Baluti
Noong unang siglo, nagsusuot ang mga sundalong Romano ng iba’t ibang klase ng baluti para protektahan ang kanilang dibdib at likod. Espesyal ang baluti ng matataas na opisyal (1); gawa ito sa dalawang piraso ng metal na pinagdugtong at sakto sa katawan nila. Ang harap at likurang bahagi nito ay pinagdurugtong ng mga turnilyo sa isang gilid at ng sinturon o tali naman sa kabilang gilid. Maraming sundalo ang nagsusuot ng tulad-kaliskis na baluting gawa sa bakal o tanso na may halong ibang metal (2). Nakakabit ang mga kaliskis sa katad o lino. Ipinapatong naman ng iba ang baluti sa kasuotang katad na may manggas (3). Gawa ito sa libo-libong tulad-singsing na mga bakal na pinagdugtong-dugtong. Napakatibay nito at mas magaan kaysa sa ibang baluti. Ginamit ni Pablo ang baluti para ilarawan kung paano tayo pinoprotektahan ng katuwiran, pananampalataya, at pag-ibig.—Efe 6:14; 1Te 5:8.
Kaugnay na (mga) Teksto: