ABIASAP
[Ang (Aking) Ama ay Nagtipon].
Isa sa tatlong anak ni Kora na Levita, at isang inapo ni Kohat. (Exo 6:16-24) Ang kaniyang mga kapatid ay sina Elkana at Asir. Waring siya ang tinutukoy na Ebiasap sa 1 Cronica 6:37 at marahil ay pati sa 1 Cronica 9:19 at 1 Cronica 6:23.
Lumilitaw na ang mga anak ni Kora ay hindi sumama sa kanilang ama sa paghihimagsik nito, kasama nina Datan at Abiram, laban kina Moises at Aaron. Kaya naman ang mga anak na ito ay hindi namatay na kasama ng kanilang ama noong panahong iyon. (Bil 26:9-11) Sa gayon, nang dakong huli, binabanggit ang “mga anak ni Kora” sa mga superskripsiyon ng marami sa Mga Awit (42, 44-49, 84, 85, 87, 88), bagaman ang terminong ito ay pangunahin nang nangangahulugang “mga inapo ni Kora,” o “sambahayan ni Kora.”