‘Nang Magbangon si Jehova ng mga Hukom’
MAKIKITA mo agad ang Bundok Tabor (F4) sa mapa—sa timog-kanluran ng Dagat ng Galilea, sa Libis ng Jezreel. Isip-isipin mo ang isang hukbo ng 10,000 na nagkakatipon sa taluktok ng bundok na iyon. Ginamit ni Jehova si Hukom Barak at ang propetisang si Debora para pagkaisahin ang Israel laban sa Canaanitang si Haring Jabin, na sumiil sa bayan sa loob ng 20 taon. Sa ilalim ng pinuno ng hukbo na si Sisera, ang 900 karo ni Jabin na nasasandatahan ng mapanganib na mga lingkaw na bakal mula sa Haroset ay dumating sa tuyong lunas ng Kison, sa pagitan ng Megido at Bundok Tabor.
Pinangunahan ni Hukom Barak ang mga lalaki ng Israel pababa sa libis upang labanan ang puwersa ni Sisera. Tiniyak ni Jehova ang tagumpay sa pamamagitan ng pagpapadala ng rumaragasang baha na naging dahilan upang mabalaho ang mga karo ni Sisera, na ikinasindak ng mga Canaanita. (Huk 4:1–5:31) Isa lamang iyan sa maraming tagumpay na ipinagkaloob ng Diyos sa Israel noong panahon ng mga Hukom.
Pagkatapos na masakop ang Canaan, ang lupain ay binaha-bahagi sa mga tribo ng Israel. Pansinin kung saan nanirahan ang iba’t ibang di-Levitang mga tribo. Ang maliit na tribo ni Simeon ay tumanggap ng mga lunsod sa teritoryo ni Juda. Pagkamatay ni Josue, humina ang espirituwal at moral na kalagayan ng bansa. Ang Israel ay “nalagay sa malubhang kagipitan,” anupat siniil ng mga kaaway. Dahil dito, buong pagkahabag na ‘nagbangon si Jehova ng mga hukom’—12 lalaking may pananampalataya at lakas ng loob—na nagligtas sa Israel sa loob ng tatlong siglo.—Huk 2:15, 16, 19.
Si Hukom Gideon ay gumamit lamang ng 300 bahagyang nasasandatahan ngunit maliliksing sundalo upang lupigin ang 135,000 mandirigmang Midianita. Ang lugar ng pagbabaka ay nasa pagitan ng Bundok Gilboa at More. Matapos ang unang tagumpay, tinugis ni Gideon ang kaaway pasilangan, patungo sa disyerto.—Huk 6:1–8:32.
Si Jepte, isang Gileadita mula sa tribo ni Manases, ang nagpalaya sa mga bayan ng Israel sa silangan ng Jordan mula sa mga maniniil na Ammonita. Upang magtagumpay, malamang na naglakbay si Jepte sa Daan ng Hari, na nag-uugnay sa Ramot-gilead at sa lugar ng Aroer.—Huk 11:1–12:7.
Ang kabayanihan ni Samson laban sa mga Filisteo ay nakasentro sa baybaying bahagi sa palibot ng Gaza at Askelon. Ang Gaza ay nasa matubig na rehiyon na bantog sa agrikultura. Gumamit si Samson ng 300 sorra upang silaban ang mga bukirin ng mga butil, ubasan, at taniman ng olibo ng mga Filisteo.—Huk 15:4, 5.
Gaya ng ipinakikita sa ulat ng Bibliya o ng ipinahihiwatig ng kanilang tribo, ang mga hukom ay naging aktibo sa lahat ng lugar sa Lupang Pangako. Saanman may mga kaganapan, pinangangalagaan ni Jehova ang kaniyang nagsisising bayan sa panahon ng kagipitan.
[Mapa sa pahina 15]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Mga Tribo at Hukom
Mga Hukom
1. Otniel (Tribe of Manasseh)
2. Ehud (Tribe of Judah)
3. Samgar (Tribe of Judah)
4. Barak (Tribe of Naphtali)
5. Gideon (Tribe of Issachar)
6. Tola (Tribe of Manasseh)
7. Jair (Tribe of Manasseh)
8. Jepte (Tribe of Gad)
9. Ibzan (Tribe of Asher)
10. Elon (Tribe of Zebulun)
11. Abdon (Tribe of Ephraim)
12. Samson (Tribe of Judah)
Mga Takdang Bahagi ng mga Tribo (Tingnan ang publikasyon)
Nakapaloob na mga Lunsod ni Manases
E4 Dor
E5 Megido
E5 Taanac
F4 En-dor
F5 Bet-sean (Bet-san)
F5 Ibleam (Gat-rimon)
Nakapaloob na mga Lunsod ni Simeon
C9 Saruhen (Saaraim) (Silhim)
C10 Bet-lebaot (Bet-biri)
D8 Eter (Token)
D9 Ziklag
D9 Ain
D9 Hazar-susa?
D9 Asan
D9 Beer-sheba
D10 Hazar-sual
E9 Etam
E9 Bet- marcabot
E9 Betuel? (Khesil?)
E9 Sheba? (Jesua)
E10 Baalat-beer (Baal)
E10 Ezem
Mga Kanlungang Lunsod ng mga Levita
E8 Hebron
F3 Kades
F6 Sikem
H4 Golan
H5 Ramot-gilead
H8 Bezer
Mga Pangunahing Lansangan
B10 Via Maris
G10 Daan ng Hari
Mga Tribo ng Israel
DAN (D7)
D7 Jope
E8 Zora
JUDA (D9)
C8 Askelon
C9 Gaza
C9 Saruhen (Saaraim) (Silhim)
C10 Bet-lebaot (Bet-biri)
C12 Azmon
C12 Kades
D7 Jabneel
D8 Eter (Token)
D9 Ziklag
D9 Ain
D9 Hazar-susa?
D9 Asan
D9 Beer-sheba
D10 Hazar-sual
E8 Lehi
E8 Betlehem
E8 Hebron
E9 Etam
E9 Bet- marcabot
E9 Betuel? (Khesil?)
E9 Sheba? (Jesua)
E10 Baalat-beer (Baal)
E10 Ezem
ASER (E3)
E2 Tiro
E4 Haroset
E4 Dor
F1 Sidon
MANASES (E5)
E6 Samir (Samaria)
E6 Piraton
F6 Sikem
G5 Abel-mehola
EFRAIM (E7)
E7 Timnat-sera
F6 Tapua
F6 Shilo
F7 Bethel (Luz)
NAPTALI (F3)
F2 Bet-anat
F3 Kades
G3 Hazor
ZEBULUN (F4)
E4 Betlehem
ISACAR (F5)
E5 Megido
E5 Kedes (Kision)
E5 Taanac
F4 En-dor
F5 Bet-sita
F5 Bet-sean (Bet-san)
F5 Ibleam (Gat-rimon)
BENJAMIN (F7)
F7 Gilgal
F8 Jerusalem
DAN (G2)
G2 Dan (Lais)
MANASES (H3)
H4 Golan
GAD (H6)
G6 Sucot
G6 Penuel
G6 Mizpa (Mizpe)
G7 Jogbeha
H5 Ramoth-gilead
H7 Raba
H7 Abel-keramim
RUBEN (H8)
G7 Hesbon
G9 Aroer
H7 Minit
H8 Bezer
[Iba pang mga lokasyon]
I1 Damasco
[Kabundukan]
F4 Bdk. Tabor
F4 More
F5 Bdk. Gilboa
F6 Bdk. Ebal
F6 Bdk. Gerizim
[Katubigan]
C5 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)
F9 Dagat Asin
G4 Dagat ng Galilea
[Mga ilog at sapa]
B11 A.L. ng Ehipto
F6 Ilog Jordan
G6 A.L. ng Jabok
G9 A.L. ng Arnon
G11 A.L. ng Zered
[Larawan sa pahina 14]
Ang Bundok Tabor, na nasa teritoryo ni Isacar, ay kitang-kita sa Libis ng Jezreel
[Larawan sa pahina 14]
Nabalaho ang mga karo ni Sisera dahil sa baha sa Kison