Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 1/22 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Karapatan” ng mga Patutot
  • Ritwal Para sa mga Hayop
  • Nagugutom na mga Takas
  • Panganib ng Tabako
  • ‘Taksi ng Mahihirap’
  • TV at mga Tsuper
  • Panganib sa mga Alagang Hayop
  • Pandaigdig na Suliranin sa Pag-inom
  • Mga Panganib ng Pagsasalin ng Dugo
  • Balita sa Palaka
  • “Burnout”—Ikaw ba ang Susunod?
    Gumising!—1995
  • “Burnout”—Paano Mo Mapagtatagumpayan?
    Gumising!—1995
  • “Burnout”—Sino ang Nanganganib at Bakit?
    Gumising!—1995
  • Kung Paano Haharapin ang Burnout
    Gumising!—2014
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 1/22 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

“Karapatan” ng mga Patutot

● Sa mga panahong ito na lahat na ng grupo ay naggigiit ng kanilang “mga karapatan,” isang grupo sa Canada na tinatawag na mga Kaibigan ni Jezebel ang nakikipagpunyagi upang gawing legal ang pagpapatutot. Iniulat ng The Toronto Star na sa pag-aangking sila ang pinakaaping grupong minoriya sa Canada, ‘ipaglalaban daw nila ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng Saligang-Batas ng Canada upang ang pagpapatutot ay maging isang lehitimong hanapbuhay.’ “Kami ang mga ketongin ng lipunan sa mga taón ng 1980,” sabi ng tagapag-organisa nito, isang patutot. “Nais namin na ang patutot ay kilalanin ng lipunan bilang isang persona, sa halip lamang na basurang nakatayo sa lansangan.”

Ritwal Para sa mga Hayop

● Ang paglilibing sa mga alagang hayop ay ginagawa araw-araw sa Jikkein, isang templo ng mga Zen Budhista sa karatig ng Tokyo. Ayon sa Auckland Star ng New Zealand, ang rituwal ng mga hayop “ay nagsisimula sa isang kalbong pari na umuusal ng mga sutra at ng mga pagkampana na humihiling sa pagkanaroroon ni Buddha, at isa na namang kaluluwa, yaong sa isang asong pekinese na malasutla ang kaputian, ang nagpasimula sa mahabang paglalakbay tungo sa nirvana.” Sinabi ng punong pari: “Sa Budhismo lahat na nabubuhay na bagay ay maaaring sumapit sa pagiging-Buddha. Ang aming ritwal para sa hayop ay kagaya niyaong sa tao.” Sampung libong hayop taun-taon ang sinusunog sa templo at simpleng mga ritwal ang ginagawa para sa bawa’t grupo. Ang paglilibing sa mga alagang hayop ay karagdagang “pagkakakitaan.” Ang pantanging mga lalagyan ay maaaring makamit sa karagdagang bayad. Isang babae ang tumanggi sa isang mas mamahaling sisidlan na kapantay ng mata “sapagka’t ayaw niyang makatabi ng kaniyang aso ang isang pusa.”

Nagugutom na mga Takas

● “Sinasabi ng mga opisyal sa Zimbabwe na mga 100,000 taga-Mozambique, karamiha’y nagugutom, ang dumadagsa sa dakong hilaga at silangan nitong nakaraang ilang buwan,” iniulat ng The New York Times. Ang malubhang tagtuyot at karahasan ng mga rebelde sa Timog Aprika ang naging sanhi ng paglikas, dagdag pa nito. Ang malnutrisyon ay nagbunga ng paglaki ng mga tiyan, pamumula ng buhok, na tanda ng kakulangan sa proteina, at pagkabulag dahil sa kakulangan ng bitamina A. Sinasabing lima hanggang pito ang namamatay araw-araw sa Mukosa. Isang pamilya ng mga takas ay naglakad ng 75 milya (120 km) at, bilang paglalarawan sa mga kalagayan, nagsabi: “Sa bawa’t nayon gusto sanang sumama sa amin ang mga tao pero napakahina nila. Kung hindi rin kami aalis baka doon na kami mamatay.”

Panganib ng Tabako

● Isa pang panganib sa paghitit ng tabako ay naging tampok na balita​—ang halaga nito. Tinuos ni Don Shaughnessy, autoridad sa siyensiya ng komputer, na kung ang isa ay hihinto ng paghitit ng isang pakete araw-araw at ang perang natipid ay buong katapatang ilalagay sa bangko na may tambalang interes, sa loob ng 40 taon ang kaniyang pera sa bangko ay aabot ng $282,707.83 (U.S.) Bukod dito, sabi niya, “ang pagpapaseguro sa buhay ay 50 porsiyento ang kamurahan para sa mga hindi humihitit.”

‘Taksi ng Mahihirap’

● Sa Jakarta, Indonesiya, ang becak, o traysikel na de-pedal, ay tinatawag na taksi ng mahihirap. Nguni’t magwawakas na ang paglilingkod nito sapagka’t iginigiit ng city hall na ang mga ito ay panganib sa magulong trapiko ng Jakarta at hindi nababagay sa makabagong larawan ng lungsod, iniulat ng The New York Times ng Pebrero 26, 1984. Ang pantiyon ng becak ay may libu-libo nang nakompiskang mga pedicab at 16,000 pa ang kokompiskahin sa susunod na operasyon, subali’t may 8,000 na nagtataglay ng legal na permiso ang patatakbuhin hanggang sa matapos ang taóng ito. May bentaha ang mababagal na becak sapagka’t ang mga ito ay tahimik, mura, madaling kumpunihin at hindi nakakarumi sa hangin. Ang pagpapahinto sa mga ito ay maghaharap ng suliraning pangkabuhayan para sa sampu-sampung libong drayber at ng kanilang pamilya na dito umaasa ng ikabubuhay. Ang mga becak ay papalitan ng bajaj, isang de-motor na traysikel na mas mura pa rin kaysa taksi.

TV at mga Tsuper

● “Maaaring makamatay ang leksiyon na natututuhan ng mga batang-batang tsuper mula sa TV,” sabi ng Motorland Magazine. Ipinakikita ng ilang palabas sa TV ang mabibilis na habulan at nakatutuwang pagbabanggaan na kung saan ang bayani ay nakakaligtas nang walang pinsala.” Idinagdag pa ng ulat: “Ang mga katibayan ay hindi tunay na nakakaaliw” kapag isinasaalang-alang na ang mga aksidente sa kotse ay Numero Unong mamamatay ng mga tin-edyer sa Estados Unidos. “Ang pagpapatulin at kawalang-ingat ay umaangkin ng maraming biktima araw-araw.”

Panganib sa mga Alagang Hayop

● Sinasabi ng JAMA (Journal of the American Medical Association) na ang mga hayop na alaga sa bahay ay maaaring “magsapanganib sa kalusugan” kung hindi ito pag-iingatan. “Ang mga kagat ng hayop, mga kalmot, pagkalunok ng pulgas, at maging ang pagkadaiti ng mukha ay maaaring magbunga ng impeksiyon at pati na ng kamatayan,” sabi ng ulat. Isang babae ang nahawa ng pulmonya sa kaniyang pusa at namatay. Isang sampung-taóng gulang na batang babae ang naimpeksiyon mula sa sugat na bunga ng kalmot ng kaniyang pusa na, marahil ay, nahawa naman sa may sakit na mga daga o sa mga pulgas nito. Ang bulate ay maaaring manggaling sa mga aso. Kaya, mag-ingat, babala ng JAMA.

Pandaigdig na Suliranin sa Pag-inom

● “Ang daigdig ay may suliranin sa pag-inom,” sabi ng The Sun ng Melbourne, Australia. Ang pandaigdig na produksiyon sa serbesa ay sumulong ng 124 porsiyento sa nakaraang 20 taon, ang mga de-alkohol ay mahigit na 60 porsiyento, at ang alak ay 20 porsiyento. Karagdagan dito, ang produksiyon ng alkohol ay sumulong ng 500 porsiyento sa Asya sa nakaraang 20 taon, 400 porsiyento sa Aprika, at 200 porsiyento sa Latin Amerika.

● Sa Rusya, sinabi ng isang hepe ng pulis, na “ang munting sinag ng araw sa sikmura” ay nagbunga ng “65 porsiyento ng mga pamamaslang, 71 porsiyento ng pananalakay, 63 porsiyento ng mga panggagahasa, 90 porsiyento ng panggugulo at 53 porsiyento ng panggugulo at 53 porsiyento ng pagkasagasa ng tren, kasama na ang ikaapat na bahagi ng lahat ng aksidente sa sasakyan.”

● Sinasabi ng ulat na ang mas mataas na antas ng pamumuhay sa industriyalisadong mga bansa ang nagpapahintulot sa marami na makabili ng inumin, at kapag sumasapit ang paghina ng negosyo at kawalan ng trabaho marami ang bumabaling sa pag-inom. Ang masasamang resulta ay: sakit sa atay, pagkahibang, pagkamatay sa aksidente sa sasakyan at krimen.

● Sa Inglatiyera “alkohol ang siya ngayong pinakamalaking nag-iisang salik sa pagkalunod,” sabi ng Yorkshire Post. Sinabi nito na ikaapat na bahagi ng iniulat na 516 di-sinasadyang pagkalunod sa Britanya noong 1982 ay kaugnay ng alkohol.

Mga Panganib ng Pagsasalin ng Dugo

● Sinabi ni Ira Shulman, pathologist sa Los Angeles County​—USC Medical Center na, “Ang pagkahawa sa malaria mula sa pagsasalin ng dugo ay madalang,” nguni’t noong 1982 siyam na kaso ang iniulat. Ang sakit ay maaaring mailipat ng mga nag-aabuloy ng dugo mula sa mga dakong may malaria. Sinabi ni Dr. Byron Myhre na ang mga bangko ng dugo ay umaasa sa mga boluntaryo, at sa kabila ng pinakamabuting magagawa nila, “nariyan lagi ang panganib ng hepatitis, malaria at sari-saring impeksiyon. Tuwing ihahatol ang dugo, posible itong magbunga ng sakit.”

Balita sa Palaka

● Isang palaka na pumipisa ng mga itlog nito sa loob ng tiyan, na inaakalang isang uring lipol na, “ay muling natuklasan,” 750 milya (1,200 km) sa hilaga ng Brisbane, Australia, iniulat ng International Herald Tribune sa Paris. Pumukaw ng maka-siyentipikong interes ang palaka sapagka’t ang mga itlog nito, na pinipisa sa tiyan, ay “maliwanag na hindi napipinsala ng mga sangkap sa pantunaw nito,” sabi ng ulat. Ipinasiya ng mga siyentipiko na “may isang bagay na tiyak na humahadlang sa mapanirang epekto ng asido haydrokloriko at iba pang enzyme sa pantunaw ng palaka,” at ito ay maaaring maging mahalaga sa pagsugpo ng mga ulcer sa tao.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share