AVEN
1. Ang Aven ay lumilitaw sa Hebreong tekstong Masoretiko sa Ezekiel 30:17 at gayon ang pagkakasalin nito sa King James Version. Maraming makabagong salin ang kababasahan dito ng “On,” ang lunsod sa Ehipto na tinatawag ng mga Griego na Heliopolis. Ang mga katinig na Hebreo para sa Aven ay katulad ng sa On, ngunit magkaiba ang inilagay na tuldok-patinig sa mga ito. Iminumungkahi ng ilang komentaryo na ang paglalagay ng ibang tuldok-patinig ay isang sinasadyang paggamit ng magkatunog na mga salita bilang paghamak sa idolatrosong lunsod ng On, ang sentro ng pagsamba ng Ehipto sa araw.—Tingnan ang ON Blg. 2.
[2, 3: Pananakit; Bagay na Nakasasakit]
2. Sa Oseas 10:8, maliwanag na lumilitaw ang Aven sa tekstong Hebreo bilang pinaikling Bet-aven.—Ihambing ang Os 4:15; 5:8; 10:5; tingnan ang BET-AVEN Blg. 2.
3. Ang Amos 1:5 ay may binabanggit na “kapatagang libis ng Aven,” at ang pananalitang ito mula sa Hebreo ay isinasaling “Bikat-aven” sa NW, JP, at JB.—Tingnan ang BIKAT-AVEN.