ARPACSAD
Isang anak ni Sem. Ipinanganak siya dalawang taon pagkaraan ng Baha, samakatuwid ay noong mga 2368 B.C.E., at namatay siya pagkalipas ng 438 taon. Siya ay isang ninuno ng mga Hebreo sa pamamagitan ng kaniyang apo na si Eber. (Gen 10:22, 24; 11:10-13; 1Cr 1:17-27) Ipinakikilala siya bilang ang ama ni Shela, bagaman sa ulat ni Lucas (3:35, 36), kung saan isiningit ang pangalang Cainan, ay malinaw na ipinakikitang siya’y lolo ni Shela; ngunit tingnan ang CAINAN Blg. 2.—Gen 10:24; 11:12; 1Cr 1:24.