AGAGITA
[Ni (Kay) Agag].
Isang termino na ikinapit kay Haman at sa kaniyang ama, si Hamedata, sa Esther 3:1, 10; 8:3, 5; 9:24. Lumilitaw na ipinakikilala sila nito bilang mga inapo ni Agag at samakatuwid ay mula sa angkan ng mga Amalekita. Karaniwan nang gayon ang pagkaunawa ng mga Judio sa pananalitang ito at ipinapalagay nila na si Agag ang monarkang binanggit sa 1 Samuel 15:8-33. Tinutukoy ni Josephus si Haman bilang “mula sa angkan ng mga Amalekita.” (Jewish Antiquities, XI, 209 [vi, 5]) Si Mardokeo ay isang inapo ni Kis na mula sa tribo ni Benjamin, kung kaya siya at si Haman ay masasabing mortal na magkaaway.—Es 2:5.