Pagsusulat ng Liham
Makikita rito ang ilang gamit sa pagsulat noong unang siglo C.E. Posibleng gumagamit ang mga manunulat ng isang panulat na pinutol mula sa isang uri ng tambo na makukuha sa Ilog Nilo. Kadalasan na, gumagamit sila ng murang itim na tinta. Makikita sa larawan ang lalagyan ng tinta noon. Iba-iba ang ginagamit nilang sulatan, gaya ng piraso ng kahoy, luwad, pergamino, o papiro. Makakagawa ng mahabang liham ang isang manunulat sa isang balumbon ng papiro, at puwede pa niyang gupitin ang natitirang bahagi para magamit niya ito sa susunod. Kapag maikli lang ang liham, puwedeng bumili ang manunulat ng isang piraso ng papiro, na gugupitin ng nagtitinda mula sa rolyo. Karamihan sa mga liham ay maikli lang. Halimbawa, masasabing katamtaman ang haba ng liham ni Pablo kay Filemon. Karamihan ng aklat sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ay mga liham, na isinulat ng mga tagasunod ni Jesus sa patnubay ng espiritu.
Credit Lines:
Kaliwa sa itaas: © Trustees of the British Museum. Licensed under CC BY-NC-SA 4.0 (http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/). Source: https://www.britishmuseum.org/collection/object/Y_EA38145; Kaliwa sa ibaba: The Metropolitan Museum of Art, Fletcher Fund, 1926
Kaugnay na (mga) Teksto: