay naghahanap ng karunungan pero walang matagpuan,

Pero ang may unawa ay madaling makakuha ng kaalaman.+

 7 Huwag kang lalapit sa mangmang,

Dahil wala kang makukuhang kaalaman sa kaniyang mga labi.+

 8 Dahil sa karunungan, nauunawaan ng matalino ang daang tinatahak niya,

Pero ang mga mangmang ay nadadaya ng* sarili nilang kamangmangan.+

 9 Pinagtatawanan lang ng mga mangmang ang pagkakasala,*+

Pero ang mga matuwid ay handang makipagkasundo.*

10 Ang puso ang nakaaalam ng sarili nitong kirot,

At hindi mauunawaan ng iba ang nararamdaman nitong saya.

11 Ang bahay ng masasama ay wawasakin,+

Pero ang tolda ng mga matuwid ay magiging matatag.*

12 May daan na matuwid sa tingin ng isang tao,+

Pero kamatayan ang dulo nito.+

13 Kahit tumatawa ang isa, maaaring may kirot sa puso niya,

At ang pagsasaya ay puwedeng mauwi sa pamimighati.

14 Aanihin ng di-tapat* ang bunga ng landasin niya,+

Pero tatanggap ng gantimpala ang mabuting tao dahil sa mga ginagawa niya.+

15 Pinaniniwalaan ng walang karanasan* ang lahat ng naririnig niya,

Pero pinag-iisipan ng marunong ang bawat hakbang niya.+

16 Ang marunong ay maingat at lumalayo sa kasamaan,

Pero ang mangmang ay padalos-dalos* at sobra ang tiwala sa sarili.

17 Ang madaling magalit ay gumagawi nang may kamangmangan,+

Pero ang nag-iisip mabuti* ay kinapopootan.

18 Ang mga walang karanasan* ay magiging mangmang,

Pero ang matatalino ay kinokoronahan ng kaalaman.+

19 Ang masasama ay yuyukod sa harap ng mabubuti;

Ang masasama ay yuyukod sa mga pintuang-daan ng matuwid.

20 Ang dukha ay kinapopootan kahit ng malalapít sa kaniya,+

Pero maraming kaibigan ang taong mayaman.+

21 Ang humahamak sa kapuwa niya ay nagkakasala,

Pero maligaya ang nagmamalasakit sa mga dukha.+

22 Hindi ba mapapahamak ang mga nagpaplano ng masama?

Pero tapat na pag-ibig at katapatan ang tatanggapin ng mga nagsisikap gumawa ng mabuti.+

23 May pakinabang sa bawat pagsisikap,

Pero ang puro salita ay nauuwi sa kakapusan.+

24 Ang korona ng marurunong ay ang kayamanan nila,

Pero ang kamangmangan ng mga hangal ay umaakay sa higit pang kamangmangan.+

25 Ang tapat na testigo ay nagliligtas ng buhay,

Pero ang mapanlinlang na testigo ay laging nagsisinungaling.

26 Malaki ang tiwala kay Jehova ng taong natatakot sa Kaniya,+

Kaya magkakaroon ng kanlungan ang mga anak niya.+

27 Ang pagkatakot kay Jehova ay bukal ng buhay;

Inilalayo nito ang tao sa mga bitag ng kamatayan.

28 Ang malaking populasyon ay karangalan ng hari,+

Pero ang tagapamahalang walang sakop ay babagsak.

29 Ang taong hindi madaling magalit ay may malawak na kaunawaan,+

Pero nagpapakita ng kamangmangan ang maikli ang pasensiya.+

30 Ang mahinahong puso ay nagbibigay-buhay* sa katawan,

Pero ang inggit ay kabulukan sa mga buto.+

31 Ang nandaraya sa mahirap ay umiinsulto sa kaniyang Maylikha,+

Pero ang nagmamalasakit sa dukha ay lumuluwalhati sa Kaniya.+

32 Ang masama ay ibabagsak ng sarili niyang kasamaan,

Pero ang matuwid ay mapoprotektahan ng* kaniyang katapatan.+

33 Ang karunungan ay nananahimik sa puso ng taong may unawa,+

Pero inihahayag ito ng mga mangmang.

34 Napararangalan ang isang bansa dahil sa katuwiran,*+

Pero nagiging kahiya-hiya ang isang bayan dahil sa kasalanan.

35 Natutuwa ang hari sa lingkod na nagpapakita ng kaunawaan,+

Pero galit siya sa lingkod na kumikilos nang kahiya-hiya.+

15 Ang mahinahong sagot ay nakapapawi ng galit,+

Pero ang masakit na salita ay nakagagalit.+

 2 Ang dila ng marurunong ay mahusay sa paggamit ng kaalaman,+

Pero kamangmangan ang lumalabas sa bibig ng mga mangmang.

 3 Nakikita ni Jehova ang lahat ng bagay;*

Binabantayan niya ang masasama at mabubuti.+

 4 Ang mahinahong* dila ay punongkahoy ng buhay,+

Pero ang mapandayang dila ay nagdudulot ng pighati.*

 5 Binabale-wala ng mangmang ang disiplina ng kaniyang ama,+

Pero ang marunong ay tumatanggap ng pagtutuwid.*+

 6 Maraming kayamanan sa bahay ng matuwid,

Pero ang ani* ng masamang tao ay nagdadala sa kaniya ng problema.+

 7 Ang mga labi ng marurunong ay namamahagi ng kaalaman,+

Pero hindi gayon ang puso ng mangmang.+

 8 Kasuklam-suklam kay Jehova ang hain ng masasama,+

Pero kalugod-lugod sa kaniya ang panalangin ng mga matuwid.+

 9 Napopoot si Jehova sa lakad ng masama,+

Pero mahal niya ang nagsisikap na maging matuwid.+

10 Para sa lumilihis ng landas, malupit* ang disiplina,+

Pero ang napopoot sa saway ay mamamatay.+

11 Kitang-kita ni Jehova ang Libingan* at ang lugar ng pagkapuksa,*+

Gaano pa kaya ang puso ng mga tao!+

12 Ayaw ng mayabang sa nagtutuwid* sa kaniya.+

Hindi siya hihingi ng payo sa marurunong.+

13 Nagpapaaliwalas ng mukha ang masayang puso,

Pero nakasisira ng loob* ang kirot sa puso.+

14 Ang pusong may unawa ay naghahanap ng kaalaman,+

Pero ang bibig ng mga mangmang ay tumatangkilik* sa kamangmangan.+

15 Laging pangit ang araw ng napipighati,+

Pero laging may pagdiriwang ang taong masaya* ang puso.+

16 Mas mabuti pang maging mahirap pero may takot kay Jehova+

Kaysa maging mayaman na puro pag-aalala.*+

17 Mas mabuti pang gulay lang ang pagkain pero may pagmamahalan+

Kaysa sa pinatabang toro* pero may pagkakapootan.+

18 Nagkakaroon ng away dahil sa taong mainitin ang ulo,+

Pero dahil sa taong hindi madaling magalit, tumitigil ang pagtatalo.+

19 Ang daan ng tamad ay parang may matitinik na harang,+

Pero ang landas ng mga matuwid ay gaya ng patag na daan.+

20 Ang marunong na anak ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+

Pero ang mangmang ay humahamak sa kaniyang ina.+

21 Nasisiyahan sa kamangmangan ang kulang sa unawa,*+

Pero lumalakad sa tamang landas ang taong may kaunawaan.+

22 Nabibigo ang plano kapag hindi napag-uusapan,*

Pero nagtatagumpay ito kapag marami ang tagapayo.+

23 Masaya ang taong nagbibigay ng tamang sagot,*+

At ang salitang sinabi sa tamang panahon—napakabuti nito!+

24 Paakyat sa landas ng buhay ang may kaunawaan,+

Palayo sa Libingan* sa ibaba.+

25 Gigibain ni Jehova ang bahay ng mapagmataas,+

Pero iingatan niya ang hangganan ng lupain ng biyuda.+

26 Nasusuklam si Jehova sa mga pakana ng masama,+

Pero ang mabuting pananalita ay kalugod-lugod sa Kaniya.+

27 Ang nandaraya para sa pakinabang ay nagdadala ng problema* sa pamilya niya,+

Pero ang napopoot sa suhol ay mananatiling buháy.+

28 Ang puso ng matuwid ay nag-iisip muna bago sumagot,*+

Pero inilalabas agad ng bibig ng masama ang masasamang bagay.

29 Malayo si Jehova sa masasama,

Pero pinakikinggan niya ang panalangin ng mga matuwid.+

30 Ang nagniningning na mga mata* ay nagpapasaya ng puso;

Ang magandang balita ay nagpapalakas* ng mga buto.+

31 Kabilang sa marurunong

Ang taong nakikinig sa nagbibigay-buhay na saway.+

32 Ang tumatanggi sa disiplina ay namumuhi sa buhay niya,+

Pero ang nakikinig sa saway ay nagkakaroon ng unawa.*+

33 Ang pagkatakot kay Jehova ay nagsasanay sa isang tao na maging marunong,+

At ang kapakumbabaan ay umaakay sa karangalan.+

16 Inihahanda ng tao ang laman ng puso niya,

Pero ang isinasagot* niya ay mula kay Jehova.+

 2 Ang lahat ng lakad ng tao ay tama* sa paningin niya,+

Pero sinusuri ni Jehova ang mga motibo.*+

 3 Ipagkatiwala* mo kay Jehova ang anumang gagawin mo,+

At magtatagumpay ang iyong mga plano.

 4 Isinasaayos* ni Jehova ang lahat ng bagay para matupad ang layunin niya,

Pati ang pagkapuksa ng masasama sa araw ng kapahamakan nila.+

 5 Kasuklam-suklam kay Jehova ang sinumang mapagmataas ang puso.+

Makakatiyak kang mapaparusahan siya.

 6 Naipagbabayad-sala ang pagkakamali dahil sa tapat na pag-ibig at katapatan,+

At lumalayo ang tao sa kasamaan dahil sa pagkatakot kay Jehova.+

 7 Kapag nalulugod si Jehova sa ginagawa ng isang tao,

Pinangyayari niyang makipagpayapaan dito kahit ang mga kaaway nito.+

 8 Mas mabuti pang kaunti ang taglay pero matuwid+

Kaysa malaki ang kita pero hindi naman tapat.*+

 9 Maipaplano ng tao sa puso niya ang kaniyang landasin,

Pero si Jehova ang gumagabay sa mga hakbang niya.+

10 Ang pasiya ng Diyos ay dapat na nasa mga labi ng hari;+

Dapat na lagi siyang maging makatarungan.+

11 Mula kay Jehova ang wastong panukat at timbangan;

Galing sa kaniya ang lahat ng batong panimbang na nasa supot.+

12 Kasuklam-suklam sa mga hari ang masasamang paggawi,+

Dahil nagiging matatag ang trono sa pamamagitan ng katuwiran.+

13 Kalugod-lugod sa mga hari ang matuwid na pananalita.

Mahal nila ang mga nagsasabi ng totoo.+

14 Ang galit ng hari ay gaya ng mensahero ng kamatayan,+

Pero napahuhupa* ito ng taong marunong.+

15 Ang liwanag sa mukha* ng hari ay nagbibigay-buhay;

Ang pagsang-ayon niya ay gaya ng ulap na may hatid na ulan sa tagsibol.+

16 Mas mabuting magkaroon ng karunungan kaysa ng ginto!+

Mas mabuting piliin ang unawa kaysa sa pilak.+

17 Ang landas ng mga matuwid ay palayo sa kasamaan.

Ang taong nagbabantay ng kaniyang lakad ay nagliligtas sa buhay niya.+

18 Ang pagmamataas ay humahantong sa pagbagsak,

At ang kayabangan ay humahantong sa pagkadapa.+

19 Mas mabuting maging mapagpakumbaba* kasama ng maaamo+

Kaysa makihati sa samsam ng mga mapagmataas.

20 Ang gumagamit ng unawa sa pagtingin sa isang bagay ay magtatagumpay,*

At maligaya ang nagtitiwala kay Jehova.

21 Tatawaging may unawa ang taong* marunong,+

At ang taong mabait sa pagsasalita* ay nakahihikayat.+

22 Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa mga mayroon nito,

Pero ang mga mangmang ay dinidisiplina ng kanilang kamangmangan.

23 Ang puso ng marunong ay nagbibigay ng kaunawaan sa bibig niya+

At nagdaragdag ng panghihikayat sa pananalita niya.

24 Ang mabuting pananalita ay gaya ng tumutulong pulot-pukyutan,*

Matamis at nakapagpapagaling sa mga buto.+

25 May daan na matuwid sa tingin ng isang tao,

Pero kamatayan ang dulo nito.+

26 Nagtatrabahong mabuti ang isang manggagawa sa kagustuhan niyang kumain;

Pinakikilos siya ng gutom* niya.+

27 Ang walang-kabuluhang tao ay naghuhukay ng masamang bagay;+

Gaya ng nakapapasong apoy ang pananalita niya.+

28 Ang mahilig gumawa ng gulo* ay nagpapasimula ng pagtatalo,+

At pinaglalayo ng maninirang-puri ang malalapít na magkakaibigan.+

29 Hinihikayat ng taong marahas ang kapuwa niya

At inaakay ito sa maling daan.

30 Kumikindat siya habang nagpaplano ng masama.

Kinakagat niya ang mga labi niya habang isinasagawa ang masama niyang balak.

31 Ang puting buhok ay korona ng kagandahan*+

Kapag ito ay nasa matuwid na daan.+

32 Ang taong hindi madaling magalit+ ay mas mabuti kaysa sa malakas na lalaki,

At ang kumokontrol sa kaniyang galit* ay mas mabuti kaysa sa sumasakop ng lunsod.+

33 Inihahagis sa kandungan ang bato sa palabunutan,+

Pero mula kay Jehova ang pasiyang nabubuo sa pamamagitan nito.+

17 Mas mabuti pa ang isang piraso ng tuyong tinapay pero may kapayapaan*+

Kaysa sa bahay na maraming pagkain* pero laging may pagtatalo.+

 2 Ang lingkod na may kaunawaan ang mamamahala sa anak na gumagawi nang kahiya-hiya;

Magkakaroon din siya ng mana gaya ng anak.

 3 Ang dalisayang kaldero ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto,+

Pero si Jehova ang tagasuri ng mga puso.+

 4 Ang masama ay nagbibigay-pansin sa masakit na pananalita,

At ang taong mapanlinlang ay nakikinig sa mapanirang dila.+

 5 Ang humahamak sa dukha ay umiinsulto sa kaniyang Maylikha,+

At ang natutuwa sa kapahamakan ng iba ay tiyak na mapaparusahan.+

 6 Ang mga apo ay korona ng matatanda,

At ang mga ama* ang karangalan ng mga anak.

 7 Ang mahusay* na pananalita ay hindi bagay sa mangmang;+

Lalo nang hindi bagay sa isang tagapamahala* ang pagsisinungaling!+

 8 Ang regalo ay gaya ng mamahaling bato* para sa may-ari nito;+

Ang nagbigay ay nagtatagumpay anuman ang gawin niya.+

 9 Ang nagpapatawad* ng kasalanan ay nagpapakita* ng pag-ibig,+

Pero ang salita nang salita tungkol dito ay naglalayo sa malalapít na magkakaibigan.+

10 Mas malaki ang epekto ng isang saway sa taong may unawa+

Kaysa ng sandaang hampas sa mangmang.+

11 Puro paghihimagsik ang gustong gawin ng masama,

Pero isang malupit na mensahero ang isusugo para parusahan siya.+

12 Mas mabuti pang makasalubong ang oso na nawalan ng mga anak

Kaysa ang mangmang na kumikilos nang may kamangmangan.+

13 Kapag kasamaan ang iginaganti ng isang tao sa kabutihan,

Ang kasamaan ay hindi hihiwalay sa bahay niya.+

14 Ang pagpapasimula ng away ay gaya ng pagpapakawala ng tubig;*

Bago magsimula ang pagtatalo, umalis ka na.+

15 Ang nagpapawalang-sala sa masama at ang humahatol sa matuwid+

—Pareho silang kasuklam-suklam kay Jehova.

16 Para saan pa ang kakayahan ng mangmang na makakuha ng karunungan

Kung wala naman sa puso niya na* gawin iyon?*+

17 Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon+

At isang kapatid na maaasahan kapag may problema.*+

18 Ang taong kulang sa unawa ay nakikipagkamay at pumapayag

Na managot sa* utang ng iba sa harap ng kapuwa niya.+

19 Ang mahilig makipagtalo ay madaling magkasala.+

Ang nagyayabang* ay naghahanap ng kapahamakan.+

20 Ang taong masama ang puso ay hindi magtatagumpay,*+

At ang nagsasalita ng panlilinlang ay mapapahamak.

21 Ang ama na nagkaanak ng mangmang ay mapipighati;

At ang ama ng anak na walang unawa ay hindi masaya.+

22 Ang masayang puso ay mabisang gamot,*+

Pero ang pagkasira ng loob* ay nakauubos ng lakas.*+

23 Ang masamang tao ay palihim na tatanggap ng suhol*

Para baluktutin ang katarungan.+

24 Ang karunungan ay nasa harapan ng taong may unawa,

Pero ang mga mata ng mangmang ay pagala-gala hanggang sa dulo ng lupa.+

25 Ang mangmang na anak ay nagdudulot ng pighati sa kaniyang ama

At sama ng loob* sa nagsilang sa kaniya.+

26 Hindi tamang parusahan* ang matuwid,

At hindi dapat hampasin ang mararangal na tao.

27 Ang taong may kaalaman ay maingat sa pagsasalita,+

At ang may kaunawaan ay nananatiling kalmado.*+

28 Kahit ang mangmang ay itinuturing na marunong kung nananatili siyang tahimik,

At ang nagtitikom ng bibig niya ay itinuturing na may kaunawaan.

18 Ang nagbubukod ng sarili ay nagtataguyod ng makasarili niyang mga hangarin;

Itinatakwil* niya ang lahat ng karunungan.*

 2 Ang mangmang ay walang interes na matuto;*

Mas gusto pa niyang sabihin ang opinyon* niya.+

 3 Kapag dumating ang masamang tao, kasunod nito ang panghahamak,

At kapag kumilos nang kahiya-hiya ang isang tao, darating ang kadustaan.+

 4 Ang mga salita ng isang tao ay gaya ng malalim na tubig.+

Ang karunungan mula sa kaniya ay aagos na gaya ng ilog.

 5 Hindi tamang kumampi sa masasama+

O pagkaitan ng katarungan ang mga matuwid.+

 6 Ang pananalita ng mangmang ay umaakay sa mga pagtatalo,+

At ang bibig niya ay nag-aanyaya ng pambubugbog.+

 7 Ang bibig ng mangmang ang nagpapahamak sa kaniya,+

At nabibitag siya* ng mga labi niya.

 8 Ang pananalita ng maninirang-puri ay gaya ng masarap na pagkain;*+

Nilululon iyon agad at dumederetso sa tiyan.+

 9 Ang tamad sa trabaho niya

Ay kapatid ng taong nagdudulot ng pinsala.*+

10 Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore.+

Doon tumatakbo ang matuwid at tumatanggap ng proteksiyon.*+

11 Ang kayamanan ng mayaman ang proteksiyon* niya;

Gaya iyon ng matibay na pader sa imahinasyon niya.+

12 Ang mapagmataas na puso ay nauuwi sa pagbagsak,+

At ang kapakumbabaan ay umaakay sa karangalan.+

13 Kapag sumasagot ang isang tao bago niya marinig ang mga detalye,

Kamangmangan iyon at kahiya-hiya.+

14 Ang taong matibay ang loob ay makapagtitiis ng pagkakasakit,+

Pero sino ang makapagtitiis ng pagkasira ng loob?*+

15 Ang puso ng may unawa ay kumukuha ng kaalaman,+

At ang tainga ng marurunong ay naghahanap ng kaalaman.

16 Ang regalo ng isang tao ay nagbubukas ng daan para sa kaniya;+

Nakalalapit siya sa importanteng mga tao.

17 Mukhang tama ang unang nagdulog ng kaso+

Hanggang sa dumating ang kabilang panig at pagtatanungin* siya.+

18 Palabunutan ang tumatapos sa mga pagtatalo+

At nagpapasiya sa pagitan ng* mahigpit na magkalaban.

19 Mas mahirap payapain ang nasaktang kapatid kaysa pabagsakin ang isang napapaderang lunsod,+

At may mga pagtatalo na gaya ng mga halang sa tanggulan.+

20 Mabubusog ang isang tao dahil sa bunga ng pananalita* niya;+

Masisiyahan siya sa resulta ng mga sinasabi niya.

21 Ang kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila;+

Kung ang isa ay madalas magsalita, kakainin niya ang bunga nito.+

22 Ang nakahanap ng mahusay na asawang babae ay nakakita ng mabuting bagay,+

At pagpapala* iyon sa kaniya ni Jehova.+

23 Ang mahirap ay nagmamakaawa,

Pero ang mayaman ay mabagsik sumagot.

24 May magkakasamang ipinapahamak ang isa’t isa,+

Pero may kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid.+

19 Mas mabuti pang maging mahirap pero tapat+

Kaysa maging mangmang at sinungaling.+

 2 Hindi mabuti para sa isang tao na wala siyang alam,+

At ang kumikilos nang padalos-dalos* ay nagkakasala.

 3 Ang sariling kamangmangan ng tao ang nagliligaw sa kaniya,

At ang puso niya ay nagagalit kay Jehova.

 4 Ang kayamanan ay umaakit ng maraming kaibigan,

Pero ang mahirap ay iniiwan kahit ng kaibigan niya.+

 5 Tiyak na mapaparusahan ang sinungaling na testigo,+

At hindi makatatakas ang laging nagsisinungaling.+

 6 Marami ang naghahangad ng pabor ng prominenteng tao,*

At ang lahat ay kaibigan ng taong nagreregalo.

 7 Ang dukha ay kinapopootan ng lahat ng kapatid niya;+

Lalo nang kaya siyang itakwil ng mga kaibigan niya!+

Lumalapit siya sa kanila at nakikiusap, pero walang sumasagot.

 8 Ang nagsisikap magkaroon ng unawa* ay nagmamahal sa sarili niya.+

Ang nagpapahalaga sa kaunawaan ay magtatagumpay.*+

 9 Tiyak na mapaparusahan ang sinungaling na testigo,

At mamamatay ang laging nagsisinungaling.+

10 Hindi bagay sa isang mangmang na mamuhay nang marangya,

At lalong hindi bagay sa isang lingkod na mamahala sa mga prinsipe!+

11 Ang kaunawaan ng tao ang pumipigil sa kaniya na magalit agad,+

At nagiging kapuri-puri siya kapag pinalalampas niya ang pagkakamali.*+

12 Ang galit ng hari ay gaya ng pag-ungal ng leon,+

Pero ang pagsang-ayon niya ay gaya ng hamog sa pananim.

13 Ang mangmang na anak ay nagbibigay ng problema sa kaniyang ama,+

At ang asawang babae na mahilig makipagtalo* ay gaya ng bubong na laging tumutulo.+

14 Ang bahay at yaman ay mana mula sa mga ama,

Pero ang marunong na asawang babae ay mula kay Jehova.+

15 Ang katamaran ay nauuwi sa malalim na tulog,

At ang makupad ay magugutom.+

16 Ang sumusunod sa utos ay nag-iingat ng buhay niya;+

Ang nagwawalang-bahala sa paraan ng pamumuhay niya ay mamamatay.+

17 Ang tumutulong sa dukha ay nagpapautang kay Jehova,+

At babayaran* Niya siya dahil sa ginawa niya.+

18 Disiplinahin mo ang iyong anak habang may pag-asa pa+

Para hindi ka maging responsable sa* kamatayan niya.+

19 Ang mainitin ang ulo ay mananagot;

Kung palulusutin mo siya, gagawin mo na ito nang paulit-ulit.+

20 Makinig ka sa payo at tumanggap ng disiplina+

Para maging marunong ka pagdating ng araw.+

21 Maraming plano sa puso ng tao,

Pero ang kalooban* ni Jehova ang mananaig.+

22 Nagiging kaakit-akit ang isang tao dahil sa tapat na pag-ibig niya;+

At mas mabuti pang maging mahirap kaysa maging sinungaling.

23 Ang pagkatakot kay Jehova ay umaakay sa buhay;+

Ang mayroon nito ay makapagpapahinga nang panatag at ligtas.+

24 Ang kamay ng tamad ay dumadampot ng pagkain sa mangkok,

Pero hindi man lang niya ito maisubo sa bibig niya.+

25 Saktan mo ang manunuya+ para maging marunong ang walang karanasan,+

At sawayin mo ang may unawa para madagdagan ang kaalaman niya.+

26 Ang anak na malupit sa kaniyang ama at nagtataboy sa kaniyang ina

Ay kahiya-hiya at kadusta-dusta.+

27 Anak ko, kung titigil ka sa pakikinig sa disiplina,

Malilihis ka mula sa daan* ng kaalaman.

28 Ang walang-kuwentang testigo ay humahamak sa katarungan,+

At ang bibig ng masasama ay lumalamon ng kasamaan.+

29 May naghihintay na hatol para sa mga manunuya+

At mga hampas para sa likod ng mga mangmang.+

20 Ang alak ay manunuya,+ ang inuming de-alkohol ay magulo;+

Ang naliligaw dahil sa mga ito ay hindi marunong.+

 2 Ang pagkatakot sa* hari ay gaya ng pagkatakot sa ungal ng leon;+

Ang gumagalit sa kaniya ay nagsasapanganib ng sariling buhay.+

 3 Kapuri-puri ang taong umiiwas sa pakikipagtalo,+

Pero madaling mapaaway ang mangmang.+

 4 Ang tamad ay hindi nag-aararo sa taglamig,

Kaya mamamalimos siya sa panahon ng pag-aani dahil walang-wala siya.*+

 5 Ang laman* ng puso ng tao* ay gaya ng malalim na tubig,

Pero nasasalok ito ng taong may kaunawaan.

 6 Marami ang nagsasabi na may tapat na pag-ibig sila,

Pero mahirap makakita ng totoong tapat.

 7 Ang matuwid ay lumalakad nang tapat.+

Magiging maligaya ang mga anak niya.+

 8 Kapag ang hari ay umuupo sa trono para humatol,+

Sinasala ng mga mata niya ang lahat ng kasamaan.+

 9 Sino ang makapagsasabi: “Nilinis ko ang puso ko;+

Malinis na ako at walang kasalanan”?+

10 Ang madayang panimbang at ang maling panukat*

Ay parehong kasuklam-suklam kay Jehova.+

11 Kahit bata* ay makikilala sa kilos niya,

Kung ang ugali niya ay malinis at matuwid.+

12 Ang taingang nakaririnig at ang matang nakakakita

—Ang mga iyon ay parehong ginawa ni Jehova.+

13 Huwag kang tulog nang tulog, dahil maghihirap ka.+

Buksan mo ang mga mata mo, at mabubusog ka sa tinapay.+

14 “Ang pangit, ang pangit!” ang sabi ng bumibili;

Pagkatapos, umaalis siya at nagyayabang.+

15 Nariyan ang ginto at maraming korales,*

Pero mas mahalaga ang mga labi ng kaalaman.+

16 Kunin mo ang damit ng isang tao kung nanagot siya para sa estranghero;+

Kunin mo ang prenda niya kung nanagot siya para sa babaeng banyaga.*+

17 Masarap para sa isang tao ang tinapay na nakuha sa pandaraya,

Pero sa bandang huli, mapupuno ng graba ang bibig niya.+

18 Magtatagumpay* ang mga plano kapag napag-uusapan,*+

At makipaglaban ka nang may mahusay na patnubay.+

19 Ang maninirang-puri ay gumagala para magbunyag ng mga sekreto;+

Huwag kang makisama sa mahilig magkalat ng tsismis.*

20 Ang sinumang sumusumpa sa kaniyang ama at ina,

Papatayin ang lampara niya pagsapit ng dilim.+

21 Ang mana na nakuha dahil sa kasakiman

Ay hindi magiging pagpapala sa bandang huli.+

22 Huwag mong sabihin: “Gaganti ako ng masama!”+

Umasa ka kay Jehova,+ at ililigtas ka niya.+

23 Ang madayang panimbang* ay kasuklam-suklam kay Jehova,

At ang di-tapat na timbangan ay hindi mabuti.

24 Pinapatnubayan ni Jehova ang mga hakbang ng tao,+

Dahil paano malalaman ng tao kung saan siya pupunta?*

25 Nagiging bitag sa isang tao ang pagsigaw niya nang padalos-dalos, “Banal!”+

At pagkatapos na lang niya pag-iisipan ang panata niya.+

26 Sinasala ng marunong na hari ang masasama,+

At pinadadaanan niya sila sa gulong na panggiik.+

27 Ang hininga ng tao ang lampara ni Jehova,

Ang nagsisiwalat sa kaloob-looban ng tao.

28 Ang tapat na pag-ibig at katapatan ang nag-iingat sa hari;+

Napananatili niya ang kaniyang trono dahil sa tapat na pag-ibig.+

29 Ang karangalan ng mga kabataang lalaki ay ang lakas nila,+

At ang kaluwalhatian ng matatandang lalaki ay ang puting buhok nila.+

30 Ang mga pasa at sugat ay nag-aalis ng* kasamaan,+

At dinadalisay ng mga hampas ang kaloob-looban ng tao.

21 Ang puso ng hari ay gaya ng dumadaloy na tubig sa kamay ni Jehova.+

Ibinabaling Niya iyon saanman Niya gustuhin.+

 2 Ang lahat ng lakad ng tao ay tama sa paningin niya,+

Pero sinusuri ni Jehova ang mga puso.*+

 3 Ang paggawa ng tama at makatarungan

Ay mas gusto ni Jehova kaysa sa hain.+

 4 Ang mapagmataas na mga mata at mayabang na puso

Ang lampara ng masasama, at ang mga ito ay kasalanan.+

 5 Ang mga plano ng masipag ay tiyak na magtatagumpay,*+

Pero ang lahat ng padalos-dalos ay tiyak na maghihirap.+

 6 Ang kayamanang nakuha gamit ang sinungaling na dila

Ay gaya ng singaw na naglalaho, isang nakamamatay na bitag.*+

 7 Ang karahasan ng masasama ay kakaladkad sa kanila,+

Dahil ayaw nilang maging makatarungan.

 8 Liko ang landas ng taong makasalanan,

Pero matuwid ang gawain ng taong walang-sala.+

 9 Mas mabuti pang tumira sa bubong*

Kaysa makasama sa bahay ang asawang babae na mahilig makipagtalo.*+

10 Ang masamang tao ay naghahangad ng masama;+

Hindi siya gumagawa ng mabuti sa kapuwa niya.+

11 Kapag pinarusahan ang manunuya, natututo ang walang karanasan,

At kapag nagkaroon ng kaunawaan ang taong marunong, nadaragdagan ang kaalaman niya.*+

12 Tinitingnan ng Matuwid ang bahay ng masama;

Ibinabagsak niya ang masasama para mapahamak sila.+

13 Ang nagtatakip ng tainga kapag dumaraing ang mahirap

Ay hindi pakikinggan kapag siya naman ang tumawag.+

14 Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit,+

At ang palihim na panunuhol* ay nagpapahupa ng matinding galit.

15 Ikinatutuwa ng matuwid ang pagkilos nang may katarungan,+

Pero ayaw na ayaw ito ng mga gumagawa ng masama.

16 Ang taong lumilihis mula sa daan ng kaunawaan

Ay makakasama ng mga patay.+

17 Ang mahilig sa kasayahan* ay maghihirap;+

Ang mahilig sa alak at langis ay hindi yayaman.

18 Ang masama ay pantubos para sa matuwid,

At ang taksil ay pantubos para sa tapat.+

19 Mas mabuti pang tumira sa ilang

Kaysa makasama ang asawang babae na mahilig makipagtalo* at madaling mainis.+

20 Ang mahalagang kayamanan at langis ay makikita sa bahay ng marunong,+

Pero lulustayin* ng mangmang kung ano ang mayroon siya.+

21 Ang nagtataguyod ng katuwiran* at tapat na pag-ibig

Ay magkakamit ng buhay, katuwiran, at karangalan.+

22 Kayang akyatin* ng marunong ang lunsod ng malalakas na tao,

At mapababagsak niya ang moog* na pinagtitiwalaan nila.+

23 Ang nagbabantay sa kaniyang bibig at dila

Ay nakaiiwas sa problema.+

24 Tinatawag na mapagmataas at hambog

Ang taong sobrang pangahas sa mga pagkilos niya.+

25 Ang hinahangad ng tamad ang papatay sa kaniya,

Dahil ayaw magtrabaho ng mga kamay niya.+

26 Puro kasakiman ang nasa isip niya buong araw,

Pero ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait ng anuman.+

27 Kasuklam-suklam ang hain ng masama,+

Lalo na kung inihandog niya ito nang may masamang motibo!*

28 Ang sinungaling na testigo ay mamamatay,+

Pero magiging matagumpay na testigo* ang taong nakikinig na mabuti.

29 Pinatatapang ng masamang tao ang mukha niya,+

Pero ang landasin ng matuwid ang totoong matatag.*+

30 Walang karunungan, kaunawaan, o payo na makalalaban kay Jehova.+

31 Inihahanda ang kabayo para sa araw ng labanan,+

Pero ang kaligtasan ay mula kay Jehova.+

22 Ang magandang pangalan* ay mas dapat piliin kaysa sa malaking kayamanan;+

Ang paggalang* ng iba ay mas mabuti kaysa sa pilak at ginto.

 2 May pagkakatulad* ang mayaman at mahirap:

Pareho silang ginawa ni Jehova.+

 3 Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago,

Pero tulóy lang ang mga walang karanasan at pinagdurusahan ang epekto* nito.

 4 Ang resulta ng kapakumbabaan at pagkatakot kay Jehova

Ay kayamanan, karangalan, at buhay.+

 5 May mga tinik at bitag sa landas ng liko,

Pero ang nagpapahalaga sa buhay niya ay lumalayo sa mga ito.+

 6 Sanayin mo ang bata* sa landas na dapat niyang lakaran;+

Kahit tumanda siya, hindi siya lilihis dito.+

 7 Ang mayaman ang namamahala sa mahihirap,

At ang nanghihiram ay alipin ng nagpapahiram.+

 8 Ang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan,+

At ang tungkod ng galit niya ay babaliin.*+

 9 Ang bukas-palad* ay pagpapalain,

Dahil hinahatian niya ng kaniyang pagkain ang mahihirap.+

10 Palayasin mo ang mapanghamak,

At mawawala ang pag-aaway;

Matitigil ang mga pagtatalo* at pang-iinsulto.

11 Ang taong malinis ang puso at mabait magsalita

Ay magiging kaibigan ng hari.+

12 Iniingatan ni Jehova ang kaalaman,

Pero binibigo niya ang mga salita ng taksil.+

13 Sinasabi ng tamad: “May leon sa labas!

Mapapatay ako sa gitna ng liwasan!”*+

14 Ang bibig ng masasamang* babae ay malalim na hukay.+

Mahuhulog doon ang hinatulan ni Jehova.

15 Ang kamangmangan ay nakatali sa puso ng bata,*+

Pero aalisin ito ng pamalong pandisiplina.+

16 Ang nandaraya sa dukha para mas yumaman pa+

At ang nagreregalo sa mayayaman

Ay tiyak na maghihirap.

17 Magbigay-pansin ka* at makinig sa mga salita ng marurunong+

Para maiayon mo ang puso mo sa aking kaalaman,+

18 Dahil magandang maitanim iyon sa puso mo+

Para iyon ang laging lumabas sa mga labi mo.+

19 Para kay Jehova ka magtiwala,

Binibigyan kita ngayon ng kaalaman.

20 Hindi ba sumulat na ako sa iyo noon

Para magbigay ng payo at kaalaman,

21 Para ituro sa iyo ang katotohanan at maaasahang mga salita,

Para makapagbigay ka ng tumpak na ulat sa nagsugo sa iyo?

22 Huwag mong nanakawan ang dukha dahil mahirap siya,+

At huwag mong aapihin ang maralita sa pintuang-daan ng lunsod,+

23 Dahil si Jehova mismo ang magtatanggol sa kanilang usapin,+

At papatayin niya ang nandaraya sa kanila.

24 Huwag kang makisama sa taong mainitin ang ulo

O makipagkaibigan sa taong magagalitin,

25 Para hindi mo matutuhan ang mga landas niya

At ikaw mismo ang mabitag.+

26 Huwag kang makisama sa mga nakikipagkamay para sa isang kasunduan,

Sa mga nananagot sa mga pautang.+

27 Kung wala kang pambayad,

Kukunin nila ang hinihigaan mo!

28 Huwag mong iuusod ang muhon*

Na matagal nang inilagay ng mga ninuno mo.+

29 Nakakita ka na ba ng taong mahusay sa gawain niya?

Tatayo siya sa harap ng mga hari;+

Hindi siya tatayo sa harap ng karaniwang mga tao.

23 Kapag kumakain kang kasama ng hari,

Pag-isipan mong mabuti kung ano ang nasa harap mo;

 2 Maglagay ka ng kutsilyo sa lalamunan mo*

Kung malakas kang kumain.*

 3 Huwag mong hangarin ang kaniyang masasarap na pagkain

Dahil mapanlinlang ang mga iyon.

 4 Huwag kang magpakapagod para mag-ipon ng kayamanan.+

Tumigil ka at magpakita ng unawa.*

 5 Kapag tiningnan mo iyon, wala na iyon doon,+

Dahil tiyak na tutubuan iyon ng mga pakpak na gaya ng sa agila at lilipad sa langit.+

 6 Huwag mong kainin ang pagkain ng kuripot;*

Huwag mong hangarin ang kaniyang masasarap na pagkain

 7 Dahil inililista niya iyon.

“Kumain ka at uminom,” ang sabi niya sa iyo, pero hindi iyon bukal sa loob niya.*

 8 Isusuka mo ang kinain mo,

At masasayang lang ang mga papuri mo.

 9 Huwag kang makikipag-usap sa mangmang,+

Dahil hahamakin niya ang karunungan sa mga sinasabi mo.+

10 Huwag kang mag-uusod ng sinaunang muhon*+

O papasok nang walang paalam sa bukid ng mga walang ama.

11 Dahil malakas ang Tagapagtanggol* nila;

Ipagtatanggol niya ang usapin nila laban sa iyo.+

12 Ituon mo ang puso mo sa disiplina

At ang tainga mo sa mga salita ng kaalaman.

13 Huwag mong ipagkait sa bata* ang disiplina.+

Hindi siya mamamatay dahil sa pamalo.

14 Dapat mo siyang disiplinahin ng pamalo

Para mailigtas mo siya* at hindi mapunta sa Libingan.*

15 Anak ko, kung magiging marunong ka,*

Magiging masaya ang puso ko.+

16 Magsasaya ang puso* ko

Kapag tama ang sinasabi ng mga labi mo.

17 Huwag mong hayaang mainggit ang puso mo sa mga makasalanan,+

Kundi matakot ka kay Jehova buong araw;+

18 Dahil diyan, magiging maganda ang kinabukasan mo+

At hindi mawawala ang iyong pag-asa.

19 Makinig ka, anak ko, at maging marunong,

At ituon mo ang puso mo sa tamang daan.

20 Huwag kang maging gaya ng* malalakas uminom ng alak,+

Ng matatakaw sa karne,+

21 Dahil ang lasenggo at matakaw ay maghihirap,+

At ang pagkaantok nila ay magdaramit sa kanila ng basahan.

22 Makinig ka sa iyong ama na dahilan ng pagsilang mo,

At huwag mong hamakin ang iyong ina dahil lang sa matanda na siya.+

23 Bilhin* mo ang katotohanan at huwag mong ibenta iyon,+

Pati ang karunungan, disiplina, at unawa.+

24 Ang ama ng matuwid ay tiyak na magagalak;

Ang amang may marunong na anak ay magsasaya dahil sa kaniya.

25 Ang iyong ama at ina ay magsasaya,

At ang nagsilang sa iyo ay magagalak.

26 Anak ko, ibigay mo sa akin ang puso mo,

At malugod nawa ang mga mata mo sa mga daan ko.+

27 Dahil ang babaeng bayaran ay malalim na hukay,

At ang imoral na* babae ay makipot na balon.+

28 Nag-aabang siyang gaya ng magnanakaw;+

Pinararami niya ang di-tapat na mga lalaki.

29 Sino ang may problema? Sino ang di-mapakali?

Sino ang nakikipagtalo? Sino ang may reklamo?

Sino ang may mga sugat nang walang dahilan? Sino ang may mapupulang mata?*

30 Ang mga taong nagbababad sa pag-inom ng alak,+

Ang mga naghahanap* ng tinimplahang alak.

31 Huwag kang tumingin sa mapulang kulay ng alak;

Kumikislap ito sa baso at humahagod nang suwabe,

32 Pero sa huli ay nanunuklaw itong gaya ng ahas

At naglalabas ng lason na gaya ng ulupong.

33 Kung ano-ano ang makikita ng mga mata mo,

At sasabihin mo ang masasamang bagay na nasa puso mo.+

34 At para bang nakahiga ka sa gitna ng dagat,

Parang nakahiga sa may tuktok ng layag.*

35 Sasabihin mo: “Pinalo nila ako, pero hindi ko naramdaman.*

Hinampas nila ako, pero hindi ko namalayan.

Kailan ako magigising?+

Gusto ko pang uminom.”*

24 Huwag kang mainggit sa masasamang tao,

At huwag mong hangaring makasama sila,+

 2 Dahil karahasan ang laman* ng puso nila,

At kapahamakan ang lumalabas sa mga labi nila.

 3 Naitatayo ang bahay* dahil sa karunungan,+

At nagiging matatag ito dahil sa kaunawaan.

 4 Dahil sa kaalaman, napupuno ang mga silid nito

Ng lahat ng klase ng magaganda at mahahalagang kayamanan.+

 5 Ang taong marunong ay malakas,+

At dahil sa kaalaman, lalo pa siyang lumalakas.

 6 Makipaglaban ka nang may mahusay na patnubay,+

At may tagumpay* kapag marami ang tagapayo.+

 7 Hindi maaabot ng mangmang ang tunay na karunungan;+

Wala siyang nasasabi sa pintuang-daan ng lunsod.

 8 Sinumang nagpaplano ng masama

Ay tatawaging pasimuno ng kasamaan.*+

 9 Ang mga plano ng mangmang* ay umaakay sa kasalanan,

At nasusuklam ang mga tao sa manunuya.+

10 Kapag nanghihina ang loob mo sa panahon ng problema,*

Mababawasan din ang lakas mo.

11 Iligtas mo ang mga dinadala sa kamatayan,

At pigilan mo ang mga sumusuray-suray papunta sa katayan.+

12 Kung sasabihin mo, “Pero hindi namin alam iyon,”

Hindi ba alam ng Tagasuri ng puso* kung ano ang totoo?+

Oo, malalaman iyon ng Isa na nagbabantay sa iyo

At gagantihan niya ang bawat tao ayon sa ginagawa nito.+

13 Anak ko, kumain ka ng pulot-pukyutan dahil mabuti ito sa iyo;

Ang purong pulot-pukyutan ay matamis.

14 Gayundin, tandaan mo na mabuti ang karunungan para sa iyo.+

Kapag nakita mo ito, magiging maganda ang kinabukasan mo

At hindi mawawala ang iyong pag-asa.+

15 Huwag kang mag-abang malapit sa bahay ng matuwid para gawan siya ng masama;

Huwag mong wasakin ang tirahan niya.

16 Dahil kahit mabuwal ang matuwid nang pitong ulit, babangon pa rin siya,+

Pero ang masasama ay matitisod at lubusang mapapahamak.+

17 Kapag nabuwal ang kaaway mo, huwag kang matuwa,

At kapag natisod siya, huwag magsaya ang puso mo;+

18 Dahil makikita iyon ni Jehova at hindi Siya matutuwa,

At mawawala ang galit Niya sa kaaway mo.+

19 Huwag kang magalit* dahil sa masasama;

Huwag kang mainggit sa kanila,

20 Dahil walang kinabukasan para sa sinumang masama;+

Ang lampara ng masasama ay papatayin.+

21 Anak ko, matakot ka kay Jehova at sa hari.+

At huwag kang makisama sa mga rebelde*+

22 Dahil bigla silang babagsak.+

Sino ang nakaaalam kung paano nila* sila lilipulin?+

23 Ang mga pananalitang ito ay para din sa marurunong:

Hindi mabuti ang di-patas na paghatol.+

24 Ang sinumang nagsasabi sa masama, “Matuwid ka,”+

Ay susumpain ng mga bayan at tutuligsain ng mga bansa.

25 Pero mapapabuti ang mga sumasaway sa kaniya;+

Pagpapalain sila ng mabubuting bagay.+

26 Hahalikan ng bayan ang mga labi ng nagsasalita nang tapat.*+

27 Planuhin mo ang gagawin mo sa labas at ihanda mo ang iyong bukid;

At saka ka magtayo ng iyong bahay.*

28 Huwag kang tumestigo laban sa iyong kapuwa nang walang basehan.+

Huwag mong gamitin ang mga labi mo para manlinlang.+

29 Huwag mong sabihin: “Gagawin ko sa kaniya ang ginawa niya sa akin;

Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya.”*+

30 Dumaan ako sa tabi ng bukid ng taong tamad,+

Sa tabi ng ubasan ng taong kulang sa unawa.*

31 Nakita kong tinubuan na ito ng panirang-damo;

Natabunan ito ng matitinik na halaman,

At giba ang batong pader nito.+

32 Nakita ko ito at isinapuso;

Nakita ko ito at natutuhan ang aral na ito:*

33 Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,

Kaunti pang paghahalukipkip para magpahinga,

34 At biglang darating sa iyo ang kahirapan na parang magnanakaw,

At ang kakapusan na parang armadong lalaki.+

25 Ang mga ito rin ay kawikaan ni Solomon,+ na inirekord* ng mga tauhan ni Hezekias+ na hari ng Juda:

 2 Naluluwalhati ang Diyos dahil sa paglilihim ng isang bagay,+

At naluluwalhati ang mga hari dahil sa pagsasaliksik tungkol sa isang bagay.

 3 Kung paanong mataas ang langit at malalim ang lupa,

Gayon din ang puso ng hari—hindi ito kayang saliksikin.

 4 Alisin mo ang dumi sa pilak

At madadalisay ito nang lubos.+

 5 Alisin mo ang masamang tao sa harap ng hari,

At magiging matatag ang trono niya sa pamamagitan ng katuwiran.+

 6 Huwag mong parangalan ang sarili mo sa harap ng hari,+

At huwag kang pumuwesto kasama ng mga prominente,+

 7 Dahil mas mabuti pang sabihin niya sa iyo, “Umakyat ka rito,”

Kaysa ipahiya ka niya sa harap ng isang maharlika.+

 8 Huwag kang magmadali sa pagsasampa ng kaso,

Dahil ano ang gagawin mo kapag ipinahiya ka ng kapuwa mo?+

 9 Makipag-ayos ka sa kapuwa mo,+

Pero huwag mong ipagkalat ang lihim na sinabi sa iyo,*+

10 Dahil ipapahiya ka ng nakarinig sa iyo

At hindi mo na mababawi ang masamang bagay* na ikinalat mo.

11 Gaya ng mga gintong mansanas sa lalagyang pilak*

Ang salitang sinabi sa tamang panahon.+

12 Gaya ng gintong hikaw at palamuting yari sa purong ginto

Ang matalinong tagasaway para sa taong nakikinig.+

13 Gaya ng lamig ng niyebe sa araw ng pag-aani

Ang tapat na mensahero para sa nagsugo sa kaniya,

Dahil pinagiginhawa niya ang panginoon niya.+

14 Gaya ng ulap at hangin na walang dalang ulan

Ang taong nagyayabang tungkol sa regalong hindi naman niya ibinigay.*+

15 Dahil sa pagiging matiisin, nahihikayat ang kumandante,

At ang mabait na pananalita* ay nakababali ng buto.+

16 Kapag nakakita ka ng pulot-pukyutan, kumain ka lang ng sapat,

Dahil kapag nasobrahan ka, baka isuka mo lang iyon.+

17 Paminsan-minsan ka lang pumunta sa bahay ng kapuwa mo,

Para hindi siya magsawa sa iyo at kainisan* ka.

18 Ang testigong nagsisinungaling laban sa kapuwa niya

Ay gaya ng pamalong pandigma, espada, at matulis na palaso.+

19 Ang di-maaasahang tao* na pinagtitiwalaan sa panahon ng problema

Ay gaya ng basag na ngipin at pilay na paa.

20 Gaya ng taong naghuhubad ng damit sa malamig na panahon

At gaya ng sukà na inihalo sa sosa*

Ang isang mang-aawit na kinakantahan ang pusong nalulungkot.+

21 Kung nagugutom ang kaaway mo,* bigyan mo siya ng tinapay;

Kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng tubig;+

22 Sa gayon, makapagtutumpok ka ng baga sa ulo niya,*+

At gagantimpalaan ka ni Jehova.

23 Ang hangin mula sa hilaga ay nagdadala ng ulan;

Nagdadala naman ng galit ang dilang nagkakalat ng tsismis.+

24 Mas mabuti pang tumira sa bubong*

Kaysa makasama sa bahay ang asawang babae na mahilig makipagtalo.*+

25 Gaya ng malamig na tubig para sa taong* pagod

Ang magandang ulat mula sa malayong lupain.+

26 Gaya ng naputikang bukal at nadumhang balon

Ang isang matuwid na nagpadala sa* masama.

27 Hindi makakabuti ang sobrang pagkain ng pulot-pukyutan,+

At hindi maganda ang maghanap ng sariling karangalan.+

28 Ang taong hindi makapagpigil ng galit*+

Ay gaya ng nilusob na lunsod na walang pader.

26 Gaya ng niyebe sa tag-araw at ulan sa pag-aani,

Ang karangalan ay hindi rin angkop sa mangmang.+

 2 Kung paanong may dahilan ang pagtakas ng ibon at paglipad ng langay-langayan,*

May dahilan din kung bakit dumarating ang sumpa.*

 3 Ang panghagupit ay para sa kabayo, ang renda ay para sa asno,+

At ang pamalo ay para sa mangmang.+

 4 Huwag mong sagutin ang mangmang ayon sa kamangmangan niya

Para hindi mo maibaba ang sarili mo sa kalagayan niya.*

 5 Sagutin mo ang mangmang ayon sa kamangmangan niya

Para hindi niya isiping marunong siya.+

 6 Kung ipinagkatiwala ng sinuman ang mga bagay-bagay sa isang mangmang,

Para na rin niyang pinutol ang mga paa niya at pininsala ang sarili niya.

 7 Gaya ng mga binti* ng pilay

Ang kawikaan sa bibig ng mga mangmang.+

 8 Gaya ng pagtatali ng bato sa panghilagpos

Ang pagbibigay ng karangalan sa mangmang.+

 9 Gaya ng matinik na halaman sa kamay ng lasenggo

Ang isang kawikaan sa bibig ng mga mangmang.

10 Gaya ng mamamanà na tira lang nang tira*

Ang taong umuupa sa mangmang o sa napadaan lang.

11 Gaya ng asong kinakain ulit ang kaniyang suka,

Inuulit ng mangmang ang kamangmangan niya.+

12 Nakakita ka na ba ng taong nag-iisip na marunong siya?+

Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kaniya.

13 Sinasabi ng tamad: “May leon sa lansangan,

May leon sa liwasan!”*+

14 Kung paanong paulit-ulit na pumipihit ang pinto sa bisagra,*

Ganoon ang tamad sa higaan niya.+

15 Ang kamay ng tamad ay dumadampot ng pagkain sa mangkok,

Pero pagod na pagod siya para isubo pa ito sa bibig niya.+

16 Iniisip ng tamad na mas marunong siya

Kaysa sa pitong taong nagbibigay ng mahusay na pangangatuwiran.

17 Gaya ng taong sumusunggab sa mga tainga ng aso

Ang taong napadaan lang at nagagalit dahil* sa away ng iba.+

18 Gaya ng baliw na nagpapahilagpos ng nagliliyab na mga sibat at nakamamatay na palaso*

19 Ang taong pinagkakatuwaan ang* kapuwa niya at sinasabi, “Nagbibiro lang ako!”+

20 Kapag walang kahoy, namamatay ang apoy,

At kapag walang maninirang-puri, natitigil ang pagtatalo.+

21 Gaya ng uling para sa mga baga at kahoy para sa apoy

Ang taong mahilig makipagtalo na nagpapasimula* ng away.+

22 Ang pananalita ng maninirang-puri ay gaya ng masarap na pagkain;*

Nilululon iyon agad at dumederetso sa tiyan.+

23 Gaya ng pampakintab na pilak sa isang piraso ng palayok

Ang matatamis na salita mula sa* masamang puso.+

24 Itinatago ng tao ang kaniyang poot sa pamamagitan ng mga labi niya,

Pero may panlilinlang sa loob niya.

25 Kahit mabait siyang magsalita, huwag kang magtiwala sa kaniya,

Dahil may pitong kasuklam-suklam na bagay sa puso niya.*

26 Bagaman ang poot niya ay naitatago ng panlilinlang,

Ang kasamaan niya ay ilalantad sa kongregasyon.

27 Ang gumawa ng hukay ang siya ring mahuhulog doon,

At ang sinumang nagpapagulong ng bato—babalik iyon sa kaniya.+

28 Ang sinungaling na dila ay napopoot sa mga ipinahamak nito,

At ang mambobolang bibig ay nakapipinsala.+

27 Huwag mong ipagyabang ang susunod na araw,

Dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa* bawat araw.+

 2 Hayaan mong ibang tao* ang pumuri sa iyo, sa halip na sarili mong bibig;

Ang iba,* sa halip na sarili mong mga labi.+

 3 Parehong mabigat ang bato at buhangin,

Pero mas mabigat sa mga ito ang pagkainis na dulot ng isang mangmang.+

 4 Ang pagngangalit ay malupit, at ang galit ay gaya ng baha,

Pero mas malala ang pagseselos.+

 5 Mas mabuti ang hayagang pagsaway kaysa sa pag-ibig na hindi ipinapakita.+

 6 Ang mga sugat na dulot ng isang kaibigan ay tanda ng katapatan,+

Pero marami* ang halik ng isang kaaway.

 7 Tinatanggihan* ng busog ang purong pulot-pukyutan;

Pero sa gutom, kahit ang mapait ay nagiging matamis.

 8 Gaya ng ibong napalayo sa pugad nito

Ang taong napalayo sa tahanan niya.

 9 Ang langis at insenso ay nagpapasaya sa puso;

Gayon din ang pagkakaibigang pinapatibay ng taimtim na pagpapayo.+

10 Huwag mong iwan ang kaibigan mo o ang kaibigan ng iyong ama,

At huwag kang pumasok sa bahay ng kapatid mo sa panahong may problema ka;*

Mas mabuti ang malapit na kapitbahay kaysa sa kapatid na nasa malayo.+

11 Magpakarunong ka, anak ko, at pasayahin mo ang puso ko+

Para may maisagot ako sa tumutuya* sa akin.+

12 Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago,+

Pero tulóy lang ang mga walang karanasan at pinagdurusahan ang epekto* nito.

13 Kunin mo ang damit ng isang tao kung nanagot siya para sa estranghero;

Kunin mo ang prenda niya kung nanagot siya para sa babaeng banyaga.*+

14 Kapag binati* nang malakas ng isang tao ang kapuwa niya kahit napakaaga pa,

Ituturing itong sumpa mula sa kaniya.

15 Ang asawang babae na mahilig makipagtalo* ay gaya ng bubong na laging tumutulo kapag umuulan.+

16 Sinumang makapipigil sa kaniya ay makapipigil din sa hangin

At makadadakot ng langis sa kanang kamay.

17 Kung paanong ang bakal ay napatatalas ng bakal,

Napatatalas din ng isang tao ang kaibigan* niya.+

18 Ang nag-aalaga sa puno ng igos ay kakain ng bunga nito,+

At ang nangangalaga sa panginoon niya ay pararangalan.+

19 Kung paanong naaaninag sa tubig ang mukha ng isang tao,

Maaaninag din ang puso ng isang tao sa puso ng kapuwa niya.

20 Kung paanong hindi nakokontento ang Libingan at ang lugar ng pagkapuksa,*+

Hindi rin nakokontento ang mga mata ng tao.

21 Kung paanong ang dalisayang kaldero ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto,+

Nasusubok ang isang tao dahil sa papuring natatanggap niya.*

22 Dikdikin mo man ang mangmang

Gaya ng dinurog na butil sa almires,

Hindi pa rin hihiwalay sa kaniya ang kamangmangan.

23 Dapat na alam na alam mo ang kaanyuan ng iyong kawan.

Alagaan mong mabuti ang* iyong mga tupa,+

24 Dahil ang kayamanan ay hindi nananatili magpakailanman,+

At ang korona* ay hindi rin naipapasa sa lahat ng henerasyon.

25 Nawawala ang berdeng damo at may lumilitaw na bagong damo,

At ang pananim sa mga bundok ay tinitipon.

26 Galing sa mga batang lalaking tupa ang iyong damit,

At galing sa mga lalaking kambing ang pambili mo ng bukid.

27 May sapat ding gatas ng kambing para maging pagkain mo,

Pagkain ng iyong sambahayan, at panustos ng iyong mga babaeng lingkod.

28 Ang masasama ay tumatakas kahit walang humahabol sa kanila,

Pero ang mga matuwid ay di-natitinag gaya ng leon.*+

 2 Kapag may paghihimagsik* sa lupain, papalit-palit ang pinuno,*+

Pero sa tulong ng taong may kaunawaan at kaalaman, magtatagal ang namamahala.*+

 3 Ang dukhang nandaraya sa mahihirap+

Ay gaya ng ulan na tumatangay sa lahat ng pagkain.

 4 Ang mga bumabale-wala sa kautusan ay pumupuri sa masama,

Pero ang mga sumusunod sa kautusan ay galit sa kanila.+

 5 Hindi naiintindihan ng masasama kung ano ang katarungan,

Pero nauunawaan ng mga humahanap kay Jehova ang lahat ng bagay.+

 6 Mas mabuti ang mahirap na lumalakad nang tapat

Kaysa sa mayaman na liko ang landasin.+

 7 Ang anak na may unawa ay sumusunod sa kautusan,

Pero ang nakikisama sa matatakaw ay humihiya sa kaniyang ama.+

 8 Ang nagpapayaman sa pamamagitan ng interes at labis na patubo+

Ay nag-iipon ng yaman para sa taong tumutulong sa mahihirap.+

 9 Ang tumatangging makinig sa kautusan

—Maging ang panalangin niya ay kasuklam-suklam.+

10 Ang nagliligaw sa mga matuwid patungo sa masamang daan ay mahuhulog sa sarili niyang hukay,+

Pero ang mga walang kapintasan ay aani ng mabuti.+

11 Matalino ang tingin ng mayaman sa sarili niya,+

Pero nakikita ng dukhang may kaunawaan kung sino talaga siya.*+

12 Napakaganda nga kapag nagtatagumpay ang mga matuwid,

Pero kapag masasama ang namahala, nagtatago ang mga tao.+

13 Ang nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi magtatagumpay,+

Pero ang nagtatapat at tumatalikod sa mga iyon ay kaaawaan.+

14 Maligaya ang taong laging nagbabantay,*

Pero ang taong nagpapatigas ng kaniyang puso ay mapapahamak.+

15 Gaya ng umuungal na leon at umaatakeng oso

Ang masamang taong namamahala sa isang bayang walang kalaban-laban.+

16 Ang lider na walang kaunawaan ay umaabuso sa kapangyarihan,+

Pero ang napopoot sa bagay na nakuha sa pandaraya ay magpapahaba ng buhay niya.+

17 Ang taong nababagabag dahil nagkasala siya ng pagpatay ay tatakas hanggang sa kamatayan niya.*+

Huwag siyang tulungan ng sinuman.

18 Ang lumalakad nang may katapatan ay maliligtas,+

Pero ang taong liko ang landasin ay biglang babagsak.+

19 Ang nagsasaka ng lupa niya ay magkakaroon ng saganang pagkain,

Pero ang nagpapakaabala sa walang-kabuluhang mga bagay ay maghihirap.+

20 Ang taong tapat ay tatanggap ng maraming pagpapala,+

Pero ang nagmamadaling yumaman ay hindi mananatiling walang-sala.+

21 Mahalagang maging patas;+

Pero posibleng makagawa ng masama ang isang tao para sa isang piraso ng tinapay.

22 Gustong-gustong yumaman ng taong mainggitin,*

Pero hindi niya alam na maghihirap siya.

23 Ang sumasaway sa kapuwa niya+ ay magiging mas kalugod-lugod sa bandang huli+

Kaysa sa taong nambobola.*

24 Ang nagnanakaw sa kaniyang ama at ina at nagsasabi, “Walang masama rito,”+

Ay kasamahan ng taong nagdudulot ng pinsala.+

25 Ang taong sakim* ay nagpapasimula* ng pagtatalo,

Pero ang nagtitiwala kay Jehova ay sasagana.*+

26 Ang nagtitiwala sa sarili niyang puso ay mangmang,+

Pero ang lumalakad nang may karunungan ay makatatakas.+

27 Ang nagbibigay sa dukha ay hindi kakapusin,+

Pero ang nagbubulag-bulagan sa pangangailangan nila ay tatanggap ng maraming sumpa.

28 Kapag namahala ang masasama, nagtatago ang mga tao,

Pero kapag nawala na sila, dumarami ang matuwid.+

29 Ang taong matigas pa rin ang ulo* kahit paulit-ulit na sawayin+

Ay biglang mapipinsala at hindi na gagaling.+

 2 Kapag marami ang matuwid, nagsasaya ang bayan,

Pero kapag masama ang namamahala, dumaraing ang bayan.+

 3 Ang umiibig sa karunungan ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+

Pero ang nakikisama sa mga babaeng bayaran ay lumulustay ng kayamanan niya.+

 4 Sa pamamagitan ng katarungan, pinatatatag ng hari ang kaharian niya,+

Pero ginigiba ito ng humihingi ng suhol.

 5 Ang nambobola ng kapuwa niya

Ay naglalatag ng lambat para sa paa nito.+

 6 Ang masamang tao ay nabibitag ng kasalanan niya,+

Pero ang matuwid ay humihiyaw nang may kagalakan at natutuwa.+

 7 Nababahala ang matuwid sa karapatan ng mahihirap,+

Pero walang pakialam dito ang masama.+

 8 Pinasisiklab ng mayayabang ang galit ng bayan,+

Pero ang marurunong ay pumapawi ng galit.+

 9 Kapag nakipagtalo ang matalino sa mangmang,

May sigawan at laitan, pero wala ring kahihinatnan.+

10 Ang mga mamamatay-tao ay napopoot sa sinumang walang-sala,*+

At gusto nilang patayin ang mga matuwid.*

11 Inilalabas ng mangmang ang lahat ng galit* niya,+

Pero nananatiling kalmado ang marunong.+

12 Kapag nakikinig sa kasinungalingan ang tagapamahala,

Magiging masama ang lahat ng lingkod niya.+

13 May pagkakatulad* ang dukha at ang nang-aapi:

Parehong pinagliliwanag ni Jehova ang mga mata nila.*

14 Kapag makatarungan ang hatol ng hari sa mahihirap,+

Mananatiling matatag ang trono niya.+

15 Ang pamalo* at saway ay nagbibigay ng karunungan,+

Pero ang batang hindi sinasaway ay nagdudulot ng kahihiyan sa kaniyang ina.

16 Kapag dumarami ang masasama, dumarami rin ang kasalanan,

Pero makikita ng mga matuwid ang pagbagsak nila.+

17 Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan;*

At mapasasaya ka niya nang husto.+

18 Kapag walang pangitain,* nagkakagulo ang bayan,+

Pero maligaya ang tumutupad ng kautusan.+

19 Ang isang lingkod ay ayaw magpatuwid sa salita,

Dahil kahit naiintindihan niya, hindi siya sumusunod.+

20 Nakakita ka na ba ng taong padalos-dalos sa pagsasalita?+

Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kaniya.+

21 Kung ibinibigay sa lingkod ang lahat ng gusto niya mula pagkabata,

Siya ay magiging walang utang na loob balang-araw.

22 Nagkakaroon ng away dahil sa taong magagalitin;+

Nakagagawa ng maraming kasalanan ang taong madaling magalit.+

23 Ang kayabangan ng isang tao ang magbababa sa kaniya,+

Pero ang mapagpakumbaba* ay mapararangalan.+

24 Ang kaibigan ng magnanakaw ay napopoot sa sarili niya.

Makarinig man siya ng panawagan para tumestigo,* hindi siya magsasalita.+

25 Ang panginginig sa harap ng* mga tao ay isang bitag,*+

Pero ang nagtitiwala kay Jehova ay poprotektahan.+

26 Marami ang gustong makipag-usap sa isang* tagapamahala,

Pero si Jehova ang nagbibigay ng katarungan sa isang tao.+

27 Ang taong di-makatarungan ay kasuklam-suklam sa mga matuwid,+

Pero ang matuwid ang pamumuhay ay kasuklam-suklam sa masama.+

30 Ang mahalagang mensahe ni Agur, na anak ni Jakeh, na sinabi niya kay Itiel, kina Itiel at Ucal.

 2 Mas ignorante ako kaysa kaninuman,+

At wala sa akin ang unawang taglay dapat ng isang tao.

 3 Wala akong karunungan,

At wala sa akin ang kaalaman ng Kabanal-banalan.

 4 Sino ang umakyat sa langit at bumaba?+

Sino ang nagtipon ng hangin sa mga palad niya?

Sino ang nagbalot ng tubig sa damit niya?+

Sino ang nagtakda ng* lahat ng hangganan ng lupa?+

Ano ang pangalan niya at ng anak niya—kung alam mo?

 5 Ang bawat pananalita ng Diyos ay dalisay.+

Siya ay kalasag sa mga nanganganlong sa kaniya.+

 6 Huwag kang magdagdag sa mga salita niya+

Para hindi ka niya sawayin

At mapatunayang sinungaling.

 7 Dalawang bagay ang hinihiling ko sa iyo.

Huwag mong ipagkait sa akin ang mga iyon bago ako mamatay.

 8 Ilayo mo sa akin ang mga bagay na di-totoo at mga kasinungalingan.+

Huwag mo akong gawing mahirap o mayaman.

Hayaan mo lang akong ubusin ang pagkaing para sa akin+

 9 Para hindi ako mabusog at ikaila ka at sabihin, “Sino si Jehova?”+

Huwag mo rin akong hayaang maghirap at magnakaw at malapastangan ang pangalan ng aking Diyos.

10 Huwag mong siraang-puri ang isang lingkod sa panginoon niya

Para hindi ka niya sumpain, at mapatutunayang mali ka.+

11 May henerasyong sumusumpa sa kanilang ama

At hindi nagpaparangal sa* kanilang ina.+

12 May henerasyong malinis ang tingin sa sarili+

Pero hindi pa nalilinis mula sa kanilang karumihan.*

13 May henerasyong napakamapagmataas ng mga mata

At napakayabang kung tumingin!+

14 May henerasyong parang espada ang mga ngipin

At parang mga kutsilyong pangkatay ang mga panga;

Nilalamon nila ang mahihirap sa lupa

At ang mga dukha sa sangkatauhan.+

15 Ang mga linta ay may dalawang anak na babae na sumisigaw, “Magbigay ka! Magbigay ka!”

May tatlong bagay na hindi nakokontento,

Apat na hindi nagsasabi, “Sapat na!”

16 —Ang Libingan*+ at baog na sinapupunan,

Isang lupaing uhaw sa tubig,

At apoy na hindi nagsasabi, “Sapat na!”

17 Ang matang umaalipusta sa ama at ayaw sumunod sa ina+

—Tutukain iyon ng mga uwak sa lambak,*

At kakainin iyon ng mga batang agila.+

18 May tatlong bagay na hindi abót ng isip ko,*

At apat na hindi ko naiintindihan:

19 Ang paglipad ng agila sa langit,

Ang pag-usad ng ahas sa bato,

Ang paglalayag ng barko sa dagat,

At ang pamamaraan ng isang lalaki kapag kasama ang isang dalaga.

20 Ganito ang gawain ng isang mapangalunyang babae:

Kumakain siya, pinupunasan ang bibig niya,

At sinasabi, “Wala akong ginawang masama.”+

21 May tatlong bagay na nagpapayanig sa lupa

At apat na bagay na hindi nito matiis:

22 Kapag naging hari ang alipin,+

Kapag tambak ang pagkain ng mangmang,

23 Kapag kinuha bilang asawa ang kinamumuhiang babae,*

At kapag pinalitan ng alilang babae ang* amo niyang babae.+

24 May apat na kabilang sa pinakamaliliit na nilikha,

Pero likas na marurunong ang* mga ito:+

25 Ang mga langgam ay hindi malalakas na nilalang,*

Pero nagtitipon sila ng pagkain sa tag-araw.+

26 Ang mga kuneho sa batuhan*+ ay hindi malalakas na nilalang,*

Pero tumitira sila sa malalaking bato.+

27 Ang mga balang+ ay walang hari,

Pero organisado* ang mga ito kapag humahayo.+

28 Ang tuko+ ay kumakapit gamit ang mga paa nito,

At nakakapasok ito sa palasyo ng hari.

29 May tatlong nilikha na kahanga-hanga ang paglakad,

Apat na nilikha na kahanga-hangang pagmasdan:

30 Ang leon, ang pinakamalakas na hayop,

Na walang inaatrasan;+

31 Ang asong matulin; ang lalaking kambing;

At ang hari na kasama ang hukbo niya.

32 Kung naging mangmang ka at itinaas mo ang sarili mo+

O kung pinaplano mong gawin iyon,

Takpan mo ng kamay ang bibig mo.+

33 Dahil kung paanong nagkakaroon ng mantikilya kapag binábati ang gatas

At lumalabas ang dugo kapag pinipisil ang ilong,

Nagkakaroon din ng mga pag-aaway kapag may nagpapasiklab ng galit.+

31 Ang mga salita ni Haring Lemuel, ang mahalagang mensahe na itinuro ng kaniyang ina:+

 2 Ano ang dapat kong sabihin sa iyo, O anak ko,

Ano, O anak ng aking sinapupunan,

At ano, O anak ng aking mga panata?+

 3 Huwag mong ibigay ang lakas mo sa mga babae,+

At huwag kang lumakad sa landasin na nagpapabagsak sa mga hari.+

 4 Hindi para sa mga hari, O Lemuel,

Hindi para sa mga hari na uminom ng alak

At hindi para sa mga tagapamahala na magsabi, “Nasaan ang inumin ko?”+

 5 Para hindi sila uminom at makalimutan ang naisabatas na

At maipagkait sa mahihirap ang karapatan ng mga ito.

 6 Bigyan ninyo ng inuming de-alkohol ang mga malapit nang mamatay+

At ng alak ang mga problemado.+

 7 Hayaan ninyo silang uminom para malimutan ang kahirapan nila

At hindi na maalaala ang kanilang mga problema.

 8 Magsalita ka para sa mga hindi makapagsalita;

Ipagtanggol mo ang karapatan ng lahat ng malapit nang mamatay.+

 9 Magsalita ka at maging patas sa paghatol;

Ipagtanggol mo ang karapatan* ng mga nangangailangan at dukha.+

א [Alep]

10 Sino ang makakahanap ng mahusay na* asawang babae?+

Mas malaki ang halaga niya kaysa sa mga korales.*

ב [Bet]

11 Buong-buo ang tiwala ng asawa niya sa kaniya,

At hindi ito nagkukulang ng anuman.

ג [Gimel]

12 Sa buong buhay niya,

Ginagawan niya ito ng mabuti, at hindi ng masama.

ד [Dalet]

13 Kumukuha siya ng telang lana at lino;

Gustong-gusto niyang magtrabaho gamit ang mga kamay niya.+

ה [He]

14 Gaya siya ng mga barko ng isang negosyante;+

Nagdadala siya ng pagkain mula sa malayo.

ו [Waw]

15 Madilim pa ay bumabangon na siya;

Naghahanda siya ng pagkain para sa sambahayan niya

At para sa mga lingkod niyang babae.+

ז [Zayin]

16 Sinusuri niyang mabuti ang isang bukid bago ito bilhin;

Nagtatanim siya ng mga ubas gamit ang kinita niya.*

ח [Het]

17 Inihahanda niya ang sarili sa mabigat na trabaho,*+

At pinalalakas niya ang kaniyang mga braso.

ט [Tet]

18 Tinitiyak niyang kumikita ang negosyo niya;

Ang lampara niya ay hindi namamatay sa gabi.

י [Yod]

19 Hawak ng isang kamay niya ang panulid

At ng isa naman ang kidkiran.*+

כ [Kap]

20 Iniaabot niya ang kaniyang kamay sa nangangailangan

At binubuksan ang mga kamay niya sa mga dukha.+

ל [Lamed]

21 Hindi siya nag-aalala para sa sambahayan niya kapag umuulan ng niyebe,

Dahil may suot na pangginaw ang* buong sambahayan niya.

מ [Mem]

22 Siya ang gumagawa ng sarili niyang kubrekama.

Ang mga damit niya ay gawa sa lino at purpurang lana.

נ [Nun]

23 Ang asawa niya ay kilalang-kilala sa mga pintuang-daan ng lunsod,+

Kung saan ito umuupo kasama ng matatandang lalaki sa lupain.

ס [Samek]

24 Gumagawa siya at nagbebenta ng mga damit na lino*

At nagsusuplay ng sinturon sa mga negosyante.

ע [Ayin]

25 Nadaramtan siya ng lakas at kagandahan,

At hindi siya nag-aalala sa* hinaharap.

פ [Pe]

26 Makikita ang karunungan kapag nagsasalita siya;+

Ang kautusan ng kabaitan* ay nasa kaniyang bibig.*

צ [Tsade]

27 Binabantayan niya ang gawain ng sambahayan niya,

At hindi niya kinakain ang tinapay ng katamaran.+

ק [Kop]

28 Ang mga anak niya ay tumatayo at ipinahahayag siyang maligaya;

Tumatayo ang asawa niya at pinupuri siya.

ר [Res]

29 Marami ang mahuhusay na* babae,

Pero ikaw—ikaw ay nakahihigit sa kanilang lahat.

ש [Shin]

30 Mapandaya ang halina, at pansamantala lang* ang kagandahan,+

Pero ang babaeng natatakot kay Jehova ay papupurihan.+

ת [Taw]

31 Gantimpalaan ninyo siya para sa mga ginagawa niya,*+

At purihin sana siya sa mga pintuang-daan ng lunsod dahil sa mga gawa niya.+

Lit., “disiplina.”

Tingnan sa Glosari.

O “kakayahang magpasiya.”

O “pagiging patas.”

O “at talinghaga.”

O “matinding paggalang.”

O “kautusan.”

Palamuting ipinapatong sa ulo.

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “Makipagsapalaran ka kasama namin.”

Lit., “At magkaroon tayo ng iisang supot.”

O “tumapak.”

Lit., “ang mga paa nila.”

O “plaza.”

O “Manumbalik kayo dahil sa aking saway.”

O “ang kapangyarihan ng aking karunungan.”

Lit., “kakainin.”

O “mabubundat.”

O “pakana; plano.”

O “iingatan.”

O “praktikal na karunungan.”

O “kalasag.”

Lit., “estrangherong.” Malamang na tumutukoy sa isa na nasira ang kaugnayan sa Diyos dahil sa hindi pagsunod sa Kaniyang pamantayang moral.

Lit., “madulas.”

Lit., “banyagang.” Malamang na tumutukoy sa isa na hiwalay sa Diyos dahil sa hindi pagsunod sa Kaniyang pamantayang moral.

O “sa asawa niya.”

O “umaakay.”

Lit., “bakas.”

Lit., “pumupunta.”

O “ang mga nananatiling tapat.”

O “batas.”

O “katotohanan.”

O “sa tapyas ng puso.”

O “manalig.”

Lit., “pusod.”

O “Ng pinakamaganda sa.”

O “kita.”

Tingnan sa Glosari.

Lumilitaw na tumutukoy sa mga katangian ng Diyos na binanggit sa naunang mga talata.

O “praktikal na karunungan.”

O “At ang paa mo ay hindi hahampas sa anuman.”

O “sa mga nararapat tumanggap nito.”

O “Kung nasa kapangyarihan naman ng kamay mo na.”

O “kautusan.”

Ama.

O “pangunahing.”

Palamuting ipinapatong sa ulo.

Lit., “Ikiling mo ang iyong tainga.”

Lit., “laman.”

O “ititig mo ang mga nagniningning mong mata.”

O posibleng “Pag-isipan mong mabuti.”

Lit., “Ikiling mo ang iyong tainga.”

O “kaalaman.”

Lit., “mga labi.”

Lit., “estrangherong.” Tingnan ang Kaw 2:16.

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “ang lakas.”

O “kinapootan.”

Lit., “Sa gitna ng kapulungan at ng kongregasyon.”

O “umaagos na.”

O “plaza.”

Tinatawag ding ibex.

O “Magpakalango.”

Lit., “estrangherong.” Tingnan ang Kaw 2:16.

Lit., “banyagang.” Tingnan ang Kaw 2:16.

O “lubid.”

O “kung nanagot ka para sa kapuwa mo.”

Nakipagkamay para sa isang kasunduan.

Isang hayop na parang usa.

O “kautusan.”

O “kakausapin.”

Lit., “banyagang.” Tingnan ang Kaw 2:16.

Lit., “humihipo rito.”

Lit., “kapos ang puso.”

O “Sugat.”

O “pantubos.”

O “ingatan.”

O “batas.”

O “sa tapyas ng puso.”

Lit., “estrangherong.” Tingnan ang Kaw 2:16.

Lit., “banyagang.” Tingnan ang Kaw 2:16.

O “madulas.”

O “walang muwang.”

Lit., “kapos ang puso.”

O “Tuso ang puso nito.”

O “at suot nito ang damit.”

Lit., “Hindi nananatili ang mga paa niya.”

O “plaza.”

Sa Ingles, cinnamon.

O “madulas.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “sa mga anak ng tao.”

Lit., “unawain ninyo ang puso.”

Tingnan sa Glosari.

O “praktikal na karunungan.”

O “Pamanang yaman.”

O “mula pa noong panahong walang takda.”

O “isinilang ako nang may kirot ng panganganak.”

O “Nang gumuhit siya ng bilog sa ibabaw ng tubig.”

Lit., “patatagin.”

O “hindi dapat lumampas ang tubig nito ayon sa utos niya.”

O “At talagang nalulugod ako sa.”

O “ang sangkatauhan.”

O “Ang nananatiling gisíng.”

O “Tumabas.”

Lit., “Nakatay na niya ang kakatayin niya.”

Lit., “kapos ang puso.”

O “ang mga walang karanasan.”

Lit., “kapos ang puso.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

Tingnan sa Glosari.

O “alaala tungkol sa.”

O “may marunong na puso.”

Lit., “mga utos.”

Lit., “kapos ang puso.”

O “nag-iingat.”

O “Ang mahalagang pag-aari.”

O “ang napapaderang lunsod.”

O posibleng “ay nasa daan ng buhay.”

O “tsismis.”

Lit., “mga labi.”

O “pumapatnubay.”

O “lungkot; problema.”

O “para sa nagsugo sa kaniya.”

O “pag-asa.”

O “nagbubunga.”

O “masamang.”

O “liko.”

O “ang hustong batong panimbang.”

O “mga kumikilala sa kanilang limitasyon.”

O “Ang mahahalagang pag-aari.”

O “di-makadiyos.”

O “kilala.”

Lit., “kapos ang puso.”

O “namumuhi.”

O “tunay.”

Lit., “may tapat na espiritu.”

Lit., “ay nagtatakip ng isang bagay.”

O “kaligtasan.”

O “Ang nananagot para sa.”

Lit., “ang napopoot sa pakikipagkamay.”

O “babaeng kahali-halina.”

O “mga walang awa.”

O “Kapag may tapat na pag-ibig.”

O “napapahiya.”

O “katuwiran.”

O “na kulang sa unawa.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “patatabain.”

Lit., “saganang dumidilig.”

O “pagsang-ayon.”

O “kahihiyan.”

O “ay magmamana ng hangin.”

O “ng may pusong marunong.”

O “mabubunot.”

O “may-kakayahang.”

Lit., “naghihintay para sa dugo.”

Lit., “tinapay.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “kapos ang puso.”

Lit., “bunga ng bibig.”

O “nagpapakita ng pagkainis sa araw ding iyon.”

Lit., “Pero tinatakpan.”

Lit., “ng kung ano ang matuwid.”

Lit., “nagpapayo.”

Lit., “puso ng mangmang.”

O “nagpapadepres sa.”

Lit., “manunuya.”

O “pagtutuwid.”

Lit., “bibig.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “sinasabi.”

Lit., “ay patatabain.”

Lit., “makaririnig ng saway.”

Lit., “nagsasaya.”

O “ay nagsasanggunian.”

O “na nakuha sa walang-kabuluhang paraan.”

Lit., “na tinipon ng kamay.”

O “inaasam.”

O “nagpapasakit ng.”

O “salita.”

O “batas.”

O “saway.”

O “nakikipag-ugnayan.”

O “siyang.”

O “Ang hindi nagpaparusa.” Lit., “Ang nag-uurong ng pamalo.”

O posibleng “dinidisiplina niya ito agad.”

O “pamilya.”

O “Pero ang mapanlinlang.”

O “manunuya.”

O posibleng “ay nandaraya gamit ang.”

O “pakikipag-ayos.”

O “Pero may pagkakasundo sa gitna ng mga matuwid.”

O “ay uunlad.”

O “may masamang puso.”

O “walang muwang.”

O “mapusok.”

O “ang taong may kakayahang mag-isip.”

O “walang muwang.”

O “nagpapalusog.”

O “ay makakahanap ng kanlungan dahil sa.”

Tingnan sa Glosari.

O “lugar.”

O “nagpapagaling na.”

Lit., “ay dumudurog ng espiritu.”

O “saway.”

O “kita.”

O “masama.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “ang Abadon.”

O “sumasaway.”

O “dumudurog ng espiritu.”

O “nabubusog.”

O “mabuti.”

O “kalituhan.”

Lit., “sa torong pinakakain sa sabsaban.”

Lit., “kapos ang puso.”

O “kapag walang masinsinang usapan.”

Lit., “ng sagot ng bibig niya.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “kahihiyan.”

O “nagbubulay-bulay muna bago magsalita; nag-iisip na mabuti kung paano sasagot.”

O “Ang tingin na may kasamang ngiti.”

Lit., “nagpapataba.”

Lit., “puso.”

O “tamang sagot.” Lit., “sagot ng dila.”

Lit., “dalisay.”

Lit., “espiritu.”

Lit., “Igulong.”

O “Minamaniobra.”

O “makatarungan.”

O “naiiwasan.”

O “Ang pagsang-ayon.”

Lit., “mababa ang espiritu.”

Lit., “ay makakakita ng mabuti.”

O “ang may pusong.”

O “ang kahali-halinang pananalita.” Lit., “ang tamis ng mga labi.”

O “gaya ng bahay-pukyutan.”

Lit., “bibig.”

O “Ang bumubuo ng mga pakana.”

O “karangalan.”

Lit., “espiritu.”

O “katahimikan.”

Lit., “handog.”

O “magulang.”

O “matuwid.”

O “prominenteng tao.”

O “ng batong nagdadala ng pagsang-ayon.”

O “nagtatakip.”

O “naghahangad.”

O “pagbubukas ng dam.”

O “wala naman siyang puso para.”

O “Kung kulang naman siya sa unawa?”

O “kapighatian.”

O “Na garantiyahan ang.”

Lit., “Ang nagpapataas ng pasukan niya.”

Lit., “hindi makakakita ng mabuti.”

O “ay nakapagpapagaling.”

O “ang duróg na espiritu.”

O “nakatutuyo sa mga buto.”

Lit., “ay tatanggap ng suhol mula sa dibdib.”

Lit., “At kapaitan.”

O “pagmultahin.”

Lit., “malamig ang espiritu.”

O “Hinahamak.”

O “praktikal na karunungan.”

Lit., “sa unawa.”

O “ang nasa puso.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “gaya ng mga bagay na nilululon nang may kasibaan.”

O “kapatid ng magnanakaw.”

Lit., “at naitataas,” o nailalagay sa lugar na ligtas at hindi maaabot.

O “napapaderang lunsod.”

O “sa duróg na espiritu?”

O “siyasatin.”

Lit., “At pinaghihiwalay nito ang.”

Lit., “bibig.”

O “kabutihang-loob.”

Lit., “ang nagmamadali ang paa.”

O “ng bukas-palad.”

Lit., “Ang nagtatamo ng puso.”

Lit., “ay makakakita ng mabuti.”

O “pagsalansang; malaking kasalanan.”

O “asawang bungangera.”

O “gagantimpalaan.”

O “At huwag mong hangarin ang.”

O “layunin.”

Lit., “sa mga pananalita.”

O “Ang pagiging nakakatakot ng.”

O posibleng “Maghahanap siya sa panahon ng pag-aani pero walang makikita.”

O “intensiyon.” Lit., “payo.”

O “Ang kaisipan ng tao.”

O “Ang dalawang klase ng batong panimbang at dalawang klase ng takalan.”

O “ang isang batang lalaki.”

Tingnan sa Glosari.

O “para sa banyaga.”

O “Magiging matatag.”

O “dahil sa mga payo.”

O “sa nanghihiyakat sa pamamagitan ng mga labi niya.”

O “Ang dalawang klase ng batong panimbang.”

O “Dahil paano maiintindihan ng tao ang sarili niyang lakad?”

O “ay kumakayod sa.”

O “motibo.”

O “magdudulot ng pakinabang.”

O posibleng “gaya ng singaw na naglalaho para sa mga naghahanap ng kamatayan.”

O “sa isang sulok ng bubong.”

O “asawang bungangera.”

O “alam niya ang gagawin niya.”

Lit., “ang suhol mula sa dibdib.”

O “kaluguran.”

O “asawang bungangera.”

Lit., “lalamunin.”

Tingnan sa Glosari.

O “talunin.”

Lit., “lakas.”

O “inihandog niya ito kasabay ng kahiya-hiyang paggawi.”

Lit., “At magsasalita magpakailanman.”

O “Pero pinatatatag ng matuwid ang landasin niya.”

O “Ang magandang reputasyon.” Lit., “Ang pangalan.”

Lit., “pagsang-ayon.”

Lit., “Nagkita.”

O “parusa.”

O “kabataan.”

O “At ang kalupitan niya ay magwawakas.”

Lit., “Ang may mabuting mata.”

O “demandahan.”

O “plaza.”

Lit., “estrangherong.” Tingnan ang Kaw 2:16.

O “kabataan.”

Lit., “Ikiling mo ang iyong tainga.”

Tanda ng hangganan.

O “Pigilan mo ang sarili mo.”

O “Kung marami kang ninanasa.” Sa Hebreo, ang salitang ginamit para sa “ninanasa” ay neʹphesh. Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O posibleng “Tumigil ka sa paggamit ng sarili mong unawa.”

O “ng may masamang mata.”

Lit., “ang puso niya ay hindi sumasaiyo.”

Tanda ng hangganan.

Lit., “Manunubos.”

O “kabataan.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

Lit., “ang puso mo.”

Lit., “mga bato.”

O “Huwag kang makisama sa.”

O “Kunin.”

Lit., “banyagang.” Tingnan ang Kaw 2:16.

O “may mga matang walang ningning?”

O “mga nagsasama-sama para tumikim.”

O “sa tuktok ng palo,” o ang pinagkakabitan ng layag.

O “hindi ako nasaktan.”

O “Hahanapin ko pang muli iyon.”

O “binubulay-bulay.”

O “Nagiging matibay ang sambahayan.”

O “kaligtasan.”

O “eksperto sa mga pakana.”

O “Ang mangmang na mga plano.”

O “sa araw ng kapighatian.”

O “motibo.”

O “mainis; mag-init.”

O “sa mga gusto ng pagbabago.”

Si Jehova at ang hari.

O posibleng “Ang deretsahang pagsagot ay gaya ng paghalik.”

O “magtatag ng sambahayan.”

O “Gaganti ako.”

Lit., “kapos ang puso.”

Lit., “tinanggap ko ang disiplina:”

O “kinopya at tinipon.”

O “lihim ng iba.”

O “ang mapanirang tsismis.”

O “sa enggasteng pilak; sa inukit na pilak.”

Lit., “regalong walang katotohanan.”

O “ang mahinahong dila.”

O “kapootan.”

O posibleng “Ang taksil.”

Sa Ingles, alkali.

Lit., “ang napopoot sa iyo.”

Ibig sabihin, mapalalambot ang puso niya.

O “sa isang sulok ng bubong.”

O “asawang bungangera.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “nakipagkompromiso sa.” Lit., “sumusuray-suray sa harap ng.”

O “hindi nakakokontrol sa espiritu niya.”

Isang uri ng ibon.

O posibleng “Hindi nagkakatotoo ang sumpang di-nararapat.”

O “Para hindi ka maging katulad niya.”

O “nakalaylay na mga binti.”

O “na sinusugatan ang lahat.”

O “plaza.”

O “paikutan.”

O posibleng “at nakikialam.”

Lit., “at palaso at kamatayan.”

O “nanlilinlang sa.”

O “nagpapalala.”

O “gaya ng mga bagay na nilululon nang may kasibaan.”

Lit., “Ang maalab na mga labi na may.”

O “Dahil talagang kasuklam-suklam ang puso niya.”

Lit., “ang ipanganganak ng.”

Lit., “estranghero.”

Lit., “Ang banyaga.”

O posibleng “di-taimtim; pilít.”

Lit., “Inaapak-apakan.”

O “sa panahon ng sakuna.”

O “humahamon.”

O “parusa.”

O “para sa banyaga.”

O “pinagpala.”

O “asawang bungangera.”

Lit., “ang mukha ng kaibigan.”

O “ang Sheol at ang Abadon.”

O “Gayon din ang mga papuri para sa isang tao.”

O “Ituon mo ang iyong puso sa; Bigyang-pansin mo ang.”

O “diadema.”

O “batang leon.”

O “pagsuway.”

O “prinsipe.”

Lit., “magtatagal siya.”

Ang mayaman.

O “laging may takot.”

O “hanggang sa hukay.”

O “sakim.”

O “nambobola gamit ang dila niya.”

O posibleng “mayabang.”

O “nagpapalala.”

Lit., “patatabain.”

O “nagpapatigas ng kaniyang leeg.”

O “walang kapintasan.”

O posibleng “Pero sinisikap ng matuwid na protektahan ang buhay niya.”

O “lahat ng nadarama.” Lit., “buong espiritu.”

Lit., “Nagkita.”

Ibig sabihin, binibigyan Niya sila ng buhay.

O “disiplina; parusa.”

Lit., “kapahingahan.”

O “patnubay mula sa Diyos.”

Lit., “ang mababa ang espiritu.”

O “ng panatang may kasamang sumpa.”

O “Ang pagkatakot sa.”

O “ay nag-uumang ng bitag.”

O posibleng “ang gustong makuha ang pabor ng.” Lit., “ang humahanap sa mukha ng.”

Lit., “nagpaangat sa.”

Lit., “hindi pinagpapala ang.”

Lit., “dumi.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “wadi.”

O “na sobrang kahanga-hanga para sa akin.”

O “ang babaeng hindi minamahal.”

O “kapag inagaw ng alilang babae ang puwesto ng.”

O “Pero napakatalino ng.”

Lit., “hindi malakas na bayan.”

Tinatawag ding hyrax.

Lit., “hindi malakas na bayan.”

O “grupo-grupo.”

O “usapin.”

O “may-kakayahang.”

Tingnan sa Glosari.

Lit., “ang bunga ng mga kamay niya.”

Lit., “Binibigkisan niya ng lakas ang balakang niya.”

Ang panulid at kidkiran ay mga piraso ng kahoy na ginagamit sa pag-ikid o paggawa ng sinulid.

Lit., “Dahil doble ang suot ng.”

O “mga panloob.”

O “At tinatawanan niya ang.”

O “tapat na pag-ibig.”

O “Mabait siyang magsalita kapag nagtuturo.”

O “may-kakayahang.”

O “at walang silbi.”

Lit., “Ibigay ninyo sa kaniya ang bunga ng mga kamay niya.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share