BAAL-HAZOR
[May-ari ng Looban (Pamayanan)].
Isang dako na malapit sa “Efraim” (marahil ay ang lunsod ng Efrain[m] na binanggit sa 2Cr 13:19; ihambing ang Ju 11:54) kung saan ginanap ang kapistahan ng paggugupit sa mga tupa ni Absalom; noong pagkakataong iyon ay minaniobra niya ang kamatayan ng kaniyang kapatid na si Amnon. (2Sa 13:23, 28) Iniuugnay ito sa bundok ng Jebel ʽAsur (Baʽal Hazor) na 1,032 m (3,386 piye) ang taas, mga 8 km (5 mi) sa HS ng Bethel. Mula sa Baal-hazor ay tumakas si Absalom patungo sa maliit na kaharian ng Gesur, sa S ng Dagat ng Galilea.