Ang Israel Noong Panahon Nina David at Solomon
NANGAKO ang Diyos na ibibigay sa binhi ni Abram ang lupain “mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa . . . ilog ng Eufrates.” (Gen 15:18; Exo 23:31; Deu 1:7, 8; 11:24) Nang makapasok si Josue sa Canaan, mga apat na siglo na ang nakalilipas bago nakaabot sa mga hangganang iyon ang Lupang Pangako.
Nasakop ni Haring David ang Arameanong kaharian ng Zoba, na umabot sa Eufrates sa hilagang Sirya.a Sa timog naman, ang tagumpay ni David laban sa mga Filisteo ay nagdala sa kaniya hanggang sa hanggahan ng Ehipto.—2Sa 8:3; 1Cr 18:1-3; 20:4-8; 2Cr 9:26.
Pagkatapos ay namahala si Solomon “mula sa Ilog [Eufrates] hanggang sa lupain ng mga Filisteo at hanggang sa hangganan ng Ehipto,” na naglalarawan sa mapayapang pamamahala ng Mesiyas. (1Ha 4:21-25; 8:65; 1Cr 13:5; Aw 72:8; Zac 9:10) Gayunman, ang lugar na nasakop ng Israel ay karaniwang sinasabi na umaabot “mula sa Dan hanggang Beer-sheba.”—2Sa 3:10; 2Cr 30:5.
Sa pagsuway sa Diyos, nagtipon si Haring Solomon ng mga kabayo at karo. (Deu 17:16; 2Cr 9:25) Nadala niya ang mga ito sa magkakarugtong na daan at lansangang-bayan. (Jos 2:22; 1Ha 11:29; Isa 7:3; Mat 8:28) Mayroon tayong detalyadong ruta ng ilan lamang sa mga ito, gaya ng “lansangang-bayan na paahon mula sa Bethel tungo sa Sikem at sa dakong timog ng Lebona.”—Huk 5:6; 21:19.
Ganito ang sabi ng The Roads and Highways of Ancient Israel: “Ang pinakakapansin-pansing problema sa pagsusuri sa magkakarugtong na daan sa Israel ay ang bagay na wala nang natitirang aktuwal na bakas ng mga daan sa bansang iyon mula sa panahon ng Lumang Tipan, dahil hindi pa nalalatagan ng bato ang mga daan noong [panahong iyon].” Subalit, ibinabadya ng topograpiya at ng nahukay na mga labí ng mga lunsod ang direksiyon ng marami sa mga daan.
Karaniwan nang nakaaapekto ang mga daan sa galaw ng mga tropa. (1Sa 13:17, 18; 2Ha 3:5-8) Upang salakayin ang Israel, ang mga Filisteo ay nagmartsa mula Ekron at Gat patungo sa isang dako “sa pagitan ng Socoh at Azeka.” Sinalubong sila roon ng hukbo ni Saul “sa mababang kapatagan ng Elah.” Nang mapatay ni David si Goliat, tumakas ang mga Filisteo pabalik sa Gat at Ekron, at si David naman ay umahon sa Jerusalem.—1Sa 17:1-54.
Ang Lakis (D10), Azeka (D9), at Bet-semes (D9) ay nasa likas na mga ruta na bumabagtas sa Sepela at patungo sa mga burol ng Juda. Kaya napakahalaga ng mga lunsod na ito sa pagharang sa mga kaaway na dumaraan sa Via Maris upang hindi sila makapasok sa pinakasentro ng Israel.—1Sa 6:9, 12; 2Ha 18:13-17.
[Talababa]
a Ang teritoryo ng mga Rubenita ay nakaabot hanggang sa Disyerto ng Sirya, na ang hangganan sa kanluran ay ang Eufrates.—1Cr 5:9, 10.
[Kahon sa pahina 16]
MGA AKLAT NG BIBLIYA MULA SA PANAHONG ITO:
1 at 2 Samuel
Mga Awit (bahagi)
Mga Kawikaan (bahagi)
Awit ni Solomon
Eclesiastes
[Mga mapa sa pahina 17]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Teritoryo at mga Daan sa Panahon ng Nagkakaisang Monarkiya
Mga Hangganan (Panahon ni Solomon)
Tipsa
Hamat
Tadmor
Berotai (Cun?)
Sidon
Damasco
Tiro
Dan
Jerusalem
Gaza
Aroer
Beer-sheba
Tamar
Ezion-geber
Elat (Elot)
[Mga ilog at sapa]
Eufrates
A.L. ng Ehipto
David at Solomon (mga lansangan)
B10 Gaza
C8 Jope
C9 Asdod
C10 Askelon
C11 Ziklag
C12 ILANG NG PARAN
D5 Dor
D6 Heper
D8 Apek
D8 Rama
D9 Saalbim
D9 Gezer
D9 Makaz
D9 Ekron
D9 Bet-semes
D9 Gat
D9 Azeka
D10 Soco(h)
D10 Adulam
D10 Keila
D10 Lakis
D11 Jatir
D12 Beer-sheba
E2 Tiro
E4 Cabul
E5 Jokneam (Jokmeam?)
E5 Megido
E6 Taanac
E6 Arubot
E7 Piraton
E8 Lebona
E8 Zereda
E8 Bethel
E9 Mababang Bet-horon
E9 Mataas na Bet-horon
E9 Geba
E9 Gibeon
E9 Gibeah
E9 Kiriat-jearim
E9 Nob
E9 Baal-perazim
E9 Jerusalem
E9 Betlehem
E10 Tekoa
E10 Hebron
E11 Zip
E11 Hores?
E11 Carmel
E11 Maon
E11 Estemoa
F5 En-dor
F5 Sunem
F5 Jezreel
F6 Bet-sean
F7 Tirza
F7 Sikem
F8 Zaretan
F8 Shilo
F8 Opra?
F9 Jerico
F11 En-gedi
G2 Abel-bet-maaca
G2 Dan
G3 Hazor
G3 MAACA
G5 Lo-debar (Debir)
G5 Rogelim
G6 Abel-mehola
G7 Sucot
G7 Mahanaim
H1 SIRYA
H4 GESUR
H6 Ramot-gilead
H8 Raba
H9 Medeba
H11 Aroer
H12 MOAB
I4 Helam?
I9 AMMON
[Mga Pangunahing Lansangan]
C10 Via Maris
H6 Daan ng Hari
[Kabundukan]
F5 Bdk. Gilboa
[Katubigan]
C8 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)
F10 Dagat Asin (Dagat na Patay)
G4 Dagat ng Galilea
[Bukal o balon]
E9 En-rogel
[Mga larawan sa pahina 16]
Sa kanan: Libis ng Elah, tanaw ang mga burol ng Juda sa gawing silangan
Sa ibaba: Naging posible ang paglalakbay sa Lupang Pangako dahil sa magkakarugtong na daan