Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rs p. 349-p. 354
  • Rapture

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Rapture
  • Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung May Magsasabi​—
  • Jesu-Kristo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • ‘Inagaw Upang Salubungin ang Panginoon’—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaligtasan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Ikaw ba ay Aagawin Tungo sa Langit?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
rs p. 349-p. 354

Rapture

Kahulugan: Ang paniniwala na ang katawan ng tapat na mga Kristiyano ay aagawin mula sa lupa, na dagling kukunin mula sa sanlibutan, upang makaisa ang Panginoon “sa hangin.” Ang unawa ng iba, bagama’t hindi ng lahat, ay na ang salitang “rapture” ang siyang kahulugan ng 1 Tesalonika 4:17. Ang salitang “rapture” ay hindi binabanggit sa kinasihang mga Kasulatan.

Nang sabihin ni apostol Pablo na ang mga Kristiyano ay “aagawin” upang makasama ang Panginoon, anong paksa ang pinag-uusapan?

1 Tes. 4:13-18, RS: “Hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog [“yaong mga natutulog sa kamatayan,” NE; “yaong mga nangamatay,” TEV, JB], upang kayo’y huwag mangalumbay na gaya ng mga iba na walang pag-asa. Sapagka’t yamang sumasampalataya tayo na si Jesus ay namatay at nabuhay muli, ay gayon din naman, sa pamamagitan ni Jesus, ang nangatutulog ay dadalhin ng Diyos na kasama niya. Sapagka’t ito ang sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mangauuna sa nangatutulog. Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw, na may tinig ng arkanghel, at may tunog ng pakakak ng Diyos. At ang nangamatay kay Kristo ang unang mangabubuhay; kung magkagayon, tayong nangabubuhay na nangatitira ay aagawing kasama nila sa mga alapaap upang salubungin ang Panginoon sa hangin; at sa ganito’y lagi nating makakasama ang Panginoon. Kaya’t mangag-aliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.” (Maliwanag na may ilan sa mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano sa Tesalonika na namatay na. Pinasigla ni Pablo ang mga nabubuhay pa na aliwin ang isa’t isa ng pag-asa sa pagkabuhay-muli. Kaniyang ipinaalaala sa kanila na si Jesus ay binuhay-muli mula sa mga patay; gayon din naman, sa pagparito ng Panginoon, ang tapat na mga Kristiyano sa gitna nila na namatay na ay bubuhaying-muli upang makasama ni Kristo.)

Sino yaong mga ‘aagawin sa mga alapaap,’ gaya ng binanggit sa 1 Tesalonica 4:17?

Ipinaliliwanag ng 1Tes 4 talata 15 na sila ang mga tapat “na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon,” alalaong baga’y, sila’y nabubuhay pa sa panahon ng pagparito ni Kristo. Mamamatay kaya sila? Ayon sa Roma 6:3-5 at 1 Corinto 15:35, 36, 44 (na sinipi sa mga pahina 351, 352), sila’y kailangang mamatay upang kanilang makamit ang makalangit na buhay. Subali’t hindi sila kailangang manatili sa patay na kalagayan upang hintayin ang pagbabalik ni Kristo. Sila’y dagling “aagawin,” “sa isang kisap-mata,” upang makasama ang Panginoon.​—1 Cor. 15:51, 52, RS; gayon din ang Apocalipsis 14:13.

Darating ba si Kristo na nakikita sa alapaap at dadalhin niya sa langit ang tapat na mga Kristiyano habang nanonood ang sanlibutan?

Sinabi ba ni Jesus kung baga siya’y makikitang muli ng sanlibutan sa pamamagitan ng literal na mga mata?

Juan 14:19, RS: “Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanlibutan, nguni’t inyong [kaniyang tapat na mga alagad] makikita ako; sapagka’t ako’y nabubuhay, at mangabubuhay rin naman kayo.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.) (Ihambing ang 1 Timoteo 6:16.)

Ano ang ibig sabihin ng ‘pagbabang mula sa langit’ ng Panginoon?

Posible bang ang Panginoon ay “bababang mula sa langit,” gaya ng sinabi sa 1 Tesalonica 4:16, kahit hindi nakikita ng literal na mga mata? Noong kaarawan ng sinaunang Sodoma at Gomorra, sinabi ni Jehova na siya’y ‘bababa at titingnan’ kung ano ang ginagawa ng mga tao. (Gen. 18:21, RS) Nguni’t nang gumawa si Jehova ng pagsisiyasat na iyon, walang taong nakakita sa kaniya, bagama’t nakita nila ang mga kinatawang anghel na sinugo niya. (Juan 1:18) Sa katulad ding paraan, maaaring ibaling ni Jesus ang kaniyang pansin sa tapat niyang mga tagasunod sa lupa upang sila’y gantimpalaan, kahit hindi siya babalik sa laman.

Kung gayon, sa anong diwa “makikita” ng tao ang Panginoon na “pariritong nasa isang alapaap”?

Inihula ni Jesus: “Kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng tao [si Jesu-Kristo] na paparitong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.” (Luc. 21:27, RS) Sa anomang paraan hindi sinasalungat nito o ng ibang kahawig na pangungusap ang sinabi ni Jesus na nakaulat sa Juan 14:19. Isipin ito: Sa Bundok ng Sinai, ano ang nangyari nang ang Diyos ay ‘naparito sa mga tao sa isang salimuot na ulap,’ gaya ng binanggit sa Exodo 19:9? (RS) Ang Diyos ay naroroon nguni’t hindi nakikita; nakita ng bayan ng Israel ang katibayan ng kaniyang presensiya, subali’t wala sa kanila ang aktuwal na nakakita sa Diyos. Gayon din naman, nang sabihin ni Jesus na siya’y pariritong “nasa isang alapaap,” ang ibig niyang sabihin ay na siya’y hindi makikita ng mata ng tao nguni’t matatalos nila na siya’y naririto. “Makikita” nila siya sa pamamagitan ng kanilang mga mata ng pag-iisip, na natatalos nilang siya’y naririto. (Para sa karagdagang komento, tingnan ang paksang “Pagbabalik ni Kristo.”)

Maaari bang dalhin ang mga Kristiyano sa langit na taglay ang kanilang katawang laman?

1 Cor. 15:50, RS: “Sinasabi ko nga ito, mga kapatid: ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Diyos, ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.”

Sinasalungat ba ito ng karanasan ng propetang si Elias? Hindi. Ito’y dapat unawain sa liwanag ng malinaw na kapahayagan ni Jesus pagkaraan ng maraming siglo: “Walang umakyat sa langit kundi siya na nanggaling sa langit, samakatuwid baga’y ang Anak ng tao.” (Juan 3:13, RS) Bagama’t si Elias ay nakitang “sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo,” hindi ito nangangahulugan na siya’y umakyat sa dako ng mga espiritu. Bakit hindi? Sapagka’t pagkatapos nito ang ulat ay nagsasabi na siya’y nagpadala ng isang sulat ng pagsaway sa hari ng Juda. (2 Hari 2:11, RS; 2 Cron. 21:1, 12-15) Bago inimbento ng mga tao ang eroplano, ginamit ni Jehova ang sarili niyang paraan (isang karong apoy at isang ipoipo) upang si Elias ay dalhin sa langit na nililiparan ng mga ibon at ilipat sa ibang dako.​—Ihambing ang Genesis 1:6-8, 20.

Palihim kayang dadalhin sa langit ang tapat na mga Kristiyano, na basta nawawala sa lupa nang hindi namamatay?

Roma 6:3-5, RS: “Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Kristo Jesus ay nabautismuhan sa kaniyang kamatayan? . . . Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip niya sa wangis ng kaniyang kamatayan, tayo’y tiyak na magiging kalakip niya sa wangis ng kaniyang pagkabuhay-muli.” (Ang nangyari sa kaso ni Jesus ang siyang huwaran. Alam ng kaniyang mga alagad at gayon din ng mga iba na siya’y namatay. Hindi siya ibinalik sa makalangit na buhay kundi pagkaraan ng kaniyang kamatayan at pagkabuhay-muli.)

1 Cor. 15:35, 36, 44, RS: “Sasabihin ng iba, ‘Paanong muling bubuhayin ang mga patay? Anong anyo ng katawan ang iparirito nila?’ Ikaw na mangmang! Ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay. Inihahasik na may katawang laman, binubuhay-muli na may katawang espiritu.” (Kaya kailangan munang mamatay bago matanggap ng isa ang katawang espiritu, hindi ba?)

Ang lahat ba ng tapat na mga Kristiyano ay makahimalang kukunin ng Panginoon mula sa lupa bago ang malaking kapighatian?

Mat. 24:21, 22: “Kung magkagayo’y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo’y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailanman. At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamáng makaliligtas; datapuwa’t dahil sa mga pinili ay paiikliin ang mga araw na yaon.” (Hindi sinasabi nito na ang lahat ng “mga pinili” ay dadalhin sa langit bago ang malaking kapighatian, hindi ba? Sa halip, ito’y nagbibigay ng pag-asa sa kanila, kasama na rin ang mga iba sa laman, na sila’y makaliligtas sa malaking kapighatiang yaon dito sa lupa.)

Apoc. 7:9, 10, 14, RS: “Pagkatapos nito ay tumingin ako, at narito, isang malaking pulutong na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa’t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Kordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay, at nagsisigawan ng malakas na tinig, na nagsasabi, ‘Ang kaligtasan ay nasa aming Diyos na nakaupo sa luklukan, at sa Kordero!’ . . . ‘Ang mga ito’y ang lumabas sa malaking kapighatian.’ ” (Para masabing ang isa’y “lumabas” sa isang bagay kailangan munang nakapasok na siya roon o kaya’y naroroon na siya. Kaya ang malaking pulutong na ito ay mga taong mismong makakaranas ng malaking kapighatian at makakalabas doon bilang mga makaliligtas.) (Tungkol sa kanilang pagiging nasa lupa, tingnan ang pahina 226.)

Ang mga tunay na Kristiyano ay magkakaroon ng anong proteksiyon sa panahon ng malaking kapighatian?

Roma 10:13, RS: “Ang bawa’t isang tatawag sa pangalan ng Panginoon [“Jehova,” NW] ay maliligtas.”

Zef. 2:3, RS: “Hanapin ninyo ang PANGINOON [“Jehova,” NW, AS, Yg, By], ninyong lahat na maamo sa lupa, na nagsisigawa ng kaniyang mga utos; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan; kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng PANGINOON.” (Gayon din ang Isaias 26:20)

Ang lahat kaya ng mga tunay na Kristiyano ay dadalhin sa langit pagkatapos ng malaking kapighatian?

Mat. 5:5, RS: “Mapapalad ang maaamo, sapagka’t mamanahin nila ang lupa.”

Awit 37:29, RS: “Mamanahin ng matuwid ang lupain [“lupa,” Ro, NW], at tatahan doon magpakailanman.” (Gayon din ang mga Aw 37 talatang 10, 11, 34)

1 Cor. 15:50, RS: “Ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Diyos.”

Tingnan din ang paksang “Langit.”

Bakit may ilang mga Kristiyano na dadalhin sa langit upang makasama ni Kristo?

Apoc. 20:6, RS: “Sila’y magiging mga saserdote ng Diyos at ni Kristo, at maghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.” (Yamang sila’y maghaharing kasama ni Kristo, nararapat lamang na mayroong mga taong kanilang paghaharian. Sinu-sino ang mga ito? Tingnan ang Mateo 5:5 at Awit 37:29.)

Tingnan din ang paksang “Pagkapanganak-na-Muli.”

Yaon bang mga nagtutungo sa langit ay ibabalik din sa lupa upang mabuhay magpakailanman dito sa Paraiso?

Kaw. 2:21, RS: “Ang matuwid ay tatahan sa lupain [“maninirahan sa lupa,” NE], at ang taong may katapatan ay mamamalagi roon.” (Pansinin na hindi sinasabi ng teksto na ang gayong mga taong matuwid ay babalik sa lupa kundi na sila’y mamamalagi roon.)

1 Tes. 4:17, RS: “At sa ganito’y lagi nating [mga Kristiyanong inagaw tungo sa langit] makakasama ang Panginoon.”

Kung May Magsasabi​—

‘Naniniwala ba kayo sa rapture?’

Maaari kayong sumagot: ‘Napansin ko na hindi pare-pareho ang mga paniniwala tungkol sa kahulugan ng rapture. Maaari ko bang malaman ang inyong paniniwala tungkol dito? . . . Anomang paksa ang pinag-uusapan, makabubuti kung ihambing ang ating paniniwala sa sinasabi mismo ng Bibliya. (Gamitin ang angkop na mga bahagi ng materyal sa itaas.)’

O maaari ninyong sabihin: ‘May nagpaliwanag sa akin na ang rapture ay isang paraan upang maitakas ang mga Kristiyano. Marami ang naniniwala na ito ang paraan ng pagtakas sa dumarating na malaking kapighatian. Ito rin ba ang inyong paniniwala?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Talagang gusto nating makamit ang proteksiyon ng Diyos sa panahong yaon, at may nakita akong ilang nakapagpapatibay na mga teksto na nagpapakita kung paano natin makakamit ito. (Zef. 2:3)’ (2) ‘Ipinakikita ng Bibliya na ang ilang mga tapat ay iingatan ng Diyos dito mismo sa lupa. (Kaw. 2:21, 22) Ito’y kaayon ng layunin ng Diyos nang una niyang lalangin si Adan at ilagay siya sa Paraiso, hindi ba?’

Isa pang posibilidad: ‘Marahil ang ibig ninyong sabihin kapag binanggit ang rapture ay na ang mga Kristiyanong nabubuhay sa katapusan ng sistema ng mga bagay ay dadalhin sa langit, hindi ba? . . . Naisip na ba ninyo kung ano ang gagawin nila pagdating sa langit? . . . Pansinin ang sinasabi ng Apocalipsis 20:6 (at Apo 5:9, 10). . . . Nguni’t sino ang pamamahalaan nila? (Awit 37:10, 11, 29)’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share